Story 1 - Earphones

2.7K 63 40
                                    

Story 1

*Earphones*

Whaaaa! Ang sarap talagang titigan neto si Renz eh. Ang gwapo talaga nya! hihi >///

Nasa library kame ngayon at sya nakaupo sa kabilang table. Grabeee! Di ako maka-concentrate sa pinapagawang report ni ma'am! Pasensya naman no >.

"Huy!!! Daydream na naman?" sabi ni Ayza

Oo sya yung dakila kong bestfriend, at sya lang at ako ang nakakaalam na boyfriend ko si Renz >///.

"Ayza! Ang gwapo talaga ni Renz no? >///

"Aba'y malay ko... Di ko makita eh!" Sabay takip nya sa mata nya

"Talaga to si Ayza eh! -____- umayos ka kase!" sinasabi namen yan ng mahina ah! mapalayas pa kami sa Lib. eh, edi di ko na sya nasilayan -__-

"Eh kase naman eh, kung umamin na kaya ako sa kanya mamaya?"

"Ano namang aaminin mo?" sabi nya saken

"Na.... mahal ko sya >///

"Susme kang babae ka! mahal agad? di ba pwedeng crush muna? o kaya infatuation? -___-"

"Eeeeh... di ko na kaya eh... tuwing nakikita kong kasama nya si Jayne, nasasaktan ako.... Alam ko naman kaseng di ako bagay sa kanya..."

"Oh! alam mo naman palang di ka bagay, bakit ka pa aamin? -___-"

"Grabe! Napaka-supportive mo no? Thank you ha? *insert sarcasm here*"

"Wag na nga tayo dito mag-usap, tara sa cafeteria."

-Cafeteria-

"Oh pwede mo nang ituloy yung sinasabi mo..." sabi ni Ayza

"Aamin lang naman ako sa kanya eh, yun lang yun. Di na ako mag-eexpect pa na mamahalin nya ren ako pabalik. Mas ayos na kung masabi ko sa kanya yun nang di na ako pinapatay ng mga pesteng karpintero sa puso ko."

"Sabe mo eh, pero bago yun, ano bang nagustuhan mo sa kanya?"

"Ahmmm... Kase gwapo sya?"

*sabay na pumasok ng cafeteria si Jayne at Renz*

"Oh Elaine, tingin sa likod mo..."

"Ha? Ano bang me--"

*silence*

"Elaine.... elaine? Huy!"

"Ha? A-ah s-sorry..."

"So... ituloy na natin yung sinasabi ko?"

"O sige..."

"So... ano bang nagustuhan mo sa kanya?"

"Kase gwapo sya..."

"Ahhh... takpan mo ang mata mo."

"Okay... tapos?"

"Isipin mo sya...."

"Shemay! Ang lakas ng tibok ng puso ko >.

"O sige, open your eyes..."

"Ano bang gusto mong sabihin Ayza?"

"Ibig sabihin lang nun, kahit di mo sya nakikita inlove ka sa kanya. Ibig sabihin, di lang dahil sa gwapo sya kaya mo sya gusto. Hindi lahat nakikita sa panlabas na kaanyuan. Kaya wag mo reng, masyadong i-down ang sarili mo. Dahil lang hindi ka sobrang ganda, hindi ibig sabihin nun wala nang pag-asang magustuhan ka ren ni Renz. Wag kang mawalan ng pag-asa Elaine..."

"Haaay :/ sana magdilang anghel ka nga Ayza... Aamin ako sa kanya mamayang uwian..."

"Sige... kaya mo yan :)"

Kilig Overload (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon