Chapter 1

699 38 2
                                    

Tao's POV

"Ano ba naman 'to! Ang sikip ng coat na naibigay sakin ni Minzy. Kamote.",sabi ko habang hinihila pababa ang coat dahil bitin sa'kin.

Halos mapunit na nga itong damit kahahatak ko eh!

Napatingin ako kay Sehun na tahimik lang na naglalakad sa tabi ko. Walang emosyon ang mga mata.

Tss.

"Sese. Huwag ka nga munang mag-inarte ngayon at baka hindi kita matantya.",seryoso kong sabi sa kanya. Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa nya.

Ang mga ginagawa nila.

Sana kung sila lang ang nasaktan eh. Paano kami? Nasaktan na, pinapahirapan pa nila dahil sa kanilang mga ikinikilos. Lalo na si Suho hyung.

"Yan ang napapala ng mga duwag. Hindi ka sana nagsisisi ng ganyan kung sinundan mo sya. Naging matapang ka nga,sandali lang naman. Ni hindi mo nga pinaglaban."

Napahinto sya dahil sa narinig habang ako naman ay napangisi.

"Madaling sabihin dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko noon.",malamig nyang tugon.

"Matalino ka nga,tanga naman. Kung ako ang masa kalagayan mo noon,ipaglalaban ko sya hanggang sa sabihin nyang ayaw nya talaga. Susuko ako kung ganoon nga. Pero at least, alam ko sa sarili ko na may ginawa ako.",pagkasabi ko nun ay nauna na akong maglakad sa kanya.

Late na nga kami eh babagal-bagal pa. Baka mapagalitan kami ni Suho hyung kapag nalaman pa 'to!

Naramdaman ko naman na nakasunod sya kaya huminto ako sa tapat ng isang silid.

Lumingon sa'kin ang gurong nagsa-salita sa harapan at napangiti ito ng malapad.

---

Someone's POV

Sobrang ingay.Nakakasakit ng ulo. Samahan pa ng sobrang init kapag hapon.Tss.

"Hoy, Faro. Di ka pa ba kakain?"

Nilingon ko ang kaklase kong tumawag sa'kin mula sa kabilang lamesa at tinitigan sya.Ngumiti ako at tumayo na upang pumila.

"Ang weird talaga ng babaeng 'to.",rinig kong sabi nya bago ako makalayo.

Hmp. Nabo-bored na ako...   at kinakabahan.

Sana pala,hindi na lang ako pumayag sa plano. Hindi ko alam kung tama nga ba talaga 'to.

Ang alam ko lang, kasalanan lahat ito ni Tasha. Edi sana hindi pumayag si Aubrey.

Tsk. Kahit kailan talaga walang magandang nagagawa yung babaeng yun.Nadamay pa tuloy kaming lahat.

Pero mas nagagalit ako sa sarili ko.

Kaya ko syang pigilan pero hindi ko ginawa. Nabulag din ako noon sa taliwas na katotohanan.

Napayuko ako at bumuntong hininga. Mag-aangat na sana ako ng paningin nang mapaupo ako dahil sa pagkakabundol ko sa isang matigas na bagay.

"Aish. Shit naman." Napahawak akosa likuran kong nananakit. Kailan ba kasi nagkaroon ng pader sa gitna ng--

"Sorry,okay ka lang ba? Pasensya na ulit."

Ang gwapo. Hindi pala pader ang nabangga ko.

"A-Ah? Ayos lang ako.",sabi ko at mabilis na tumayo.Ngumiti sya at humingi ulit ng tawad bago umalis.

Halos mawala ako sa sarili dahil sa nangyari. Sobrang gwapo niya. Hindi ba dapat masaya ako? Bakit kakaiba ata 'to?

Ngayon ko lang sya nakita. Mukhang bago sya rito.

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now