Contrast - II

75 1 0
                                    

Ngayon ang arrival ng transferees from Princeton.

As in literal na nagsilabasan lahat ng girls sa school namin.

Nag-aabang...

Naghahanap...

Nagmamasid...

Sumisigaw...

Nahihimatay-

"Ari!"

Total panira ng moment. -_-

"What?"

"Hanap ka ng head."

Ng ulo?

"Hanap ka ni Miss Ferrer!"

Ah...okay. Korni.

" 'kay. Thanks Cha." walang gana kong sagot at kumaripas na ng takbo. Baka biglang makipag chismisan pa sakin yun. Delikado na. Tsk tsk.

Masama ang kutob ko pag bigla-bigla akong pinapatawag sa office. Tsk. At least hindi yung mismong office ang tumatawag. Hindi ko na kailangan ng isang office na nagsasalita. Kaweirduhan nanaman siguro ng mga kaibigan kong timang kaya ako nanaman ang special guest. Tch.

Pagkarating ko sa office, sinalubong ako ng napakagaling kong step-sister. I did tell you na cliche ang buhay ko, right? Pero parang wala namang konek sa kacliche-an yung step-sister crap. Ay ewan!

Anyway, as I was saying, sinalubong ako ni Elisa, kasama ng tatlo kong kaibigan na feel at home sa office na 'to. Lagi namang feel at home tong tatlong to eh. Kahit sa cr pa yan.

"Anong meron?" tanong ko.

"My dear sister, you are incharge of the six transferees." 

Incharge?

Six?

Ako?

"Teka, teka, teka! First of all, ako? Incharge? Tapos six? I thought it was five! Teka, bat ako lang?!" sunod sunod na tanong ko. Nung napansin kong nagsisipag-atrasan na sina CK, nairita ako. Sisigaw na sana ako nang bumukas ang pintuan.

"Ms. Ferrer, andito na po ang transferees."

Napalingon ako sa pintuan. Six nga.

"Thank you Anna. You may go. And as for you Ariana, good luck on your job as a school tour guide." pasosyal na sabi ni Elisa. 

Okay fine, hindi pasosyal. Tunog professional kasi eh!

"Ariana?"

"Ha?"

"May iaassist ka pang transferees!" sigaw ng tatlo kong kaibigan (ehem).

At saka ia-assist? Ito-tour daw eh. Bayaran niyo ko after nito ha! Mahal talent fee ko!

Aish! 

Nilingon ko ulit yung anim. Jusme, andame naman neto! Magmumuka akong yata akong yaya sa porma ng mga to ah!

Teka nga! Bat yaya nanaman?!

"Ah yes. May I have your schedules?" sabi ko. Isa isa naman silang nagbigay ng papel sa akin.

Hmm... Lahat sila may classes na kasama ako. Yung dalawa, almost all of my classes andun sila. Yung tatlo, mga three classes lang. Yung isa, well...nasa lahat. Pero kung papansinin, halos identical ang schedules nila. Okay narin yun, atleast hindi sila OP pag nagkaklase na.

"We still have thirty minutes before all of your classes start. " panimula ko. "Do you wanna take a tour around the school now or later, after your classes?" 

Nonosebleedin ako. Pengeng tissue. Isang sako na para sure.

"I think we'll do the tour now." sabi nung pandak. 

Bwahahaha joke. Maliit lang siya.

Pero ganun na din yun.

"Okay. C'mon then." nagpipigil ng ngiti kong sabi.

-after thirty minutes, first class-

"Good morning class blahblahblahblah"

Hindi na ako nakinig. Nag imagine nalang ako.

Isusulat ko na sana yung mga nasa isip ko nung kinalabit ako nung transferee na isa. Aww, ang cute cute niya talaga!

Katabi ko nga pala yung tatlong transferees. Ah basta yun na yun.

"Anong pangalan mo? Wala akong makausap eh." medyo nahihiya niyang tanong. Eeeh wag kang ganyan, baka hindi ko mapigilan, kurutin ko yung pisngi mo!

"Ariana." ngiti ko sa kanya. "And you are?"

"Xavier." ngiti niya. Omo! Why so cute?!

(A/N : I'll use EXO for my boy characters and SNSD for some of the girls. Nakakatamad kasi maghanap ng maganda at gwapo XD. Pag sinabi kong sux, random yan at hindi by M and K. Palatandaan nito nalang ang first letter ng names. Xavier = Xiumin. Hindi rin masusunod ang real age. [weeee xiuminnieeeee! XD]  Selected lang ang cast ko na EXO at SNSD. BTOB, 2ne1, BIGBANG, at 4minute na siguro yung iba.)

"Miss Lopez and Mister Go, is there something you want to share with this class?"

Nagulat ako ng biglang nagsalita yung teacher.

"None Ma'am." sabay naming sabi. Nung tumingin ako sa kanya, there was a pinkish glow on his cheeks. Awee ang kyot!

"Back to our discussion. Blahblahblah."

And, once again, I paid no attention. Ayoko talaga makinig eh. May google naman. Grabe, reregaluhan ko ng gabundok na chocolates ang gumawa ng google. Brain food.

Nagiisip na ako ng kakainin mamayang lunch nung may lumanding na papel sa table ko. Nanggaling sa tabi ko. Pero hindi kay Xavier.

'Hey miss, did it hurt when you fell from heaven?'

Napailing nalang ako habang sinusulatan ko yung papel at inabot dun sa lalaking nasa left ko.

Grabe naman ang ganda ko today, umaapaw!

Napansin ko na napa-facepalm si Xavier sa nakita niya.

Anmeron? Kilala niya?

Nung nakita nung lalaki yung sinulat ko, napa-smirk lang siya at inabot ulit saakin. Buti hindi kami napapansin ng teacher dito.

Ito kasi yung sinulat ko,

'No, but I did scrape my knees when I crawled up from hell.'

Ang galing no? Nakita ko lang sa facebook yan eh.

His reply?

'Well hello there, the girl that crawled up from hell. I'm Kevin. ^_~'

Push mo yan kuya. Kung hindi mo keri, pull mo. Kung hindi mo parin keri, pakamatay ka na. Sagot ko na kabaong mo.

"Class dismissed."

Yay!

Nagmadali akong tumayo at umalis. Ang hirap namang sumiksik dito!

Sa kakahanap ko sa next class ko, nakalimutan kong may tatlong lalake pa akong sasamahan. Aish! Asan na ba yung tatlong yun?

* * *

"Uy grabe ka Ariana, iniwan mo kami!" sabi ni Xavier.

BAT GANUN, ANG CUTE NIYA! >.<

"Ehehehehehe sarreh sarreh!"

Grabe, malolosyang ako ditey!

........................................

A/N : Omaygash! Walang sense! TT.TT

ContrastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon