Lahat tayo ay may mga kaibigan. Pwera na lang sa mga snob na mga tao. Maramaming nagsasabi na ang mga kaibigan raw ay mga “masasamang impluwensya” sa atin. Pero dapat hindi tayo manghuhusga ng hindi pa natin alam kung ano talaga ang mga KAIBIGAN. Kung magkakaroon tayo ng kaibigan, ano kaya ang pakiramdam? Totoo nga kayang masamang impluwensya ang mga kaibigan? Pero paano kung ang isa sa mga kaibigan mo ay may makarelasyon, patuloy pa kaya ang nabuong pagkakaibigan o masisira lang dahil sa isang pagkakaroon ng pagkaiibigan.
Kring…Kring…Kring. Nagising na lang ako sa ingay ng aking alarm clock. 4:30 pa lang ay nagising na ako dahil sa sobrang pagkagalak na pumasok sa eskwelahan dahil first day of school ngayon. Pagkatapos kong mailigpit ang aking higaan ay dumiretso na agad ako sa C.R para maligo. 5:00 am na akong natapos na maligo at dali-dali kong sinuot ang aking bagong school uniform. “Anak! Anak! Halika ka na anak at nakahanda na ang iyong almusal” mahinahon na pagtawag ni mama. “Oo na! Pababa na ako ma” sagot ko naman. “Oh anak! Mukhang hindi halata na excited kang pumasok ah!” pabirong sabi ni mama. “Hihihi! Hindi naman po masyado ma” pahiyang sabi ko.
Toot!….Toot!….Toot!. Maingay na busina ng aming school bus. “Oh mama! Pupunta na po ako” tarantang pagsabi ko. “Oh sige, anak. Mag-ingat ka”
*Sa Lamberto Uy Villarama University (LUV U)
“Wow! Ang ganda naman ng bago kong school. Nakakasosyal!” pabulong na sabi ko. Naglalakad ako sa loob ng school para hanapin ang aking klasrum. Naninibago ako sa aking kapaligiran. Sa aking paglalakad ay nahanap ko na ang aking room at unti-unting lumakas ang pintig ng aking puso dahil sa kaba. “Good morning Ma’am!” galak na pagbati ko sa aking titser. Lalong lumakas ang pintig ng aking puso dahil nakatingin ang mga kaklase ko sa akin. “Dugdug…..dugdug…..dug…..dug”
Kring….kring…..kring! Tunog ng aming bell. Mag-isa akong nag-recess dahil wala pa akong kaibigan dahil bagong lipat pa lang ako. “Hoy!” isang babaeng kumalabit sa akin. “Oh! Bakit?” sagot ko naman. “Ay! Gusto lang sana naming makipagkaibigan sa’yo. Parang bago ka ata rito eh” “Ah, oo. Transferee po ako. Umm, okay lang po ba sa inyo na maging kaibigan niyo ako?” tanong ko. “Ay, syempre naman!” Ikaw pa! Mukhang mabait ka naman eh” galak na pagkasabi. “Oh talaga! Ang bait ko kaya!” pabirong sabi ko. “Hahaha! Masayahin ka pala eh. Oh nga pala, ipapakilala ko nga ang mga kaibigan ko. Ito nga pala si Ashley, Sandrine, Olive, Betty at ako si Kamille” sabi niya. “Ako nga pala si Fiona” sabay hawak sa kamay ni Kamille. Matapos kami nagpakilala sa isat-isa ay sabay kaming kumain ng aming snack.
Kring….kring…..kring! Tunog ng bell para sa pagtatapos ng aming recess. Pumunta na agad kami sa aming room. Ang titser naming ay si binibining Joyce Bernal. An gaming subject ay Filipino. 11:50 na at oras na para sa Angelus. “Paalam na class!” wika ni Bb. Joyce. “Paalam nap o Bb. Joyce!” sagot ng buong klase. “Oh, Fiona saan ka manananghalian?” tanong ni Ashley. “Kung saan kayo ay doon din ako” sagot ko naman. “Oh, sige, tara! Jollibee tayo” sabi ni Ashley. Sumang-ayon naman ang lahat kaya pumunta kami sa Jollibee. Mula noon ay palagi na kaming magkasama sa mga kalokohan, katatawanan, kalungkutan at minsan napupunta pa sa awayan. Pero lahat ng iyon ay kinukunsidara lang naming na isang pagsubok sa pagiging magkakaibigan. At alam kong ito lamang ay isang normal na bagay sa magkakaibigan. Ngayon ay nasa 3rd year high school na kami at matibay pa rin ang aming pagsasamahan. “Hay naku! Para lang ano. Noon ay wala pa akong mga kaibigan ay mahiyain pa ako, pero ngayon, ibang-iba na ang lahat” pagpapahayag ko. “Hahaha! Ibang-iba na talaga. Noon mahiyain ka pa, ngayon walang hiya na!” pabiring sabi ni Olive. “Haha! Oo nga! Ikaw na yung nangunguna sa mga kabalbalan na pinaggagawa natin” Dagdag naman ni Sandrine. “Hahaha!” nagtawanan kaming lahat.
“Oh pre, kamusta?” ani ni Iñigo. Si Iñigo ay an glider ng magkabarkadang F6. “Ay pre, okay lang. Oh, saan tayo ngayon?” sabi naman ni Drake. Si Drake ay ang pinaka-bully sa magkakaibigan. “Oh, tara! Hanapin muna natin sina Joshua, Ronn, Charles at Andrew” sabi naman ni Iñigo. Si Joshua ay ang mapagbiro sa kanila. Si Andrew naman ay ang “Hearthrob” sa grupo. At si Charles naman ay ang weird sa magkabarkada. Hinanap na nila ang kanilang mga barkada at umalis sa paaralan. Si Ronn naman ay ang “good boy” pero may pagkapilyo. “Hay naku! Buti naman at umalis na sila nakakasira ng view ditto” naiinis na sabi ko. Sumang-ayon naman din sila. Maraming may gusting sumali sa kanilang grupo pero lahat ng nagtangkang sumali ay nabigo. Ang F6 ay ibang-iba sa mga lalaki sa university dahil sila ay may sariling mundo na hindi namim maintindihan.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng taga-LUV U, ang “Sports fest”. Tuwing sports fest kasi ay maraming kasiyahan. Unang-una na doon ang Cheerdance Competition. “Hey girls! Sports fest na! Handan a ba kayo?” masayang tanong ni Betty. “Oo naman! Lalo na sa Cheerdance” Sabi ni Kamille. “Balita ko audition na ngayon para sa mga sasali” ani naman ni Ashley. “Oh, ano pang hinihintay natin? Tayo na! Mag-audition na tayo” sabi ko sa kanila. Agad agad naman kaming pumunta sa Auditorium para magpalista at may namataan si Sandrine at agad niya ‘tong sinabi sa aming mga “Gurls” “Tingnan niyo oh!” Sabi ni Sandrine. “OMG! Ba’t kasali sila sa cheerdance?” gulat na tanong ni Ashley. “Hala lagot! Ewan ko na lang kung anong mangyayari sa performance na ito” pangamba ni Olive. At walang ano-ano ay dumating na ang pinagbubulungan naming. “Okay, students. Humanda na kayo at magsisimula na ang audition” sigaw ng aming mentor.” “Oh sige na girls, kaya natin to. Kahit anong mangyayari gagawin pa rin natin ang lahat n gating makakaya” pampalakas loob na sabi ni Ashley. Nagsimula na ang audition at nauna ang F6. “F6 group, kayo na.” sabi ng mentor. At pagkatapos mag-perform nila ay kami nag sumunod. Ng natapos na ang “Ang mga tatawagin ko ay ang mga pasok sa audition. Ang unang nakuha ay ang F6, at nakuha rin ang mga Gurls..” sabi ng mentor. “Oh, pare, tanggap tayo!” tuwang-tuwa na sabi ni Charles. Masayang-masaya naman ang F6 sa resulta, ganoon rin ang naramdaman ng Gurls. Ngunit may pagkakaba.
Kinabukasan ay nag-umpisa na sila sa pag-iinsayo. “Hello mga chikabebot!” pambabastosna asta ni Drake. “CHE!”sagot naman namin. Tumawa lang ang F6. “O sige dancers! Pumunta na kayo sa mga puwesto niyo at mag-warm up na kayo” sabi ng mentor namin. Sa gitna ng pagwa-warm up ay umandar ang kapilyohan nila sa mga gurls. Pinatid ni Drake si Olive at natumba siya. “HAHAHA! Ang lampa mo naman!” salbahing pagkasabi ni Drake. “Hoy, ano ba kayo! Hindi naman namin kayo inaano ah” galit na sabi ko. Tuwing insayo na lang ay palaging binubully ng F6 ang girls. Si Iñigo ay binubully si Ashley. Si Andrew naman ay palaging binubully si Kamille. Si Ronn ay si Betty, si Joshua ay si Sandrine at sina Drake at Charles ay si Olive at ako ang binubully. Hanggang sa dumating ang panahon na nag-iba ang pakiramdam ng F6 sa mga girls. “Mga pre! Tigilan na kaya natin ang pagbubully sa mga girls. Nakokonsensya na ako eh” ani ni Iñigo. “Oo nga mga pre. Parang iba na rin ang nararamdaman ko kay Kamille eh, Para bang mahal ko na siya eh” kinikilig na sabi ni Andrew. “Hahaha! Ang corny mo tol!” pabiro na sabi ni Drake. “Pero tol, seryoso ito” sabi ni Andrew. “Okay tol, sabi mo eh.” Sabi ng kanyang tropa. Kinabukasan… “Hi Kamille!” nagpapaporma na sabi ni Andrew. “Che! Kung mangbibwesit lang ka rin naman, pwede ba umalis kaa na at mag-iinsayo na!” niinis na sabi ni Kamille. “Uy Kamille, hindi naman ako nangbibbwesit eh. Mahal kita!” sabi ni Andrew. “Ano?! Mahal?! Ikaw Andrew, huwag mo nga akong pinagloloko” hindi makapaniwala sa sabi ni Kamille. “Totoo ‘yan Kam. Mahal kita. Handa na akong magbago para sa’yo. Papatunayan ko ‘yan sa’yo” sabi ni Andrew. “Ewan ko sayo!” sabay alis ni Kamille.
*Cheerdance Competition
Natapos nang nagperform ang grupo naming. “Uy Kam! Tubig oh!” sabay abot kay Kamille. “Salamat ah” parang napapaniwala si Kamille sa mga sinabi ni Andrew. “Kamille, anong nangyari diyan?” tanong ko. “Sino?” sabi niya. “Yan oh, si Andrew. Kanina pa yan pumuporma sayo eh.” Aniya ni Ashley. “Ewan ko nga bas a kanya. Ang weird! Mahal niya daw ako.” Pahayag ni Kamille. “hahaha! Ang corny ah!” tumana ang mga Gurls.
Lumabas na ang resulta sa kompitisyon at nanalo ang grupo naming. Pagkatapos ng Sports fest ay lalong tumindi ang nararamdaman ni Andrew kay Kamille. Patuloy ito sa pagliligaw kay Kamille hanggang dumating sap unto na nagkagusto na rin si Kamie kay Andrew at sinagot na niya ito. “Girls, may sasabihin sana ako sa inyo” may pangamba na pagsabi ni Kamille. “Oh, ano yun?” sagot naman namin. “Kami na ni Andrew.” Sabi ni Kamille. Natahimik kami at hindi naming alam kung ano ang sasabihin. “Kalian lang?” taning ni Olive. “Kahapon lang.” sagot ni Kamile. “Talaga bang seryoso siya sa’yo?” pagdududa ni Sandrine. “Oo nman, kayak o nga siya sinagot” sagot ni Kamille. “Oh sige. Kung diyan ka masaya, susuportahan ka naming.” Sabi ko. “Yes! Salamat girls.” Masayang sabi ni Kamille. Mula noon ay nabawasan ang oras ni Kamille. Para sa amin at palagi na silang magkasama ni Andrew. Para lang din kay Kamille ay nagin magkabarkada na din ang F6 at kami. Pero kahit ganoon pa man ay Masaya pa rin kami para kay Kamille at nakita na niya ang lalaking magmamahal sa kanya na higit pa sa amin. Masaya pa rin kami dahil hanggang ngayon ay buo pa rin ang aming pagkakaibigan. Kahit na nagkarelasyon na ang isa ay nagpapasalamat pa rin kami at hindi kami nawalan ng kaibigan at nadagdagan pa ang mga kaibigan naming.
“What are true friends for?”