PART 2

7.9K 381 63
                                    

HI. PAGSASAMAHIN KO NA LANG DITO. MARAMI KASING HINDI NABABASA ANG PART 2. :) ENJOY.



**

"Bobo na nga, Assuming pa!" Sabi ni Ivan.

Bakit? Akala ko ba kami na? O talagang assuming lang talaga ako at akala ko ay kami na? Bakit niya sinabing gusto niya rin ako? Sabi niya kahit bobo ako ay nagugustuhan niya rin naman ako. Pero bakit iba ang nakikita ko o sadyang ganoon lang si Ivan mag mahal? Hindi naman ako masokista pero bakit siya ang sadista sa'kin?

Ilang buwan na ang nakalipas mula 'nong nag-aminan kami. Pero parang walang nangyari. Ganoon parin naman. Minsan tinatanong ko siya kung kami ba. Binibigyan niya lang ako ng masamang tingin tsaka hahawakan ang kamay ko ng mahigpit at maglalakad ng mabilis. Ganoon lagi. 'Di ko alam kung kikililigin ako o hindi. Pero ang ikinakatakutan ko ay ang sagot niyang. 'Hindi kami'

"Isha, Nakahalumbaba ka na naman. What's you're problem, Teh?" Pag iinarte ng isa kong kaibigan.

"Wow ha? Maka-english akala mo naman hindi zero pag dating sa english na subject." Pagsusungit ko.

Umub-ob ako sa upuan. "Alam niyo yung feeling na nag susuklay ka pero wala ka naman palang buhok?" Sabi ko.

"Matindi 'yon. Teh may cancer lang?" Pagbibiro ng isa kong kaibigan.

"Kung sinasabunutan kaya kita diyan? Panira ka ng moment eh. Mag-eemo na nga ako oh. Pahalik kita kay Juno na mukhang flappy bird eh." Pagtataray ko.

"Ano ba kasi 'yang ida-drama mo? Push mo na." Sabat ng isa ko pang kaibigan.

Wala silang pangalan diba? Yaan nyo na. Extra lang naman sila.

Umobob uli ako sa desk ko. "Si Ivan kasi. Parang hindi kami. You know? Hindi ko dama ang pag-mamahal niya. Nakakalungkot lang." Pagda-drama ko.

"Oww. Bigti na , Teh." Pang-aasar ng isa.

"Neng, Alam mo, Si Ivan gwapo, Matalino, sikat sa campus, Papable, Kinababaliwan ng mga babae dito. Tapos ikaw? Nobody. So, Bakit niya nga naman ipag-kakalat sa lahat na kayo? Eh parang kaming friends mo lang yata ang may alam. Baka di niya nga rin alam na kayo eh." Sabi ni Darria. Ayan may name na ang isa.

"Waaah! yun na nga ang nasa isip ko eh. Nakakaiyak!" Sabi ko at tila umiiyak.

Nakakalungkot lang. Baka 'yon na nga ang mangyari. Na baka ako lang ang nag-aasume na kami at 'di niya alam na kami. Assuming lagi ang sinasabi niya sa'kin kapag mag-kasama kami at nagpapaka-sweet ako sakanya. Baka nga ganun lang o sadyang ganun lang. Ang gulo diba?

"Talk to Ivan. Ask him." Sabi uli ni Darria.

Si Darria nalang ang nasa harapan ko. Yung iba kasi nag-susuklay na. Nag-memake-up, Nagkukutohan. Mga balahura kong friends.

"Dapat ko bang itanong? Baka mag-lupasay lang ako sa sagot niya, Neng." Naka nguso kong sabi.

"Tanong mo na kasi." Sabat ng kaibigan kong nanunuklay habang nagsasalamin.

"Oo nga. Nahiya ka pa." Sabat naman nung kinukutuhan.

"Push na, Teh." Sabat nung nag-kukuto.

Kahit na balahura 'tong mga kaibigan ko ay magaling silang mangumbinsi. Kaya buo na ang desisyon ko. Kakausapin at tatanungin ko si Ian.

"Okay." Sabi ko.

Tatayo na sana ako para lumabas ng classroom pero nag-bell na dahil tapos na ang breaktime. Nakakainis. Umupo na lang uli ako at nagsi-upuan na rin ng maayos ang mga kaibigan ko. Unti unti na rin bumabalik ang mga kaklase ko sa classroom. Pumasok na rin si Ivan. Napansin kong may kasama siyang babae na ibang section. Mas maganda ako doon pero mas angat lang.

Corrected By : (2 SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon