Jizelle
"Come on, Annie! Take a shot first!" halos umikot na ang paningin ko sa dami ng nainom ko. Inilayo ko ang hawak na baso ni Tyrone. Kinuha ko ang isa pang baso at ininom ang lamang tubig na may yelo.
"You okay?" tanong ng kaibigan kong si Arianne.
"I'm not good!" sigaw ko nang mas lumakas pa ang music. Mas nahilo pa ako ng tumama sa mukha ko ang neon lights.
"I need to go!" akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Tyrone.
"Where are you going?"
"I need to go home! My mother will kill me!"
"What's the problem ba? Nag paalam ka naman sa kanya." inirapan ko siya at winaksi ang kamay niya sa braso ko.
"You stay here if you want. I'm leaving this hell, Tyrone."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at iniwan siya. Dumiretso ako sa banyo. Halos masuka ako ng may madaanan akong nag mamake-out sa sofa. Ew. Is that Andrei and Sharpey? I thought they're already separated. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa may kubeta. Dapat talaga ay hindi na ako sumama kay Tyrone.
Kung hindi lang siya ang kaisa-isahan kong kaibigan na Pilipino dito sa Dallas ay talagang kanina ko pa siya iniwan. I miss Philippines. Konti lang ang kaibigan ko dito kahit pa ilang taon na kaming dito nakatira. My girlfriends here always made out every time we party. Kung hindi ko nga lang kasama si Tyrone ay baka nahipuan narin ako.
Linabas ko ang aking phone at magpapasundo sana sa kapatid ko ng makita ang pangalan niya sa screen. God. Baka hinahanap na ako sa bahay.
Lorraine:
Where are you? We're here at the hospital. Inatake si Amita.Halos magising ang diwa ko at nawala ang pagkalasing ng mabasa ang text niya. Oh my God! Si Amita inatake? Mabilis akong nagtipa ng irereply habang palabas ng banyo. Ilang beses na kaming nag pabalik-balik sa hospital nitong nakaraang linggo dahil lagi na lang siyang inaatake ng sakit sa puso. Sinabi ko na nga kasing huwag magtrabaho pero hindi naman sinusunod ang bilin ko.
"Annie!" nakahinga ako ng maluwag ng makita si Tyrone.
"Let's go to the hospital. Inatake si Amita." nanlaki ang mata niya at inalalayan akong maglakad
"What? Again?"
"Yeah. We need to go now, Tyrone!"
"Okay, calm down, will you, Annie!"
Hindi ko nagawang kumalma. Mas lalo lang lumakas ang pintig ng puso ko ng makasakay sa sasakyan niya. Malala na ang lagay ni Amita sabi ng doktor and I can't afford to lose her. I love her so much and she's like a mother to me. Maliit pa lang ako at nasa Pilipinas ay inaalagaan na niya ako.
Kaya naman nang migrate kami dito sa Dallas ay talagang gumawa ako ng paraan upang makasama siya kahit ayaw ni Mommy.
"Everything will be fine, Annie." anas ni Tyrone at nginitian ako. I smile back.
Mabuti na lang talaga at laging nandito si Tyrone. He's my comfort zone every time my mother was yelling at me. Sa totoo lang ay ayoko sa step-mom ko. She's a slut and has no good heart. Si Daddy lang ang mahal niya sa pamilya.
"Tyrone bilis!" kinaladkad ko siya papasok ng ospital.
"Where's the room of Amita Juanco?" tanong ko sa nurse.
"Wait, Ma'am." kinagat ko ang ibabang labi at luminga sa paligid. Hinawakan ni Tyrone ang kamay ko at pinisil.
"I'm sorry, Ma'am, bur her body is already at the morgue."
"What?"
Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Napatulala ako kay Tyrone na gulat din sa nalaman. Amita is already dead? She's kidding right? Nagpigil ako ng luha at napahawak kay Tyrone upang kumuha ng suporta.
"Will you please check her name again? She's not dead!" napailing siya at ngumiti ng malungkot.
"I'm sorry, Ma'am, but she's already gone."
"Annie," napayakap ako kay Tyrone at humagulhol ng iyak sa balikat niya.
Hindi ko alam kung saan kukuha ng suporta sa narinig. Ang kaisa-isahang babaeng tinuring kong parang isang tunay na ina ay tuluyan na akong iniwan. Oh My God. What have I done? Naging mabuti akong anak. Lahat na lang ng mahal ko sa buhay ay iniiwan ako.
Nanginginig ang katawan ko at halos hindi na ako makahinga dala ng pag-iyak. Bawat hakbang ko patungong morgue ay parang nawawala ang bawat piraso ng pagkatao ko. Bakit si Amita pa na siyang pinagkukunan ko ng lakas at nagmamahal saakin na parang tunay na anak? Lord, bakit siya pa?
"Annie,"
"Oh no," napaupo ako sa sahig. Napatakip sa bibig ng masilayan ang katawan ni Amita.
Dinamayan ako ni Lorraine at sinabayan sa pag-iyak. Walang nagsasalita saamin at tanging pag-iyak lang ang ginawa. Paano ko haharapin ang problema sa pamilya kung ang taong gumagabay at nag-aalaga saakin ay pumanaw na?
"Jizelle Anne, we need to tell it to her family." napailing ako at tinakip ang palad sa mukha.
Oh my God. I can't tell to them. Paano ko sasabihing pumanaw na si Amita? Ako ang sisisihin ng anak niya. My life will be miserable again.

BINABASA MO ANG
All Over Again
Ficción GeneralNang mamatay ang nanay-nanayan ni Jizelle ay napagpasyahan niyang siya mismo ang magsabi sa mga kamag-anak nito na pumanaw na ang kanilang Inay Amita. Ayaw man ng mga magulang niya ay umuwi siya sa Pilipinas. Sa pag-uwi niya doon ay hinagpis ang nar...