Chapter 1

5 0 0
                                    

"Ano na girl, join ka na samin?"

Hay nako, may balak na naman mag-out of town nitong mga kaibigan ko, gastos na naman. Palibhasang mga pinanganak na mayaman.

"Hindi ko pa alam Jira, bina-budget ko pa tong kwarta ko!" Kanina pa ko pinipilit nitong si Jiro, ay este Jira. Gabi na nga pala kaya Jira na yung itatawag ko sakanya, alam niyo na mga beki. Hahaha.

"Girl, entrance lang naman babayaran mo dun, kay Cassie na yung gas, tas kami na yung bahala sa accomodation. Eto naman oh, join na you!" pagpupumilit niya.

"Baks naman, alam mo naman si Kuya baka hindi ako payagan!" ('Baks' short for Bakla)

"oy ikaw Sed, minsan kailangan mo din iwan yang Kuya mong lasenggo! Hindi yung lagi mo siyang inaalagan nagmumukha ka ng mas matanda kaysa sakanya. Atsaka dalawang gabi lang tayo sa Batangas hindi naman siguro mamatay yang Kuya mo kung iiwan mo ng ganon!" Napairap nalang ako sa sinabi ni Jira. 21 na si kuya Joey, walang trabaho at lasenggero. Mahirap dahil basag ulo pero syempre mahal ko pa rin siya. Siya nalang kasi ang natitira kong pamilya. Namatay na si Papa nung 13 yrs.old ako si Mama naman may iba ng pamilya sa Germany at tanging pera nalang ang koneksyon namin sakanya.

"Bahala na Baks, hahanap ako ng tyempo mamaya pag dating ni Kuya. Text nalang kita bukas ng umaga."

"Sige, basta aasahan ka namin! Bye"

"Bye" at binaba ko na yung phone.

Napaupo nalang ako sa sofa. Alas-dyes na at wala pa si Kuya siguradong madaling araw na yun makakauwi. Wala din akong ganang kumain.

Nakita ko yung picture ni Papa sa may altar, kung nandito lang siya siguradong ibang-iba yung buhay namin ngayon.

"Sed!"

"Sed!"

"Buksan mo yung pinto!"

Si kuya na sigurado yon, alas sais na pala at hindi ko namalayan na nakatulog ako dito sa sala.

"Oo nandyan na"

Binuksan ko ang pintuan at hinagis niya sakin yung leather jacket niya.

"Pagtimpla mo ko ng kape"

Habang nagtitimpla ako ng kape, umupo siya sa may dinning set, eto na ba yung tamang oras para magpaalam? Gusto ko rin sana sumama sa outing namin dahil kakatapos lang ng finals para naman may reward ako sa sarili ko pero siguradong di ako papayagan ni kuya..

Hinalo ko yung kape at nilapag sa harapan niya.

"May gusto ka pa ba?

"Wala na, matulog ka na ulit."

Maglalakad na sana ako ngunit kailangan ko ng itanong. Hindi rin kasi mukhang lasing na lasing si kuya parang nakainom lang kumpara sa mga panahong sobrang lasing siya.

"Uhm.. Kuya.."

"Ano?"

"May out of town sana kami mamaya sa batangas." Kinakabahan ako. Hindi siya umiimik at patuloy niya lang hinahalo yung kape niya.

"Anong oras?" Tanong niya ng di man lang tumitingin sa kin.

"10 am." Uminom siya ng kape at sumandal naman ako sa may lababo.

"Ilang araw?" Hala bakit siya di nagagalit, anong nakain nito?

"bali dalawang gabi lang, reward lang sana namin sa sarili namin dahil kakatapos lang nung finals." Medyo pautal utal kong salita.

Tumingin siya sakin ng blanko ang mukha.

"Pero kung – "

"sige" hindi ko na natapos yung sasabihin ko at pumayag na siya. Totoo ba? Nanlaki ang mata ko.

"Salamat kuya, susunduin nalang nila ako mamaya tas may mga frozen naman diyan magluto ka na lang tas – "

"Ah Sed may 500 ka ba dyan? Pang gas lang sana sa motor ko, wala na kong allowance eh." Kaya naman pala pumayag sakin may kailangan din pala!

