Chapter I- Hi I'm Singgol

336 6 13
                                    

hindi naman ako ganoon kaganda, hindi rin ganoon kapangit, siguro pasado na rin sa tipong pwede mong irampa sa mall. kung sa pisikal na anyo ang pag-uusapan, wala naman akong reklamo, kontento na rin ako sa ginawa ng mga magulang ko at syempre ng Diyos.

isa lang akong tipikal na dalaga, ayaw kong gumawa ng kwento na motif ay beauty and the beast, alam ko nakakatuwang basahin at napaka-inspiring pero ang tanong, nangyayari ba talaga to sa totoong buhay- ngayon? kung ganun, may pinapanganak ngang swerte.

maraming magagandang nilalang sa mundo, sa dami nila, hindi ko alam kung saan ako ilalagay, siguro wala nang space kaya sa gitna ako, sa mga klaseng hindi-hindi. kahit saan ka lumingon, magnonose bleed ka sa dami nila at ikaw naman tong si invisible, hindi nakikita, walang pumapansin. kulang nalang sumayaw ka sa harap para makita pero siguro dedma pa rin.

wala akong ganun kagandang lovelife. may mga nanliligaw din sa akin kahit papaano, pero wala pa rin eh, wala ata ako nung nagpaulan ng pana itong si cupid. hindi ko tipo ang magpaasa, trust me i've been there situation to. minsan na akong umasa sa isang taong hindi naman talaga ako gusto. assuming kasi ako noon kaya yun ang napala ko. tomorrow is another day, kaya go lang nang go sa paghahanap ng bagong crush. three years din kaya akong nasa ilalim ng karisma nung lalaking iyon in short naging "tanga" at ngayong 3rd year na ako, my gas, isang taon nalang ang natitira, goodbye college na~! wala man lang kakulay-kulay ang lovelife ko. 

marami akong crush, pero sa kanila may isang ultimate talaga, ganun lang, parang naglilista ng mga may utang. may girl crushes din ako, di ako lesbo ha, pagnagkacrush ba ng babae, tomboy agad? ganun? i admire them lang naman, wag maging nega. tulad ng iba, normal lang sa akin ang magkaroon ng maraming crush. libre magkacrush eh, that's the perk of being single! yehey :p 

ok, singgol nga pala ako- ayon nga kay LC Learns, singgol daw yung mga taong single mula sanggol. haha. strict ang parents ko eh, tsaka, di ko pa rin feel sa ngayon. ewan ko ba, ganito na talaga ako ka bait bilang anak o siguro hindi ko pa talaga nakikita yung prince charming ko. sabi nga nila, baka hindi pa daw napapanganak- uso na kasi yung 20 yrs gap tas mas matanda yung babae. OMG. hindi nga?

in love, i believe, there's a right time for everything. too mainstream right? but believe me, isa ako sa naniniwala dito. sa ngayon, enjoy ko muna ang peg ko as a student, friend, sister at anak. alam ko darating yung moment na lahat ng oras ko ibibigay ko na sa taong yon kaya enjoy muna ang pagiging single- you have more time sa family at friends at school (kahit ayaw mo minsan, aminin...) kasi sa mga susunod na kabanata ng buhay mo, you have all the time in the world with your special someone. ayeee<3 :) pangmiss universe ang sagot noh? sali kaya ako. ?.?

like many others, may standards din ako, kapal ng fes noh? kahit hindi-hindi na nga, may mukha pang mamili. hahaha. syempre tao rin ako at may rich imagination! pero sabi nga nila, kahit may ideal type ka, iibig ka rin sa iba lalung-lalo na sa opposite niya. in love nga, when you fall, you fall, you will never know why, you just do. oh diba? may tama na rin ako. 

speaking of standards, naguguluhan ako teng. malaki kasi akong babae, malaki na hindi naman ganun kataba- konti lang. hehe. matangkad din ako to the extent na mas matangkad ako sa mga lalaki na hindi rin naka-cherifer. sa sitwasyon kong 'to, gusto ko pang tumangkad talaga pero sa tuwing nakakakita ako ng mga lovers in paris dyan na matangkad si guy tas mukhang elementary cutie si girl, seriously, magchecherifer pa ba ako nito? my gas. walang chance te! gusto ko ang matatangkad na lalaki, syempre naman, big girl type kaya ako, 

kung maliit ang guy, ano ako, nanay? so no to shorter guys- sila rin kaya, mas gugustuhin nila ang petite girls noh. OMG. so wala nang chance talaga kundi yung tall guys pero paano kung petite girls ang gusto nila?.... goodbye world -_-

Super Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon