CHAPTER TWO.
CASEY'S POV:
Nakasuot ako ng isang princess-outfit. May higante akong kinakalaban. Ayos! Challenging to..
Kaso bigla akong nahawakan nung higante at hindi ako makagalaw.
Biglang may dumating na lalaki, nakasakay sa kabayo.. At nakamaskara.
"S-Sino ka?! Anong ginagawa mo rito?!" I yelled.
"I'll protect you!"
"Wag-!"
Pero it's too late, he had killed the giant. Banas na banas ako.
"Bakit ka ba nakielam?! Sino ka ba?!"
At nagising ako.
Nakatulog pala ako habang nanunuod kami.
Takte, panira yung loko lokong lalaking yun ah.
Wala naman akong sinabing makiepal siya.
Nagtataka ba kayo?
Ayoko kasi na pinag tatanggol ako.
I can stand up for myself.
"Ay nako, tinulugan lang ni Casey yung film. Ganda kaya." reklamo ni Ella.
"Pasensya na.. Medyo napagod kasi ako."
"Sus.. Baka naman napanaginipan mo si Arvin." Extra ni Prian.
Nag blush ako.
Arvin Raymundo is my first and LAST love.
Nanliligaw na siya sakin since gradeschool, kaso.. Ayaw nila Mama.
Ewan ko, pero ayaw nila kay Arvin.
"A-Asa ka.." I replied.
"Wag mo nang asarin yan, Prian, Ella.. Alam niyo namang ayaw ng parents niya kay Arvin kaya malulungkot lang siya." Pagtatanggol ni Aemee.
How nice naman!
"Oo na." Sagot ni Prian.
Nagkwentuhan kami, pero di pa rin maalis sa isip ko.. Yung lalaking papansin na yun.
--..--..--..
NATHAN'S POV:
Gusto kong matulog kahit hapon pa lang.
Kaso hindi ko kaya, alam ko kasi na nandyan lang sa kabilang bahay si Althea.
I wanna see her. Gusto ko siyang lalong makilala.
Kaso, di ko talaga kaya, hindi ako pwedeng biglang pumasok sa bahay nila at magpakilala bilang fiance niya.
Biglang bumukas yung pintuan nung kwarto ko, pumasok sila Kirk.
"Uy, gala naman tayo. Kanina ka pa nakalatay sa kama mo." Yaya ni Louie.
"Oo nga. Hanap tayong chicks." Dagdag ni Kirk.
"Ayoko. Nakakatamad." I replied sabay talikod sakanila.
"Dali na.. Bili ka naman ng regalo mo para kay Althea.. Panu yun pang nagpakita ka wala ka man lang dala.. Mahiya ka naman dude." usog ni Kirk.
Pero may point siya.
"Tsk.." Yun lang nasabi ko.
"Tara na kasi e!" Pilit rin ni Louie.
"Oo na! Oo na!"
I replied sabay tayo.
I don't have a choice. Sige na nga, makabili na nga.