Paalam Na

135 6 7
                                    

Ayaw ko na nga ba
Sa iyo, aking sinta
Ako'y nagsawa na ba
Sa mukha mong araw-araw ko'y nakikita?

Hindi ko maipahiwatig
Kung ano ang aking dahilan
Dahil sa isang titig
Ay ako'y nalulusaw na agad

Patawa rin mo man ako
Ay wala rin magagawa
Hindi malilimutan
Ng puso mo'y aking sinaktan

Ako'y aalis na
Wag sana ako'y hintayin pa
At baka lamang
Ika'y maghintay sa kawalan

Sana'y maintindihan
Ang aking nagawa
Ito'y hindi lamang sa aking kabutihan
Kundi para rin sa'yo

Upang hindi lumala
Lumala ang nararapat
Na nakatakda
Na mangyayari

Balang araw
Ay ako'y iyong papasalamatan
Sa aking ginawa
Na nararapat

Sana'y dumating na
Ang nararapat sa iyong puso
At nang makalimutan
Ang iyong pagdurusa

Paalam na
Aking sinta
Basta't iyong tatandaan
Na mahal na mahal kita

Paalam NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon