Ang boring talaga ng buhay pag nasa bahay ka lang. :( Since wala akong magawa I decided to clean our house. Mag g.general cleaning ako dahil holiday seasons naman na.
Habang naglilinis ako sa sala ay napansin ko ang isang kwarto dito sa bahay na matagal nang hindi nabubuksan, ginawa na kasi namin itong bodega.
Napag disisyunan kong maglinis doon kaya kinuha ko ang susi.
Pagpasok ko alikabok agad ang sumalubong sa akin.
Iginala ko ang paningin ko.
.
.
Nang makita ko ang kabinet sa isang sulok ay napaalalahanan ako sa isang bahagi ng aking buhay na matagal ko nang hindi nabalikan. Ang lumang kabinet na iyon ay gawa sa matibay na kahoy, nara ata iyon.
May nakaukit na mga bulaklak at dahon, natatakpan ito ng makapal na alikabok at may iilang gasgas na rin. Pero tandang tanda ko pa noong dati ko itong ginagamit sa aking kwarto noong ako ay dalaga pa. Doon ko ipinapatong ang aking suklay at pulbo, medyo inaagiw na ang drawer at nang buksan ko ang pinakaibabaw ay nakita ko ang aking pinaka paboritong pang-ipit na hugis star! *_*
Natatandaan ko pa kung paanong araw-araw ay suot ko yun nong 4th year college ako at hindi talaga ako umaalis ng bahay hangga't hindi ko sya gamit.
Nang taggalin ko ang pang-ipit ay nakita ko ang puting sobreng nangingitim na, nong una ay hindi ko pa maalala kung para sa ano yong sobreng yun at kung ano ang laman. Pero nang mahawakan ko ang isa sa mga yun ay nakita ko ang nakalagay na Vicky.
Ah!
Naalala ko na kung kaninong sulat kamay iyon :)
BINABASA MO ANG
Secret Admirer
Short StoryKinda short story ^_^ More on narration than conversation.