Prologue

4 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwala, one week na kami ni Brixen. Mahal niya talaga ako, kahit marami na siyang nakatuluyan. Sineryoso niya ako. Nakakatuwa naman.

“ Alexa, Thanya mahal ako ni Brixen. Kung ayaw niyong maniwala, puntahan natin siya pagkatapos sa practice nila sa Gym. ” Paliwanag ko.

“ Okay, pero magkikita ba talaga kayo? Baka kasama na niya ulit si Sally? ” Hindi naniniwalang Tanong ni Thanya.

“ Ou nga, sige ite-text ko siya. ” Kinuha ko ang phone ko sa bag ko tapos nakita ko na may nag-text nito. Tinignan ko ‘to at si Brixen ang nag-text.

“ Oh tignan niyo. ” At pinakita ko ang text ni Brixen.

“ Magkita tayo sa labas ng Gym pagkatapos ng practice namin. ” Basa ni Alexa.“ Sige na maniniwala na ako. ” Sambit niya.

“ Maniniwala ka na Alexa? Baka naman makikipag- break na siya? Diba nakita natin sila ni Sally na naghahalikan kahapon ? ” Tanong ni Thanya.

“ Ang sabi non ni Brixen pinilit siya ni Sally. ” Paliwanag ko.

“ Sige kayo na ang bahala, basta ako maniniwala akong lolokohin ka lang ni Brixen. ” Ayaw talaga maniwala ni Thanya.

----

Papunta ako ngayon sa labas ng Gym. Pero hindi lalaki ang nakita ko, si Sally ‘to.

“ Bakit ka nandito? ”

“ Nandito ako para sabihin na playtoy ka lang ni Brixen. ” Sambit niya. “ Ako nalang nagsabi sayo para hindi mas masakit, alam ko kasi na mas masakit kapag si Brixen pa ang nagsabi. ” Namumuo na ang mga luha ko pero hindi pa rin ito tumutulo. “ Nag-away lang kami non ni Brixen, at ikaw ang binigyan ng atensyon. Pinilit ko siyang binawi kahapon. Pero naging okay lang kami kanina. At sabi niya makikipaghiwalay siya sayo ngayon. ” At pagkatapos non ay tumulo nalang ng tumulo ang mga luha ko. Nakita ko naman siyang ngumisi.

“ Sally? Anong ginagawa mo dito? ” Nagulat naman si Sally at ako at biglang nawala ang ngisi niya.

“ Tricia, sasabihin ko naman sayo ‘to pero parang naunahan na ako ng Baby ko. ” Paliwanag niya.

“ Sabihin mo, naging playtoy mo ba ako? Dahil nag-away lang kayo ni Sally? Hindi mo ba talaga ako minahal ng kaunti? ” Tanong ko sa kanya para maging sigurado ako dahil hindi ako nagtitiwala kay Sally.

“ Oo, alam mo bakit ka umasa? Diba alam mo na isa akong Casanova? Hindi ko kasalana na uma-... ” Hindi ko na siya pinatapos.

Umalis na ako at pumunta sa C.R. at pumasok sa isang cubicle.

Ganito pala kasakit masaktan? Umasa ako, so kasalanan ko pa? Napakasakit. Masyadong mahina ng puso ko. Lumambot ang puso ko dahil ang sabi niya mahal niya ako. So naging playtoy niya ako? Ang mga halik niya na binigay niya sa akin, ginamit niya lang ako para mawala sa isip niya si Sally?

Humahagulgol na ako dito sa loob ng cubicle. Wala na akong pake, masakit na masakit na ang ginawa niya sa akin. So anong ibig sabihin? Ako pa ang may kasalanan? Kasalanan ko pa na umasa ako?

Oo nga pala ako ang may kasalanan ng lahat. Umasa ako. Umasa ako na mamahalin ako ng isang Casanova. Ano ng gagawin ko?

Maswerte ako dahil ako lang ang nandito sa C.R.

Narinig kong bumukas ang pinto at may narinig akong mga boses na parang ang tuwa.

“ Sally, ang galing pinahulog mo si Brixen sa ‘yo. Oh ito ang 10,000 kung Weekly allowance. Nanalo ka sa pustahan. ” Wow, ang yaman naman niya masayado weekly allowance niya 10,000?  Kung tutuusin mas mayaman naman talaga kami. Pero ayaw kong ipakita na anak ako ng may-ari ng school na ‘to.

“ Carol , sayo na ‘yan. Huwag na, laro lang naman ‘to. ” At sabay silang tumawa.

So laro lang ‘to? Kawawa naman pala kami ni Brixen.
Kaylangan kong sabihan si Brixen. Parang ayaw ko na. Kahit nga isipin ang pangalan niya tutulo na naman ang luha ko.

“ Sally, paano na si Tricia? ” Tanong ng Carol na ‘yun.

“ I'll play with her. She'll be my Voodoo Doll and she'll do everything what I'll want her to do. ” Then they laugh and laugh. And umalis na sila.

So I'll be a Voodoo Doll? So she is a witch? Just amazing.

Naging playtoy niya ako. Hindi ako laruan na pwedeng laruan at itatapon pag sinira. Isa akong laruan na rine-rececycle. Ako ang mag re-recycle sa sarili ko at paglalaruan ulit ako ni Brixen. Kahit na bagong recycle ay may sira pa rin. Sira pa rin ang puso ko at masisira at masisira pa rin. Pero kakayahin ko ‘to. Dahil kahit galit ako mahal ko pa rin si Brixen. Mag sasakripisyo ako, dahil mahal na mahal ko ang Casanovang ‘yun.

The Casanova's PlaytoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon