Ilang taon na ang nakakalipas ng matanggap ko ang sulat na iyon at marami pa ang sumunod duon na liham.
Binuklat ko ang unang sulat na yun at para bang ilog na umaagos ang mga ala-ala na nagbalik sa akin. Inumpisahan kong basahin ang mga mensaheng nakasulat.
Bumalik ako sa nakaraan!
------------------
Dear Vicky,
Unang beses palang kitang nakita ay hindi na kita makalimutan. Noong tinawag ka ni Ma'am Victorino na magsulat sa blackboard ay hindi ko na maalis ang tingin ko sayo. Magmula noon ay ginusto kong lumapit sayo at makipagkaibigan, pero nahihiya akong lumapit. Iniisip ko na baka hindi mo lang ako pansinin o baka mailang ka sakin, hindi naman kasi ako pareha sa ibang lalaki. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay pero gusto ko lang talagang ilabas ang nilalaman ng puso ko kaya heto gumawa ako ng sulat para sayo. Kahit papano maipapahiwatig ko manlang ang nararamdaman ko baka kasi sumabog kapag hindi ko pa sinabi sayo.
Sa tingin ko ay hindi pa ako handa pero huwag kang mag.alala darating din ang panahon na maipapakilala ko na ang sarili ko sayo at sana pag dumating ang panahon na iyon matatanggap mo ako bilang kaibigan. Ingat ka lagi.
Your Secret Admirer,
Kinaumagahan non ay pumasok ako sa school naghahanap ako ng pwedeng makapagsabi sakin kung sino yong sumulat.
Tingin ako ng tingin sa paligid, nagbabakasakaling may tumingin at sabihin nyang binabasa ko ang sinusulat nya.
Pero wala talaga, siguro may nang t.trip lang sa akin at gustong pagtawanan nila ako at gawing tampulan ng tukso. Pano ba naman ako maniniwala kung hindi nya sinabi ang pangalan nya? Parang mahirap ding isipin na ang nagagandahang salitang yun ay para sa karaniwng babae na katulad ko. -__-
Pero naisip ko na sana totoo at bukal sa kung sino man ang mga salitang aking nabasa dahil pilit ko mang nilalabanan ay ibang klaseng kasiyahan ang aking nararamdaman ng malaman kong may nagkagusto pala sa akin J
*****
2 weeks passed still I don't have any idea who's my admirer is. Arhhggg parang ang strange sa feeling pag sinasabi ko ang word na "admirer". Pero isang araw ay parang nagkaroon ako ng pag-asang malaman ang katotohanan. Nagbabasa ako non habang wala pang teacher. Binabasa ko kasi ng paulit-ulit ang sulat nya, memorize ko na nga ata e!
Habang nagbabasa ako may kumalabit sa akin.
"May extra ball pen ka ba?" Sabi ng boses sakin. Nang lumingon ako ay nakita ko ang napaka-gwapong muka ni Sancho ang isa sa pinak poging studyante sa campus. Unang pagkakataon yun na kinausap nya ako kaya naman nagulat ako at hindi nakasagot agad. "Vicky! Sabi ko kung may ball pen ka pa?" Bigla akong nagising sa pagkakatuliro at naghanap ng ball pen sa bag ko. Inabot ko naman agad sa kanya ng tahimik lang. "Salamat!" Sabi ni Sancho sabay ngiti ^_^
^____________^
Hindi ko maiwasang mapatitig kahit na tumalikod na sya para bumalik sa upuan nya.
Half American si Sancho, brown ang buhok nya at may bilogang mga mata, matangos ang ilong, mistiso at matangkad. Lahat nalang yata ng babae sa school ay may gusto sa kanya. Marami na rin ang nachi.chismis na girlfriend nya pero walang nakapag patunay kung meron ba talaga o kung sino ba talaga. May pagka misteryoso ang dating nya, bagay na nakakapagpadagdag ng appeal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Secret Admirer
Historia CortaKinda short story ^_^ More on narration than conversation.