Chapter 4: Case No. 1

6 1 0
                                    

Hydren Pov

Pagkatapos ng klase namin sa Mathematics, nag- excuse kaming grupo sa teacher namin sa Training Abilities, pinayagan naman kami dahil may binigay kaming sulat galing sa papa ni Sinichi...

pagkatapos non dumiretso na agad kami papunta sa sinasabi nilang meeting place nila...

Kung makita nyo para lang syang simpleng bahay sa labas, pero kung pumasok ka sa loob ng bahay, naku mamamangha ka sa ganda nito at sobrang high tech. talaga....

"Well Hydren... welcome to our secret office... ito ang meeting place naming lahat..." sabi ni Zai

"Wow...😍... at sya nga pala, bakit meron kayo nito? Bawat grupo ba kailangan meron ng ganito?" Tanong ko sa kanila kasi sobrang curious na talaga ako...

"Well mga high school detective kami... hindi naman kami talagang sobrang sikat na mga detectives..." sabi ni Vis

"Hey guys... dumating na ba dito si Sinichi?" Tanong ni Chelsea

"Wala pa nga eh... nasan na kaya yun?" Sagot ni Zea

"Baka busy pa o kaya naman may kinuha lang.... basta darating rin yun" sabi ni Franc
Pagkamaya - maya ay dumating na si Sinichi...

"Hay salamat at dumating ka na... kanina pa kaming kakahintay sayo dito..."sabi ni Vis...

"Pasensya na kayo guys, inalam ko pa kasi kung nasaan ang bahay nila Mrs. Okogami"

"Bakit ano ba ang gagawin natin?"tanong ko... alam niyo na ako,full of curiousity

"Mga high school detectives kami, palagi kaming nagsosolve ng mga iba't ibang cases, well dahil doon sa ginawa mo kanina diba, napahanga mo kami..." sabi ni Franc

Wow grabi talaga sa napahanga... sa sobrang pagkahiya ko sa sinabi ni Franc yumuko nalang ako at feeling ko namumula ako, whaaa... ayokong makita nila akong namumula...😳

"Ok guys nauna na si Dad sa bahay ni Mrs. Okogami, kunin na natin ang lahat ng kailangan natin at dumiretso doon..." sabi ni Sinichi

"Ok" sabi nilang lahat

Sila,kanyang kanya kuha ng mga gamit nila samantalang ako nakatayo lang at walang ginagawa, ganito pala kung una ka palamang sa grupo, kasi hindi mo alam kung ano ano ang kanilang mga ginagawa, parang feeling ko naaout of place ako...
Pagkatapos nilang kunin ang kanilang mga gamit, sumakay na ako sa sasakyan nila... wow grabi pati sasakyan ang astig...

Pagkarating namin sa bahay ni Mrs. Okogami, dumiretso kami kung saan naganap ang crime scence...

"Oh mabuti kasi nakarating kayo sa tamang oras... at Sinichi nandito pala ang  papel na iniwan o naiwan ng suspect"  sabi ng matandang kasama ni Sinichi...

"Dad binuksan niyo na po ba ito?" Dad? So ibig sabihin yan ang tatay ni Sinichi, ang may ari ng school na pinapasukan ko.... 😱

"Um Sir, pwede po bang matanong ka?" Tanong ko sa papa ni Sinichi........

"Ah may bago pala kayong kasama.. oh sige iha ano yun" ang bait ng tatay ni Sinichi, pero ano kaya ang ugali ng anak niya.. , mabait rin ba...

"Pwede po bang makita kung saan pinatay yung biktima?"

"Ah oo naman syempre...."

"Salamat po..."

Hmm dito pala sa piano room naganap ang insidente... tiningnan ko ang piano at may nakita akong bakas ng dugo... lumapit ako sa bangkay ni Mr. Okogami, tiningnan ko rin ang sugat sa katawan nya...

"Malamang may ginamit yung pumatay kay Mr. Okogami ng patalim..."

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Sinichi...

"Pero kung gumamit nga ito ng patalim eh saan naman yun?" Tanong ko.....

"Baka itinago ng suspect kung saan dito sa kwarto na toh, Vis! Zea! Pumunta muna kayo rito..."

At lumapit sa amin sina Vis... masyado naman syang seryoso sa ganitong mga bagay...

"Maghanap kayo dito sa loob ng kwartong toh ng patalim kasi baka dito lang itinago yun.."

"Sige, Vis doon ka banda sa lamesa malapit sa piano ako naman dito sa mga shelves..." sabi ni Zea kay Vis

Teka nga lang, malayo ang pintuan palabas ng bahay na ito sa piano room kaya pwede itong makita ni Mrs. Okogami ang suspect na lumabas, iisa lang naman ang pwedeng labasan ng kwartong to kundi itong bintana na malapit sa piano...

"Uhm Mrs. Okogami may kilala po ba kayong taong may galit sa asawa mo..." tanong ko

"Wala akong kilala kasi mabait na tao ang asawa ko"

"Tama si Mrs. Okogami, mabait na tao ang asawa nya, at sila rin ang tumulong sa amin noong nagaway - away kami" sabi ni Zai

"Kaya nga nakakalungkot na maagang namatay si Mr. Okogami" sabi ni Chelsea na parang naluluha...

"Wag ka ng umiyak para ka kasing bata.." pangasar ni Ken kay Chelsea

"Hay tumigil na nga kayo, mamaya na kayo magaway tapusin muna natin ang kasong toh..." sabi ni Franc

"Hindi lang patalim ang ginamit na pamapatay kay Mr. Okogami, ginamit rin ng suspect itong music box, nakita ko toh sa ilalim ng piano, puno ng dugo tong music box na toh, at napansin ko rin na dugoan ang ulo ni Mr. Okogami, malamang ito ang ginamit..." sabi ni Sinichi

Tama siya dugoan nga ang ang ulo ni Mr. Okogami pero sino naman ang gagawa nito sa kanya... teka parang alam ko na...

"Mag snack po muna kayo kasi baka gutom na kayo" sabi ng maid nila Mr. Okogami

"Hay, tamang tama gutom na ako..." sabi ni Vis

"Hoy Vis! pumunta tayo rito para malaman kung sino ang pumatay kay Mr. Okogami hindi para kumain..." sabi ni Zea habang sinasabunutan niya si Vis...

"Uhm Mrs. Okogami sino - sino po ba ang mga kasama mo sa bahay na toh bago mangyari ang isidente?"tanong ko

"Huh? Ang kasama ko... Ako, ang asawa ko, si Maria, Michi at Xandra sila ang mga maid namin at si Migs ang driver namin, ba't mo naitanong?" sagot sa akin ni Mrs. Origami

"Wala lang po..."

"Eh ba't mo pa itinanong?!" Sabi ni Vis

"Bakit bawal bang magtanong! Hay... wag mo nang pakinggan yun si Vis, Hydren makakasira lang yan sa concentration mo..." sabi ni Zea

"Aba.. ikaw.."

"Tumigil na nga kayo.." sabi ni Sinichi ng seryoso

Tumigil rin yung dalawa... hay ang sungit sungit pala tong si Sinichi, akala ko panaman mabait siya kasi sa mga ikwenento sa akin ni Chelsea mabait siya at ganon na rin ang Tatay niya...
Haysh panira, magconcentrate ka nalang nga Hydren...

"Madaling namatay si Mr. Okogami dahil sa pagkahampas sa kanya ng music box..."sabi ni Franc

"Ba't mo naman nasabi?" Tanong ko

"Naputol ang isa sa mga ugat ng kanyang ulo kaya kumalat ang dugo sa ulo nya at nalunod ang utak niya sa kanyang sariling dugo at dalawang beses siyang inihampas ng music box kaya siya nagkasugat sa ulo" sagot sa akin ni Franc... wow ang talino nya

"At may lason rin ang patalim na iginamit sa kanya.." sabi ni Kev

"Huh? Pano mo nalaman?" Tanong ko.. ang hilig ko talagang magtanong..

"Malakas ang pangamoy ko... at isang nakamamatay na chemical ang inilagay sa patalim, kaya nasunog ang balat ni Mr. Okogami.."

Hay mabuti pa sila may nadiscover na sa kasong ito... ako wala pa...
Teka anu yun? ... naerase na marka ng dugo... alam ko na kung sino pero kailangan ko pa ng isa pang patunay...

"Um Mrs. Okogami pwede po bang pumunta ang lahat ng kasama nyo dito sa bahay na toh..." pakiusap ko kay Mrs. Okogami... may kutob ako isa sa mga kasama sa bahay na toh ang gumawa nito..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last LineageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon