Broken ONE

3 0 0
                                    

1, 2, 3 Go!
~Band starts to play~
(now playing: Simpleng tulad mo by daniel padilla)

"Wahhhhhh!" sigawan ng mga tao.

"We Love you Kaizer! Woooohhh!"

Hindi magkandamayaw ang mga tagahanga sa iniidulo nilang banda at halos maubos na ang boses sa kakatili.

"Echo Rocks!" Sigaw ng mga fans sa kanilang banda.

~alam mo ba na may gusto akong sabihin sayo.. magmula ng makita kay naakit ako.. Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko.. Ang pangarap ko..~

Patuloy sa pagkanta ang bokalistang si Kaizer habang nagtitipa ng kanyang gitara at maging ang kanyang mga kabanda sa pagtugtog na giliw na giliw sa mga tagahangang
labis ang appreciation sa music nila.

Makita lang nilang masaya at nageenjoy ang mga umiidulo sa kanila ay masaya narin sila at nagiging worth it ang lahat ng pagod nila.

~dahil, simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako.. ang tanging ligaya ko.. simpleng tulad mo~

Kumindat si Kaizer sa mga kababaihang tumitili at lahat ito ay natameme, ang iba ay natulala at kitang kita ang amazement sa mga mukha nila.

Napangiti nalang si Wilmer.. ang Lead Guitarist ng banda kasabay ni Miguel ang kanilang bass Guitarist. Mas lalo pang ginahan si Brench habang pinupukpok ang drums dahil sa pinapakitang suporta ng kanilang mga fans.

Andyan ang mga naglalakihang mga banner na nakaprint ang kanilang mga pangalan at mukha. Meron din namang mga halos mahimatay na at mga iyak ng iyak dahil sa saya. Hindi na bago ito para sa banda ngunit kahit ganoon ay nabibigla parin sila.

Ang Echo band, isa sa mga leading band ng kanilang henerasyon at nakapagtatanghal nadin sa ibat ibang panig ng mundo. Kabi kabilaang guestings, tv appearance, cover ng magazines, billboards, albums.. at madami pa.

Dating simpleng banda na tumutugtog sa kung saan sila mahatak. Hanggang sa dumating ang panahon na alukin sila ng 'Gold Card' tungo sa 'Kasikatan'.
At ang lahat ng yun ay dahil kay Chanelle Chua o mas kilala bilang Ms. Elle. Siya ang isa sa mga tanyag na producers at namamahala ng isang napakalaking entertainment. Kayat di na nakakapagtaka ang approach ng mga tao sa Echo.

"Great Job" nakangiting salubong nito sa banda na kakapasok lamang sa backstage dahil sa natapos na tugtugan.

"Syempre Ms.Elle! Pogi ako eh aray!" -Wilmer

"Anong Konek?!"-Miguel

"Naku Migs... tsk tsk.. inggit ka nanaman sa kapogian ko.." -sabay pogi pose nito. Nakaamba namang batukan ni Miguel si Wilmer kaya umilag ito at nagpatuloy sila sa pagkukulitan habang naghahampasan.

"Ang ingay nyo naman!" inis na wika ni Brench.

"Ang kj mo talaga Brench" sabi ni Wilmer sabay nguso. Tinignan naman siya ng masama nito.

"Ang daldal mo kasi eh.." sabay siko ni Migs kay Wilmer.

"Ikaw kaya yun!" -Wilmer

"Ikaw.." -Miguel

"Ikaw eh.." -Wilmer

"Luh! Ako pa? Ikaw nga dyan eh!"- Miguel

"Ikaw nga sabi eh!" -Wilmer

"HAYST!!" -si brench na uminat at halatang naaburido na sa dalawa habang si Ms. Elle ay natatawa na lamang.
Napatahimik naman ang dalawa ng makitang namumula na si Brench sa inis..

"Sabi ko sayo eh..Wag kang maingay.." mahinang bulong ni Migs.

"A-anong?! Wala ka namang sinasabi ah!" Pasigaw na sabi ni Wilmer.
Natauhan naman siya agad ng marealize ang ginawa niya at sabay silang napatingin kay Brench na nanggigigil na at hawak ang drumstick nito.
Nagkatinginan nalang sila at...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Strings of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon