Siya

720 19 1
                                    

Ang puso ko'y puno ng pait at galit,

Napapatanong nalang sa aking sarili,

Bakit nangyayari 'to?

Bakit patuloy akong nasasaktan?

Hindi ba pwedeng tumigil nalang ang lahat?

Hindi malaman ang gagawin,

Hindi malaman ang hahanapin.

May espasyo sa aking puso na hindi mapunanpunan.

Lahat ng aking minimithi ay aking nakukuha.

May marangyang buhay at kumpletong pamilya.

Ngunit bakit ganito?

May saya akong nadadama ngunit ito'y panandalian lamang.

Muli,ako'y napatanung ,

Saan ko ba mahahanap ang kulang sa buhay ko?

Buo ang aking pamilya,

Maraming kaibigan,

Marangyang buhay,

Ngunit kulang pa.

May hinahanap ang aking puso,

May kulang sa aking buhay.

Napaka daming oras ang nasasayang sa mga bagay na walang ka kwentakwenta,

Teknolohiya,

Pag gala,

Pag bibisyo.

Ginawa ko na ang lahat,

Ngunit bakit ganito?

Kulang padin.

Nalalasap ang panandaliang saya,

Ngunit nanatili padin ang pait at galit sa aking puso.

Ngunit isang araw naramdaman ko ang aking hinahanap,

Nalasap ko nanaman ito,

Nahanap ko ito sa isang lugar na malimit puntahan ng mga kabataan.

Nakapunta na ako sa lugar na ito,

Katunayan nga ay ilang beses na.

Ngunit ngayun may intensyon ko ,

Pumunta ako dito't nag babakasakaling mahanap ang magpupuno sa aking puso.

Nagsimulang tumulo ang aking luha,

Napaluhod nalamang sa simento,

At kinausap ang kulang sa aking buhay.

Eto nanaman,

naulit nanaman ang mga pangyayari nuong unang beses ako napunta dito.

Hindi pala Siya ang nawawala ,

Kundi ako,

Ako'y napalayo dahil sa mga maling desisyon ko.

Dahil sa isang desisyon,

nawala ako sa tamang landas.

Dahil sa isang maling desisyon,

Ako'y nakagawa ng paulit-ulit na kasalanan.

Dahil sa maling desisyon,

Disisyon na hindi pinag isipan.

Disisyon na akala ko'y masmagpapasaya saakin,

Ang desisyon na halos sumira ng aking buhay.

Ako'y muling lumuluhod sa Kanyang harapan,

Humihingi ng tawad ng buong puso.

Ako'y hindi Niya tinalikuran,

Ngunit tinanggap muli ng bukas kamay.

Ipinaramdam muli ang saya at pagmamahal na aking hinahanap.

Ang saya na aking minimithi ,

Ang pagmamahal na magtatanggal ng pait at galit sa aking puso,

Ang pagmamahal na matagal ng hinahanap,

Muli,pinunan niya ang espasyo sa aking puso,

Sa aking buhay.

Ngayun,lubos ko nang naiintindihan.

Hinihintay lamang Niya na ako'y bumalik muli sa kaniya,

Muling maghangad ng Kaniyang pagmamahal,

Muling humingi ng kaniyang gabay.

Ang Ama na niminsan ay hindi ako tinalikuran ,

Ang Ama na hindi nagsasawang magpatawad.

Ang Ama na hindi nagsasawang magmahal.

Ngayun maylakas-loob ako para sabihing,

Ako'y masaya,

Hindi dahil sa kung anung meron ako nuon,

Ngunit dahil ako'y anak ng Diyos.

(Disclaimer: Poem not mine. It's written by a friend. Nagpaalam ako sa kanya. Sana ma-inspire kayo*smiles*)

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon