'JN'

8 0 0
                                    

Kier's pov

"Tara na nga! Pasalamat ka nakita ko yang dimples mo ah. Hahaha!" sabi ni kisha.

'Buti pa ung dimples ko nakikita mo. Pano naman ung feelings ko para sayo?'

"Anong sabi mo?" Aysht. Napalakas pala ung pagkakasabi ko. Narinig kaya niya?

"Wala! Sabi ko tara na! Kanina pako nagugutom dito oh!"

Nagpunta na kami ng canteen ni Kisha para kumain. Ako narin ung bumili ng mga kakainin namin tutal alam ko na naman ung mga gusto niya eh. Hello! Ilang years naba kami magkasama? Halos lahat ng gusto namin alam ma ng isa't isa. Mula sa pagkain, favorite movie, stuff toys, bands at iba pa!

'Ung feelings ko lang naman para sa kanya ang di niya alam eh'

Ang drama ko! Hahaha! Pero totoo 2nd year palang kami gusto ko na si Kisha. Hindi ko nga alam kung bakit ang manhid manhid ng bestfriend ko at di niya nararamdaman yon hays. Pero okay lang kasi baka pagnalaman niya maiba ung treat niya sakin.

'Ayokong lumayo siya'

Habang kumakain kami ay may dinikit na poster ung isang teacher sa likod namin...

"Show your talent!"
What?: Audition for 'Student's Got Talent!'
Where?: School Auditorium, building 2.
When?: November 22, 2015 / 1-3pm in the afternoon.
*Please bring your IDs
*If your in a group, 2-5 members are required.
*Thank you!

Napatingin agad ako kay Kisha nang mabasa ko ung nakalagay sa poster. Agad naman siyang ngumiti ng nakakaloko. Buti naman ay nakuha niya agad yung gusto kong sabihin. *smirk*

Hi I'm James Kierson Lopez nga pala a.k.a. Kier and I'm confidently gwapo with a heart! Hahaha!
••

"Kelan practice?" Bakit ba? Excited ako eh! Hahaha!

"Practice agad? Di pa nga natin alam kung ano ipeperform natin! Tss. "

"Ano kaba? Sa tagal ba naman nating nagkakantahan di mo pa alam talent natin?" Hays slow din talaga to minsan eh.

"Alam ko! Kaya lang ang pagkakaalam ko, masyado kang bading para ilabas yang guitar skills mo *smirk*" aba loko to ah?

"Ako bading? Huh pwede ba? Alam ko namang inlove na inlove ka sa kagwapuhan ko no. Umamin ka na kase di ko naman ipagkakalat eh." Umamin ka please. Pleaseeeeeeeee

"Kapal ah!" Ugh. "Oo gwapo ka pero mas gwapo si— OMAYGASH! Besty si JN!"
Napatingin ako sa tinuturo niya. Bumibili pala si Feeling-gwapo-di-naman-marunong-magbasketball in short ung crush niyang si Johann Nicole Dela Cruz. Ang bading ng pangal tss. Di lang pala pangalan pati itsura. Di ko alam kung ano ung pinakain niya dito kay Kisha at gwapong gwapo siya sa mokong nato. Eh wala pa nga sa kalingkingan ng abs ko yan eh.

"Ang pangit. Mas gwapo pa si andy dyan eh." Nakalaro ko na ng basketball yon. Halos mamatay ako sa katatawa ng umakmang magtithree points ang loko. Aba pagkaitsya ng bola ni hindi manlang tumama sa ring. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!

"Hoy! Wag mong ikukumpara sa mga barkada mong jologs si papa JN no! Masyado siyang cool para sa kanila. Saka baliw kaba? Tumatawa ka mag isa diyan. Tss" Jologs?! Ang yayaman ng mga barkada ko no! Syempre pati ako hahaha!

"Bahala ka nga dyan. Magsama kayo ng JN mong panget!"

Mabilis akong tumayo at naglakad palayo kay Kisha. Narinig ko namang pinigilan niya ko pero di ko na siya pinansin. Ewan ko kung trip ko lang talagang magwalk out o nagtatampo lang talaga ako sa kanya. Alam kong di niya alam na may gusto ako sa kanya at ayoko ring malaman niya pero di ko mapigilang magselos dahil si JN ang gusto niya at hindi ako. Lalo na na mas kinakampihan niya pa yon kesa sakin. Ako na bestfriend niya simula pa ng bata kami. Ako na laging nandyan para sa kanya. Ako na nagmamahal sa kanya.

'Bakit pa kase ayaw mong umamin Kier?'
'Baka kase layuan ako diba?!'
'Bestfriend mo yan! Never kang iiwan niyan gago!'

Siguro tama si Kisha. Nababaliw na nga ako. Kausapin daw ba ung sarili ko. Teka di manlang ba ko hinabol ni Kisha? Balikan ko na nga. Dami mo kasing arte Kier! Tss.

Paglingon na paglingon ko para balikan si Kisha nakitang ko siyang nakaupo sa batuhan mukang nadapa siya. Lntk. Dahil sa kaartihan ko to eh!
Lalapitan ko na sana pero naunahan ako ni JN. Grabe ang timing mo brad ha.

Inalalayan niya si Kisha para makatayo. Okay na sana kaso hinawakan pa niya sa kamay saka sa bewang si Kisha. Akala ko tutulungan ng gago. Manyanyansing lang pala! Tngn! Nag iinit ung ulo ko sa kanya!

"Gago to ah?!"

••••••

Okay lang ba guys? Feeling ko corny. Huehue. Sorry medyo matagal mag ud. Data lang kase gamit ko eh. Pk problems. :(

Enjoyyyyyy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying My Boy BestfriendWhere stories live. Discover now