HOPE POV
"Miss, ano ba tumabi ka nga paparating na sila, haharang-harang eh" naiinis sa sabi ng isang estudyante sa akin. Kahit hindi na ako lumingon, alam ko na kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang mababaliw sila kapag nakikita ang campus princes. Kahit ang sikip-sikip ng entrance ng school ay nakaraos din. Akala ko sa EDSA lang may traffic at sasakyan lang ang tumitigil pati pala mga tao ganon din.
Dahil maaga pa naman para sa unang aralin namin ay napagdesisyonan ko nalang pumunta sa library. Ako yung tipong mas lulunorin ang sarili sa pagbabasa kesa makisiksikan makita lang ang campus princes.
(Bell rang)
"Good morning Hope" bati sa akin ni Faith. Isa si Faith sa mga taong tinuturing kung tunay na kaibigan. Parang kapatid ko na nga yan eh.
"Good morning Hope, good morning Faith, good morning world" yan si Love. Ang pinakasweet sa amin. Sa aming tatlo yan ang parang walang problema sa mundo. Kaming tatlo'y sobrang close sa isa't-isa. Magkasing katawan lang din kami kaya minsan napagkakamalan na kaming magkakapatid. Ang pinagkaiba lang namin eh, nababaliw din ang dalawang to sa campus princes.
"Hope, di mo ba nakita kanina si Prince Timothy grabe ang gwapo niya talaga, sana maging boyfriend ko siya" nangangarap na sabi ni Love.
"Mas gwapo si Prince Genesis sa kanila, pero kay Prince Exodus pa rin ako" nakangiting wika ni Faith. Hayy malala na talaga itong mga kaibigan ko. Hindi naman hindi ko sila gusto o may galit ako sa kanila sadyang hindi ko lang talaga gustong makipagsiksikan sa ibang mga estudyante para lang makita sila. Isa pa, magkaklase kami kaya araw-araw ko silang nakikita at nasanay na ako sa presensya nila. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit parang may galit sa babae itong si Genesis. Siya ang pinakaleader sa lahat at madalang ko lang marinig na nagsalita yun. Eh, ano bang paki ko!
"Hope, ikaw na daw mag lead" sambit sakin ni James, ang kababata ko at one of the girls. Don't get me wrong hindi siya gay.
"Anong meron?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Election"
"Hay naku, heto na naman tayo" bored na sambit ko.
"Okay Hope Kate Simon is now our class president" awkward na anunsyo ko sa harapan. Eh pano ba naman kasi,eh ako lang naman yan.
"Now lets proceed to the vice-president"
"Genesis Fourth, is now our class vice-president" nang sambitin ko yun biglang natahimik ang mga kaklase ko. At parang papatayin nila ako sa mga titig nila. Wag nga kayong ganyan kinakabahan na ako hah! Napatigil din ako hindi ko alam kung bakit hanggang isang kaklase ko ang naglakas loob na sabihin ang nakaligtaan ko.
"Prince Genesis Fourth" bakit ba big deal sa kanila yun.
"Siguro naman hindi ninyo ako kakatayin dahil sa hindi ko nalagyan ng Prince ang pangalan ni Genesis hindi ba? Prince Genesis pasensya na po kayo" sabi ko sa kanya. Sa pagkakayuko ay bigla niyang inangat ang ulo at ngumiti. Sa ikalawang pagkakataon ay biglang namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung dahil ba sa nag angat siya ng ulo o dahil sa unang ngiting ibinigay niya sa akin. Aminado ako hindi pa talaga ako ganun ka sanay sa kanila. Pero hindi ko rin inaasahan na sa simpleng pagngiti lang niya ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Proceed Miss Simon" utos nang guro sa akin. Hindi ko alam gaano katagal ko tiningnan si Genesis.
"Faith Lou Serrie is now our class secretary"
"Lady Rachel Swatson our class treasurer"
"Prince Luke Lucket our P.I.O" napatingin ako sa kanya matapos kong banggitin ang pangalan niya. Napansin ko kasi kanina pa niya ako tinititigan. Hindi tuloy ako komportable.
"Prince Timothy Primson and Lovely Kate Lim our social managers"
"Lady Katerine White and Prince Exodus Lewis our peace officers"
"Hayyy sa wakas natapos din, napagod ako" reklamo ko kay James. Habang kinukurot ko ang tagiliran niya. May kinakain pa ba ang isang to? Halos buto't balat na eh.
"Ang sabihin mo nanghina ka sa ngiti niya" wika niya na may halong galit.
"Hindi aah, tsaka bat ba galit ka hindi naman kita inaaway ah?"
"Wala" sabi niya sabay labas ng silid aralan. Anong problema nun? Ang weird niya huh.
"Uy, girl nakita namin yun huh! haha nag blush ka pa kanina ang cute mong tingnan" panunukso ni Faith
"Tsaka kala ko ba hindi mo sila gusto? Eh mukhang crush mo nga si Prince Genesis eh. Umamin ka crush mo siya noh? Eehhhh...." dagdag na tukso sakin ni Love. Isa pa 'to.
"Tumigil nga kayo, ngumiti lang yung tao eh. Big deal na ang ngiti mga sis?" walang ganang sagot at tanong ko sa kanila.
"Ngumiti lang? Lang talaga? Hindi mo ba alam sayo lang ngumiti yun!" wag kang OA Faith huh, mababatukan na talaga kita.
"Tsaka kung ngiti lang din ni Prince Genesis ang pag-uusapan aba'y big deal nga yun!" saad naman ni Love.
"Wag kang anu gyan Love huh por que kapares mo si Prince Timothy.." tuksong balik ko sa kanya.
"Wag ka nga Heart. Kinikilig talaga ako pag naglalapit kahit ang mga pangalan lang namin" kinikilig na wika ni Love.
"Sigi kayo na masaya" biglang sambit ni Faith.
"Oh? Problema mo? Nabaliw ka na?" Ani ni Love.
"Library lang ako" paalam ko sa kanila. Magbabasa nalang ako nang Harry Potter total wala pa naman si Ma'am tsaka malapit lang din ang library building sa building namin.
"Okay sabay tayong tatlo mag lunch mamaya huh" paalala ni Love.
"Yeah sure" at nag martsa na ako papuntang library.
**************
What cha think guys?Maganda ba ?
Nalilito pa kasi ako kung itutuloy ko pa to.May dalawang story pa akong hindi natatapos so baka matagal bago ang UD nito.
VOTE AND ENJOY READING
xoxoxxSarahOmeiges