2-Second Year Highschool

41 1 3
                                    

Lissy’s POV

So eto na naman kami!Ang bilis ng taon,2nd year na agad  kami.Sana makaklase ko na siya,kilala niyo nay un J.Punta na kong room,namiss ko rin kasi yung dalawang tukmol.

“Lissy,We miss you!!” ayan na nga sila.Tumakbo papunta sakin at yinakap ako,hahah.

“Kayo naman,parang di tayo nagkita kita nung bakasyon” Oo lagi kaming gumagala kung saan saan.

“Syepre iba parin yung araw-araw” sabi ni Yen.

“Sige na nga,tara upon a tayo.Nararamdaman ko na yung teacher natin” may yumayanig kasing paa sa labas,eh alam na kung sino ang teacher.

“Goodmorning class” bati ni Sir Bobby,ganda ng pangalan halaw sa kanyang timbang :P

“Goodmorning Sir!!!” yung iba kong classmates hindi ko alam kung natatawa o natatae habang binabati si Sir Bobby.

At katulad nung first year,introduce yourself.Kunyari na lang daw hindi kami magkakakiakilala.At as usual parin hindi ko pa rin siya classmate,sighs.Sa II-Magic Sarap siya eh,tapos kami sa II-Nam Nam.Wag kayo matuwa sa section naming,hahah.Ganto naman lagi pag first week of class,walang masyadong ginagawa,fun fun lang.Nagulat nga kaming tatlo sa mga classmates naming  nagevolve yung muka.At iyon ang pinagtripan naming ngayon.

“Uy tignan mo si Alyssa,tumaba no?” tawang tawa si Len.

“Bat si Borja walang pinagbago muka,ganun pa din?” taking taka naman si Yen.

“Eto malupit!si CJ nga nagsusuklay eh.Alam na!hahahahah” napakasama ko.Grin.

Medyo mahirap na nga yung mga lessons eh,kailangan pang pigain yung utak mo.Naku lalo na sa Math at Science.Kaya lagi akong bisita ng library,basa basa lang.Malay mo Makita ko dun si Klaine.Hindi ko perin kasi siya nakikita eh.

Klaine’s POV

Hay,ang boring walang makausap.Makadukdok na lang at makatulog.Pero pag pumipikit ako si Lissy yung nakikita ko.Ewan ko?nagkakagusto na ata ako sa  kanya.Strange.Hindi ko pa nga siya nakikita simula nung bakasyon,nahihiya naman akong itext siya.Baka isipin nun may gusto ako sa kanya,eh meron naman talaga.

“Ahh,nakakainis” bulong ko sa sarili ko,di ko maintindihan tong sarili ko.

“Pre okay ka lang?” usisa nung classmate ko.

“Oo bro,sige labas lang ako” tinanguan niya lang ako.

Habang naglalakad,may nakita akong pamilyar na muka.SI Lissy ata yun papuntang library.Hay nahihiya nako sa kanya,ganto ba pag crush mo yung isang tao.Ayt para nakong bading.Makapagsoundtrip na lang dito sa ilalim ng puno.

“Hi Klaine” hay sino ba to istorbo,kitang nakapikit nako eh.

“Ano ba!” sigaw ko,pero angulat ako kung sino yung nag hi sakin, si Lissy.Nagulat ata siya sa reaksyon ko.

“Sorry Lissy akala ko kasi kung sino” pagsosorry ko.

“Wala yun,kasalanan ko naman.Kaya sorry din” sabi niya.Hay di ko mapigilang tumitig sa kanya.

“Ahm ..a .. ano bang ginagawa mo ditto?” medyo nautal pa ko.

“Wala?Gusto lang kitang makita.At ngayong nakita na kita,babye!” ang weird niya ngayon.Nagwave nalang ako sa kanya.

INTRAMS

Lissy’s POV

Yay intrams na,wala naman akongmasalihan at hindi ako sanay sa mga sports na ganyan.Kaya magchicheer na lang ako.Kasali kasi si Klaine sa Basketball.Sila Yen at Len sumali sa badminton kaya mag isa lang akong naggagala dito sa school.Dadamoves na rin ako.

“Go Klaine!”

“I love you Klaine!”

“Ang gwapo gwapo mo Klaine!”

Sigaw nang kung sinu sinong hipon at kabekian  kay Klaine,mas maganda yung akin.

“Kaya mo yan Klaine!!!Ang macho mo!!!!” sigaw ko talaga sa buong court,pinagtinginan ako ng mga tao.Pano ba naman sumigaw ako kung kelan tahimik na sila!Hahah.Yun ang tunay na pasikat.Napatitig pa sa akin si Klaine :>

Nanalo sila Klaine sa Basketball pati narin yung kambal sa Badminton.Samantalang ako panalo sa pagandahan,charot!hihihh…Nakaisa nakong damoves at dun talaga ko panalong panalo.

Madami pang occasions ang nagdaan (may paa po sila). Enjoy naman lahat ng yon.At ngayon December na, Christmas Party na.Pabonggahan ang suot ah.Ako nakadress lang at dollshoes,yung kambal nakajumper,ewan ko kung anong trip nila?.Ito nga ang kuda,may nagtext.

From: Klaine mylabs <3

You look beautiful J

Waah,bigti na!!kinikilig ako ng sobra,hindi ko to buburahin.Pipicturan ko to,papaframe ko.Hay,papakita ko sa kambal to!!

“Uy dali tignan niyo to” sabi ko sa kanila.

“OMG!!” sabay nilang sabi.At para kaming baliw na nagsisisigaw.Note this day,pink ang ipangsusulat ko sa diary ko dahil special ang araw nato *_*

Klaine’s POV

Nagdaan ang fieldtrip,Christmas,New Year at ito na ang hinihintay kong buwan,February.Gagawa kasi ako ng simpleng pacute lang kay Lissy.Bibigyan ko siya ng White rose at letter at dun sa letter may nakalagay na necklace.Alam ko napaka common na nito,pero hindi naman diyan nasusukat ang pagmamahal.Ilalagay ko yun sa upuan niya,secret admirer muna ko.

Lissy’s POV

February 14.Makikita mo puro magkaholding hands.Yung babae may hawak na rose o kaya naman teddy bear.Hindi naman sa naiinggit ako,ah basta.Makapasok na nga sa room.At pagpunta ko sa upuan ko may nakalagay na letter at white rose.Sino naman kaya ang nagbigay nito.

“Classmates,sino nagbigay nito?” tanong ko sa kanila.

“Hindi naming alam Lissy,pagdating naming andyan nayan” paliwanag naman ni Roviel.

Binasa ko ang letter at may nakalagay don “Sorry kung hindi ako nagpakilala,nahihiya kasi ako.Pero soon malalaman mo rin” may nakalagay pa “Sapat na kong nakakausap ka minsan at nakikita araw araw”.Susme sino naman kaya to yung baba, ang nakalagay  Your Secret Admirer, Bantoc.Ang baho nung codename niya ha or apilido? Wala akong kilalang Bantoc na nakakausap ko minsan.Pero ang sweet din at the same time kasi first time kong makatanggap ng letter at rose.Actually meron pa siyang necklace at yung pendant di ko madescribe,masyadong maganda.Kung sino ka man salamat.

Klaine’s POV

Tapos na ang 2nd year.At thank God hindi nalaman ni Lissy na ako yung nagbigay sa kanya ng rose at letter.Hindi pa ako handa.At habang tumatagal lumalalim yung pagtingin ko sa kanya.How I wish na ganun din sana siya sa akin.Alam ko highschool pa lang kami pero iba yung nararamdaman ko.

------

Just a Feeling <3

LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon