Third Person's POV
"Dave! Akin na yung bola!" Sigaw ng binata sa kanyang kaibigan.
Naglalaro sila basketball. Nasa barangay hall at 7 na ng gabi.
Ipinasa na ni Dave ang bola pero biglang humangin ng malakas.
"Daniel, ano yun?" Sabi sa kanya ni Oliver.
"Malay ko." Sabi ni Daniel at nag kabit balikat.
"Bakit hindi nagalaw ang mga sanga ng puno?" Sabi naman ni Justin.
"Malay ko ba. Hindi naman ako magicero."
Bigla namang nagpatay buhay ang mga ilaw. Lalong lumakas ang hangin.
"Uhmm.. D-daniel, umuwi na tayo.." Sabi ni Dave.
"Dave naman. Hangin lang yan saka patay sindi na ilaw." Sabi ni Daniel at hinagis sa kanya ang bola.
Bigla namang gumulong samin ang mga bola galing sa may gilid.
"J-justin, Oliver, Daniel, tara na.." Sabi ni Dave.
"Hangin nga lang yan." Sabi ni Daniel sa kanya.
"Bahala ka nga diyan Daniel. Uuwi na kami." Sabi ni Oliver.
Sabay takbo nilang lahat.
"Hoy! Mga duwag! Puta bumalik kayo dito!" Sigaw ng binata sa kanila kaso nakalayo na sila.
"Tsk."
Susundan sana ni Daniel ang mga kabarkada niya kaso may nakita syang babae sa may upuan.
"Miss? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Daniel sa kanya.
Nakaputi siya. Kulot ang buhok sa may dulo.
Tumingin siya sakin. Ang mga titig niya.. Nakakatunaw. Ang maamo niyang mukha. Ang matangos niyang ilong.
"Miss. Anong ginagawa mo dito? Gabi na. Bumalik ka na sa inyo." Sabi ng binata sa kanya.
Hindi naman siya kumibo. Nakaupo parin siya.
Nilapitan ni Daniel ang dalaga. Ang maitim niyang Mata at maputi na kutis na parang nailaw sa dilim.
"Uhmm. Miss? Anong pangalan mo?"
"D-danica.." Sabi niya na mahina.
"Danica. Ako nga pala si Daniel." Nilahad ni Daniel ang kamay ko.
Kinuha niya naman ito pero bakit ang lamig?
"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita."
Pero bigla siyang tumungo at tumahimik.
"May bahay ka ba? Gusto mo doon ka muna samin?"
Tumingin naman ito sa binata.
"Talaga?" Sabi niya na parang nagbingning ang mga mata niya.
"Oo ba. Tara?" Sabi sa kanya.
Ngumiti siya ng tipid at tumango.