"Ilalagay ko nalang mamaya dun sa may altar."

Tumango lang siya at naglakad na ko papuntang kwarto ko.

"Seddie! Tara na!"

Shocks sina Jira na yon.

"Oo eto na!" Pababa na ko ng hagdanan at nakita ko si kuya na nasa gate

"Dalian mo Sed, nandito na yung mga kaibigan mo!" sigaw ni kuya.

Pumunta muna ako sa may altar, hinalikan ang picture ni papa at ng Santo Niño.

"Gora bumbum na tayo!" sabi ni Jira

"Mag-ingat kayo" Imik ni kuya. Mabait naman talaga si Kuya may mga panahon lang talaga na sinusumpong siya ng init ng ulo. Simula kasi nung may nangyare naging malungkutin na siya at mapag-isa at natutong uminom.

"Bye Kuya Joey, iuuwi namin si Seddie ng safe and sound!" sabi ni Cassie.

Ngumiti nalang ako at tinanguan nalang si Kuya. Sana ganito nalang palagi si Kuya. Sana bumalik ang dating Kuya Joey ko.

Habang nasa byahe.

"Ba't parang walang topak si Kuya mo ngayon?" ani ni Ricci habang nagda-drive. Si Ricci ang pinaka matapang samin, siya yung pranka pero mapagkakatiwalan ng sobra.

"Trulalu! Hindi nga maiinit ang dugo sakin 'te! Nginitian pa ko, sana ganyan nalang siya parati. Gwapo gwapo nya pag ganern sya!" Biro ni Jira. Si Jira ang nag-iisang lalake sa aming magkakaibigan, lalake siya na may pusong babae. Hindi pa nga alam sa pamilya nila na bakla siya. Napaka bait at maasahan naman yang si Jira.

Tumawa nalang kami sa sinabi ni Jira.

"Pero kinakabahan ako, baka may kapalit yang kabaitan niya!" imik ni Cassie. Si Cassie ang pinaka isip bata saamin at napaka maalalahanin.

"Anong 'baka' meron talaga, humingi siya ng pera kanina." Sagot ko.

"Bait mo talaga Sed! Saamin ka nalang tumira!" biro ni Sue. Si Sue ang pinaka-girly samin at sobrang malambing. Siya din ang palaging nagugustuhan ng mga guys.

Nginitian ko nalang si Sue. Open ako sa mga kaibigan ko dahil sila ang nagsisilbing pamilya ko. lahat ng problema at nangyayare sakin sinasabi ko sakanila at tanggap namin ang isa't-isa.

"Okay we're here!" Sigaw ni Ricci.

Nag-park lang kami at bumaba na sa kotse. Hindi naman kalakihan 'tong resort. Good for small families at private hang-out.

"Good afternoon, Any reservation ma'am/sir?"

"Yes we do have, I'm Suela Jin"

Chineck nung assistant yung reservation habang sina Jira at Cassie ay nagpipicture-ran sa may lobby.

"Yes ma'am, room 18 this way please." By villas ang room dito which is good para may privacy. Native style ang concept nila.

Nakarating na kami sa may villa, may kalakihan dahil suite ang kinuha nila.

"Any request ma'am/sir?"

"Wala na po" Cassie replied

"Okay, if ever na may kailangan kayo just use the telephone to contact us. Enjoy your stay ma'am/sir!"

"Tabi kami ni Seddie!" sigaw ni Sue

"Kami naman ni Ricci dito!" sagot ni Cassie

"oy mga bruha! Saan ako? Dito sa sofa?!" giit ni Jira. Dalawa lang kasi ang kama at saktong pang-dalawahan lang.

"Be gentleman Baks" sagot ko.

"Yun na nga e, hindi ako man! Gentle lang!"

Nagtawanan nalang kami. Sana araw-araw ganito nalang. Walang inaalala, walang problema. Sana tumagal pa yung mga panahon kong ganito. Sana...





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Save Me at DawnWhere stories live. Discover now