Ako na daw kasi ang pinaka waley na tao sa balat ng lupa.. Lahat nalang ng mga banat ko ay sinasabi nilang CORNY. Eh kasi ganito yan.. May Gusto ako sa bestfriend ko. Alam na ito nang lahat pati ng parents ko.. Hindi naman daw labag sa kanilang kalooban kasi crush lang daw naman kasi.. Basta wag ko daw muna liligawan kasi masyado pa kaming bata..
“Ate, pabili ngapo ng limang mogu-mogu” Sabi ko sa nagbebenta. Dito kami ngayon nang mga barkada ko sa paborito naming tambayan..
Minsan nga di ko na alam kung mga barkada ko ba talaga tong mga to.. Di manlang kasi nila ako sinusuportahan sa crush ko. Binibiro pa nga nila ako minsan na wala na daw akong pag asa sa crush ko.. Haii Naku talaga oh..
“Unoooh.. Isang waley na banat nanaman ang nag galing sa b arkada nating napa ka corny.. Tawa tayo . . Ha-ha-ha!”
“Tumigil na nga kayo jan! Pagkatapos ko kayong ilibre, pagtatawanan at pagkakaisahan niyo nalang ako?? Aba’t nasa malayang bansa tayo, pwede kong gawin at sabihin lahat nang gusto.. “ sagot ko naman sa kanila..
“nasa malayang bansa?? ha-ha-ha.. Eh bat hindi mo masabi sa crush mo na crush mo siya? “
“ eh anong magagawa ko? natatakot ako eh.. “
“ Ano bang klase nang bala yang ginamit niya sayo ni Jewel at tinamaan ka nang sobra?? “
“Bala ng pagmamahal? ”
“ Ayan ka nanaman.. Ang corny mo nanaman! oh eto 100 pesos! Bili ka nang water gun at barilin mo sarili mo baka sakaling mahugasan at mawala yan pagka corny mo.. “
“Ayon sa batas bawal yan.. Pwede akong magkasa-sala at makulong sa puso niya habang buhay.. Ano may laban pa ba yang mga banat niyo jan?? hahahaa
“ Last nay an hah??Pwede? Bat ba kasi ang corny mo?? “
“Teka nga! Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Wag nga kayo jang KJ! Isa pa talaga, di ko na kayo lilibrehin..” Banta ko sa kanila…
Pagkatapos akong pagkaisahan nang mga barkada kong kasing ingay nang lata kung mag ingay ay umuwi na ako sa amin para may pahinga.. Bago ako nagpahinga ay dumiretso muna ako sa sala..
“Manang asan ka?? Gutom na ako!”
“Eto naglalaba.. May pagkain jan sa lamesa, kumain ka na!”
“ Sige hoh, salamat. “
Pagkatapos kung kumain ay napagdisesyonan ko munang pumunta sa park kasama ang aking alagang asong si Brownie.. Nang dumating kami sa park ay naupo muna ako sa isa sa mga bench doon..
“ Banal na aso, santong kabayo.. Natutuwa ako. Hi-hi-hi-hi. “ Ringtone ni Marc.. ( Classmate Calling)
“Hello”
“Hi.. Nabasa mo ba yung text ko?? “
“Yung sa Filipino? Research tungkol kay balagtas?? “
“Yun nga.. At sa Science Experiment wag mong kalilimutan hah?? “
“Oo na.. Ako nalang sa lata hah?? “
“Oh sige. Bye”
Pag end ko sa tawag , bigla namin akong kinilig kasi nakita ko ang wallpaper ko sa cellphone, si Jewel lang naman kasi ang wallpaper ko.
“Jewel kasing ganda nang mga tala ang iyong pangalang at kagandahan, at ikaw ang nagbibigay liwanag sa mundo kong madilim “
“Talaga?:))”
“Oo, at ako ay mas nabighani dahil sa iyong maputi at makinis na balat.. “
“Salamat Marc”
“Your Welcome”
Pero teka, sino bang kinakausap ko??Wala naman akong kasama ditto maliban sa aso kong si Brownie.. Hallah! Lalaki pa yung aso ko.. Ibig ba nitong sabihin??
“Uy, kelan ka pa na tutong magsalita?? ulitin mo ang mga sinabi mo! Kelan ka pa nagkagusto saken? " Magmukha mn akong tanga dito okay lang, mapatunayan ko lang na nagsasalita si Brownie, magiing bigtime na ako. Yess!
"Oo, crish din kita, bata palang tayo"
"Jusmiyo! Baliw na ba ako?! Brownie tumigal ka nga! Di to pwede! Amo mo ako ! At si Jewel lang ang mahal ko! Bad Boy! Bad Dog! Bad Pet! Bad Friend! "
Kinakabahan na ako at baka sumikat ako! Mababasa ko nalang sa headline ng dyaryo, "Marc at kanyang aso M.U. na" Wag naman sa----
"ARAY"
bigla akong napatigil sa pagkausap sa sarili ko nang biglang may bumatok sa akin..
"Aray! Ano ba problema mo?! Bat mo ako binabatu----- Je Jewel?!! " Nabigla ako nong nakita ko si Jewel sa likoran ko! Hala! Nakakahiya!
"Jewel din pala pangalan nang aso mo? Sorry akala ko ako pinagsasabihan mo, Sige alis na ako"
Sagabal talaga si Brownie oh-,-
"Wait! Hindi talas naman ng pandinig mo. Pero yung kaninang pinasgsasab mo, totoo ba yun? yung ano oh, alam mo na"
"Ah, oo totoo lahay yun.. haha, kala ko kasi ako pinagsasabihan mo, yung aso mo pala."
Pati ba naman aso pagseselosan niya?Baka pagkamalan akong baliw nito..
" Jewel! Brownie ang pangalan ng aso ko. At totoo lahat ng mga sinabi ko.. Lahat ng iyon para sayo at hindi kay Brownie.. Ikaw ang crush ko, hindi rin si Brownie. Ikaw ang gusto ko, ang mahal ko. "
"Nakakataba naman ng puso yang pinagsasabi mo"
"Umpisa palang ganun na nararamdaman ko sayo. Sayo na nga pala to."
Nilagay ko ang kamay ko sa aking dibdib at nilagay sa kamay niya ang puso kong nagmamahal ng tapat sakanya..
"Sayo na yan.. Umpisa palang sayo ko na yan ini-laan "
Hinampas lang nya ako ng mahina at pabiro sabay sabing:
"CORNY. HAHA, PERO SWEET"
Then after 4 months na panliligaw ni Marco kay Jewel,Finally sinagot na rin siya ni Jewel.. Pinayagan na rin ng parents ni Marco at Jewel sina Marco at Jewel na maging sila..
~The End:))
Guys this story is written by: @Desisiete_KP Ako lang hoh ang nag publish.:))
Read her stories it too amazing. . Thank you po:))
~Thank you:))
BINABASA MO ANG
Sweet- Corn ( One Shot po ito:))
Short StoryThis story is Written By Desisiete_KP.. Read her stories:)) Please read hoh.. Makiikli lang toh.. haha ~Happy Reading