DEFINE HIM

62 1 2
                                    

Eternity POV

"WAAAAAAH. NAKAKAINIS TALAGA. Ang hirap taliin ne'tong buhok ko." Kasi naman oh gumising lang talaga ako ng maaga para lang taliin ng maayos yung buhok ko sa sobra kasing haba eh, Hanggang Bewang ba naman.  

"I forfeit" sabi ko sabay lugay ng buhok. Ugh. Di ko kasi kaya ang kaya ko lang eh Ponytail . No choice, Ayaw na ayaw ko pa naman talaga nilulugay buhok ko, kasi naiinitan ako at distraction lang ang buhok kung okay lang talaga mag pa skin head ginawa ko na noon pa. Pero itong nanay ko gusto daw na hanggang bewang ang buhok, Aba't kinontra ko siya kasi naman buhok ko kaya to pero nung sinabi niya na 

"Kung puputulin mo yang buhok mo, no allowance for a month" sino ba naman ang hindi susunod diba ? Pera ang pinag uusapan dre.

"Shit talaga, Malalate na ako ne'to sa klase dahil sa kaartehan ng buhok ko"  Kaya napagpasyahan ko nalang na bumaba wala naman din kasi akong magagawa sa lecheng buhok na eto, nakakabanas lang

"Good Morning my loves" Bati ni Dad sa akin habang pababa ako pupuntang kitchen kukuha lang ako ng hotdog. 

"Oh may problema? " tanong pa ne'to na naka alis na ang dyaryo niya sa mukha. 

"Itanong mo kay Mama" sagot ko sa kanya tapos umalis na ako sa bahay. Ewan ko naiinis ako morning na morning, nasisira tuloy ang Poise ko. 

Naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada alangan namang sa gitna diba? Ses, malapit lang kasi ang school mula sa bahay. Kaya nilalakad ko lang sayang din kapag sasakay pa ng tricycle sayang ang sampung piso ko.

Habang naglalakad ang ineng, nalampasan niya ang nagkukumpulang mga babae na alam niya namang mga low class kasi mukhang mga tambay ang mga babaeng iyon at mukhang naghihirap talaga sila kasi naman ang ikli ikli ng shorts at ang damit kulang nalang mag bra sila kasi expose na expose yung mga cleavage nila. At napansin ko lang ha, By color pa yung mga shorts nila . Gosh, Hindi ba sila nahihiya sa suot nila?

"Ang hot mo naman pogi, pwde bang pahingi ng number mo? " rinig ko mula sa babaeng naka pink na shorts matching white na sleeveless shirt and blonde na buhok na kitang kitang ang losyang niyang tingnan. Sinisira niya ata sarili niya.

"Oo, nga pogi Hot na Pogi pa. " Sang-ayon ng babaeng nakablue shorts na parang ewan siya sa suot niya masyadong rainbow? Nakakasilaw siya. Sheez, Mga lowclass nga naman na mga babae ano? Kung ano ano lang ang isinusuot at katawan nalang ang panlaban. Eww, I will never be like that EVER.

Hindi ko namalayan na kumikinto na pala ako.Nacucurious ako eh kung an-- sino ang pinagkaka abalahan nila. Baka kasi artista sayang naman no, Pang instagram na din yun. 

Ng mapansin ako ng isang nakakulay green na short na kulang nalang gawing panty yung short niya "Hey, you dumbss what are you doing ? " nung sinabi niya iyon nabaling ang atensyon nila sa akin, ang mga rainbow girls. Duh, mga low class people.

Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang ang sarili kong nakahandusay sa gilid ng park, Sht. 

" Don't you ever dare to get close to our hottie." sabi pa ni Miss Red. Wala eh, parang leader leader ata to siya sa lahat ng rainbow girls.Kayat inirapan ko lang siya at tatayo na sana ako ng

HisPOV

Nagising nalang ako sa pagkakatulog, sa ingay ng mga babaeng nagkukumpulan sa damuhan.Nandito kasi ako sa bench, umuupo lang napaaga kasi ako sa pagising at naisipan kong magrelax muna dito sa park. I snap on the thought, nung makita kong pinagkakaisahan ang isang babaeng nakauniform tulad ko, katulad ko. Oo nakauniform na ako. 

HIM <3 [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon