Lester's POV
It all began in the first day of our school's foundation week. I saw her walking, holding a huge pack of marshmallows. She was strolling alone and testing every booth in the area, then she saw our booth.
"Hi." She greeted my friend Candice.
She had hazel brown eyes that anyone will die for, she had the smile that can send shivers to my spine and her voice, it's so mellow. It was like love at first sight.
Candice greeted her back. "What is this?" Tanong niya.
"Uhm, that's for donations miss, you have to pick one from this box and then, if you don't want to do the dare you will have to pay the fine. Would you like to try?" Tanong sa kanya ni Candice.
"Oh, alright. Let's try." Sabi nung babae while eating her marshmallows.
Nung bumunot siya, biglang namula 'yung pisngi niya, lumingon lingon siya sa paligid tapos, napatingin siya sa'kin. She swallowed lahat ng laman ng bibig niya. Then, she kissed me, sa pisngi. Peck lang 'yun pero feeling ko nag slow motion 'yung buong paligid.
Then, she showed me kung anong nabunot niya 'Kiss the guy near you. Fine: P100.00' kahit ako, kung ako makakabunot non hahalik nalang din ako eh, ang mahal! One hundred pesos?!
"Lester, mas pula ka pa sa itlog na maalat ah." Pang - aasar sa'kin ni Candice. 'Yung babae naman nandun pa rin nakatayo sa harap ko.
"Sorry kuya *peace sign* HAHAHA. Wala na kasi akong pera eh. Angel nga po pala." Sabay abot nung kamay niya sa'kin, inabot ko naman *shake hands*
"Hi, uhm Lester." Pakilala ko. Bagay na bagay 'yung pangalan niya sa kanya, angelic face kasi siya.
Kinabukasan, hinintay ko siyang bumalik kaso wala eh, baka nadala. Nakita ko nalang ulit siya last day na. Naglalakad siya ulit, eto namang FC na si Candice tinawag siya, nginitian niya kami bago lumapit sa booth namin, ang ganda niya lalo 'pag ngumingiti siya.
"Nga pala Angel, nakalimutan kong tanungin last time anong year mo na ba?" Tanong ni Candice sa kanya ako naman nanunuod lang sa kanila.
"Fourth year na po. Kayo po ni kuya?" Tanong niya.
"Fourth year na din. Section 5 kami. Ikaw?" Tanong ulit ni Candice sa kanya.
"8 po eh. HAHA." Sagot niya nang nakabungisngis.
After that, bihira ko na siyang makausap, minsan nadadaanan ko siya sa court, naglalaro siya ng volleyball, minsan sa cafeteria kasama niya 'yung mga kaibigan niya, nung nakita niya nga ako nung nakaraan sobrang lapad nung ngiti niya.
So, hanggang ganito na lang pala ako? Tingin tingin nalang. Pero, wala naman akong mapapala kung wala akong gagawin 'di ba? Tama, hihingi ako ng tulong kay Candice.
That day I went into my local studio. Dito ako lagi nagpapadevelop ng pictures eh. Well, ang dami neto kaya for sure may discount na naman ako.
"Ang ganda nitong batang 'to. Girlfriend mo?" Tanong sa'kin ni kuyang photographer.
"Ahm, hindi pa po." Sagot ko.
"So, may possibilities pa lang?" Natatawang sabi niya.
"HAHA. Sana po." Sagot ko naman.
Pagpunta ko sa school, ready na 'yung classroom, so ayun nga 'yung mga pictures na pinadevelop ko idinikit ko sa mga yarn, tapos 'yung mga yarn idinikit ko sa kisame ng classroom.
Nung ready na, tinignan ko saglit 'yung mga pictures, may mga picture na kumakain siya, naglalaro ng volleyball, naglalakad pauwi, nakaupo, at may natutulog. Grabe ang stalker ko pala. Hindi kaya siya magfreak out neto?
"Dali na Angel, saglit lang talaga 'to." Boses na ni Candice 'yon. Andyan na sila.
"Bakit ba Candice? Ano bang-" Napatigil siya nung nakita niya 'ko, nasa gitna ako ng room, napapalibutan ng mga flower petals at nung mga pictures niyang nakabitin.
"Teka ako 'to ah." Sabi niya with a straight face. Back out na kaya 'ko? Tapos bigla siyang tumawa.
"HAHA. Grabe ang pangit ko naman dito. Mukha akong mulala oh." Sai niya. Teka, hindi siya galit?
"Ah..Angel." Magpapaliwanag sana 'ko kaso-
"Ano 'yon Mr. Photographer?" Mapang asar na tanong niya.
"Eh kasi, ano eh-" Magpapaliwanag na talaga sana ako kaso bigla na naman siyang sumingit eh.
"Kaya pala feeling ko palaging may nakasunod sa'kin! Ikaw pala ang salarin. HAHA." Sabi niya. Nagtawanan tuloy kami.
"So ano 'to?" Bigla niyang tanong,
"Ahm..sasabihin ko sanang gusto kita?" Bakit tanong lumabas? Statement dapat 'yun eh.
"Pero hindi naman sa pinipilit kita, kung gusto mo lang naman. Pwede ba kitang maging girlfriend?" I asked pleadingly. Siya naman nakangiti lang dun.
"Akala ko hindi mo na itatanong 'yan eh." Sabi niya. Ano daw?
"Ha? Teka bakit anong-" Pero pinutol niya na yung sasabihin ko. "Sa tingin mo, hahalikan kita sa booth na 'yon kahit maraming tao sa paligid kung ayaw ko sa'yo? Gusto kita matagal na kaso..hindi naman tayo nagiging magkaklase, so, ayun, patingin tingin nalang ako sa'yo buti nalang nag foundation week, napanasin mo 'ko." Saad niya habang papalapit siyang papapalapit sa'kin.
"So ibig bang sabihin?" Isang ruler nalang ang pagitan namin ngayon.
"Oo!" Sigaw niya. Agad ko naman siyang niyakap.
"Promise mo lang, 'wag kang mang i-istalk ng ibang babae maliban sa'kin ha?" Bulong siya.
"Promise Angel, I love you." Sabi ko.
"I love you too, Lester." Sagot niya.
"Ahem." Agad kong nilingon kung sino yun. Si Mr. Alcantara pala.
"Kung tapos na kayong maglabing labing ng girlfriend mo. Pwede na ba kaming magklase dito, Mr. Buenavista?" Nakangising tanong niya. Napakalas naman si Angel sa'kin na namumula 'yung mukha.
"Ah, opo sir." Sagot ko, habang nakangiti, hinawakan ko ang kamay ng GIRLFRIEND ko. Paglabas namin ng classroom biglang-
"AYIEEEE! Ikaw na Lester! IDOL!" Sigaw ni Candice, kasama niya pa 'yung mga classmates namin. Diniinan ko naman ' yung pagkakahawak ko sa kamay ni Angel.
"Guys! Girlfriend ko!" Sigaw ko sabay turo sa kanya, kinurot niya naman 'yung braso ko, sabay bulong sa'kin, "Hoy, ano ka ba? Nakakahiya ka." Sabay tawa niya.
BINABASA MO ANG
He Shoots People
Teen FictionTaking pictures without the person's consent is illegal right? Pero heck, bakit ba? Eh dahil dito unti-unti kong nalaman na mahal ko na pala siya.