TERRIFIED YET IN LOVE (a JAEVON FF) - Part 1

2K 24 5
                                    

Terrified Yet In Love

By: Athena Manzano – Tan (acheena)

(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari.  At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay.  The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18.  Minors, please be responsible in reading this fanfic. )

Chapter 1:

“Divine, anak ang Papa mo!” Hysterical na sigaw ng mama ni Divine sa kabilang linya.

“Ma, bakit po?  Ano pong nangyari kay Papa?” tanong ni Divine.

“Anak, sinugod namin si Papa mo dito sa ospital.  Nadisgraysa ang Papa mo at ngayon ay nasa emergency room siya.  Nak, puntahan mo ako dito ngayon na.  Magmadali ka please.  Di ko ito kakayaning mag-isa.” Ang sambit ni Aling Lily habang hindi maampat ang pag-iiyak nito.

Napa-iyak na rin si Divine sa tinuran ng ina.  Litong-lito siya sa mga pangyayari.  Pinipilit niyang ibalik sa huwisyo ang sarili dahil ngayon siya higit na mas kailangan ng nanay niya at kailangan niyang magpakatatag.

“Ma, papunta na ako diyan.  Magpapaalam lang po ako dito sa opisina.  Hintayin nyo po ako ha.  Magpakatatag po kayo.  May-awa ang Diyos.” Pilit na pinapatatag ni Divine ang sarili at ang nanay niya.

Matapos tanungin ang mga detalye ng kinaroroonan ng ama ay kumatok na si Divine sa silid ng kanyang boss.

“Boss, sorry po.  May emergency lang po.  Nasa hospital si Papa.  Sinugod po nila Mama kasi nadisgrasya daw po.” Di na napigilan ni Divine ang mga luhang pumatak.

Napahawak na lang si Mam Grace sa dibdib nito at tumayo sa kina-uupuan at niyakap si Divine.  Para na kasi nitong anak si Divine na matagal ng nagtatrabaho bilang recruitment officer sa isang bangko and si Mam Grace ang Human Resource head.

“Vine, magpakatatag ka.   Kayanin mo yan.  Ngayon ka higit na kailangan ng mama mo.  Sige pahatid na kita kay Mang Cesar para mas mabilis kang makakarating sa ospital.”  Sabay tinawagan na nito ang driver para ihatid si Divine sa ospital.  Nagyakapan ang dalawa bago umalis si Divine.

Pagdating niya sa ospital ay agaran niyang hinanap ang ina at nanlumo siya sa nakita na hapong-hapo ang mama niya na naka-upo sa isang sulok.  Patakbo niyang sinaklolohan ang ina na nung makita siya ay naghehisterya na naman itong umiyak.

“Anak, ang papa mo!” sabay iyak nito na parang batang nawalan ng laruan.

Tandem ang papa’t mama ni Divine lagi.  Magkatuwang ito lagi sa lahat ng bagay.  Pero sa dalawa, ang Papa niya ang mas malakas at ang mama niya’y dependent lagi sa papa niya kaya gayon na lang ang pagkalumo nito sa nangyari sa asawa. 

“Ma, tama na po.  Huwag na po kayong umiyak.  Makakasama din sa inyo yan” Natatakot din si Divine sa maaring kahihinatnan ng ina kasi may sakit din ito sa puso at pinagbabawal ng doctor nito ang mapagod.

“Nasaan si Papa Ma?

“Nasa loob at inaatendihan ng mga doctor.”  Sagot ni Aling Lily.  Tyempo naman ang paglabas ng isa sa mga attending physician ng papa niya at kinausap sla.

Nagpakilala ang doctor sa kanila na Dr. Ives Dizon.  Bata pa ito, mga kasing edad lang kay Divine at mukhang mabait itong kausap.

“Ms. Divine, tatapatin ko na kayo, your father needs to be operated to take out the blood clot in his head.  Kakailanganin ang operasyon sa lalong madaling panahon.”  Mahinahong pag eexplain ni Dr. Dizon sa kalagayan ni Mang Serion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TERRIFIED YET IN LOVE (a JAEVON FF) - Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon