CHAPTER 10

62 7 6
                                    

Past is past, but the memories will come back and hunt you till down. Hope will fade but the new beginning is coming, but for now just sleep my dear and let the night pass till the morning star...

THIRD PERSON POV

Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng lalaki at dali-daling nilinis ang kumalat na dugo sa sahig kasabay nito ay ang paghila nila sa dalaga palabas ng abandonadong gusali. Tanging lagutok lamang ng mga sirang kasangkapan ang maririnig at maliban roon ay wala.

Maging ang hakbang ng bawat isa ay walang iniiwang bakas maging ingay. Lahat ay payapa at tanging katahimikan ang lumulukob sa loob at labas ng gusali. Bahagyang magtatakip silim na kaya naman ang lahat ay nagmadali upang sa pagsapit ng gabi ay ang lahat ay makauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Walang daing at pagpupumiglas kang maririnig at tanging hingang malalin lamang na pinapakawalan ng dalaga. Pagod na siya, ang mga mata nito'y nagiging malamlam na habang ang damit nito ay puno na ng dugo! Dugong sa kanya rin nanggaling.

Makalipas ang ilang minutong lakaran ay pumasok na ang lahat sa van na sasakyan nila samantalang ang lider naman nila ay kanina pa nakaalis. Bumuntong hininga muna ang driver ng sasakyan at pinaandar na ito. Muli pagkatapos ng ugong ng makina ay wala na namang ingay na maririnig.

Bakas sa mukha ng mga kalalakihang kasama ni Kylie ang iba't-ibang dahilan kung bakit nila ginagawa ang ganitong klase trabaho. Mayroon napipilitan, mayroon gusto lamang, at higit sa lahat ay mayroon napag utusan lamang. Lahat ng tao ay magkanya-kanyang dahilan kaya kung mamarapatin ay huwag na lamang natin alamin. 

"Patapos na ang pangalawang araw ko rito sa maynila, ngunit tila ba'y simula pa lamang ng mga pangyayari" bulong ng dalaga sa kanyang isip at ipinikit na ang kanyang mga mata. (Booggshh) 

Isa...Dalawa...Tatlo! tatlong  beses na nagpaikot ikot ang sasakyang kinasasakyan ng dalaga bago pa ito sumalpok sa may konkretong parte ng kalsada. Panibagong katahimikan na naman ang namamayani ngunit sa pagkakataong ito ay iba.

Nagkalat ang tumalsik at nabasag na bubog sa iba't- ibang dereksyon ng sasakyan maging sa loob man o sa labas. Walang nagsasalita, walang kumukibo, at marahil ay wala na nga atang humihinga?

Ngunit isa sa mga lulan ng sasakyan ang bumuntong hininga at napangiwi dahil sa sakit ng iniindang mga sugat. Magbunyi! buhay pa ang dalaga! Unti-unti itong kumilos upang makalabas ng sasakyan at makahingi ng tulong.

Bagsak ang balikat ng dalaga ng makita niya na walang katao-tao sa paligid maging sasakyang maaring dumaan. Oo nga pala't hindi pa sila gaano nakakalayo sa lumang gusali kaya naman bibihira ang dumaraan na sasakyan sa kanilang kinakalagyan. 

Unti-unti, pahakbang-hakbang ang ginagawa ng dalaga upang makalayo siya sa kinaroroonan ng sasakyan. Bahagya pa lamang siyang nakakalayo ng biglang sumabog ito. Napatigil, huminto, at unti-unting lumingon ang dalaga mula sa kanyang kinaroroonan.

"Ano bang nangyayare? sino ba talaga ang kalaban ko rito? ang tadhanang pilit ako dinadala sa kabilang buhay o ang pumatay sa aking  kapatid na aking buhay ang nais?" bulong nito

Walang lakas na natumba ang dalaga at napaupos sa kanyang kinaroroonan. Pamaya-maya pa ay bumibigat na ang kanyang talukap. Ano na? Ano ng kahahantungan niya?

"Matulog ka na muna ako munang bahala sa iyo" ani ng tao sa kanyang harap bago tuluyan bumigat ang kanyang mga mata at lukubin na ng dilim.


AN: yieeee tapos na ang isang chapter! sorry short update lang mwehehehe


Rotten To The CoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon