Chapter 4: Revenge

38 1 2
                                    

" wow bro, astig ang pasa mo !!! "  pang aasar ni Ben

" tumahimik ka nga dyan, baka gusto mong makatikim. "  Ken

" oi, relax lang bro. "  Ren

" walang hiyang babae yun, grabeng kahihiyan ang binigay niya sa akin. "  Ken

" hay naku, sabi ko kasi sayo wag kang mambabastos ng girl sa harap nila. malas mo nakaharap mo ang isang black belter. "  Nathan

" ah basta gagantihan ko siya, sa kahit na anong paraan "  Ken

Sa school:

" good morning girls "  matmlay na bati ni Prei

" oh bat ang tamlay mo? "  Rosseta

" nanghihinayang ka ba dun sa figurine? "  Maegan

" hindi no. . .para lang kasing may masamang magyayari sa akin today. . ."  Prei

" ano ka ba Prei, ang aga aga kung anu ano nang iniisip mo! "  Nicole

" you know girls meron ganyan, yun mga nakakaramdam ng mga mangyayari sa kanila. "  Jane

" hoy Jane tigilan mo nga yan, tinatakot mo naman si Prei eh. . . "  Nicole

Nagstart na ang klase nila pero kinkabahan pa rin si Prei.

Recess time naiwan mag isa si Prei sa room dahil nga masama ang pakiramdam niya, nang bigla niyang maisipang pumunta sa locker room.

" hello may tao ba tao diyan? "  Prei ( walang sumgot )

" ok wala naman atang tao. "  Prei ( naisip na kasi niyang magbihis ng P.E. uniform para sa P.E. class nila mamaya. )

Tapos nag makapagbihis si Prei, nang may nagyaring di inaasahan. . .may nalalag na mga kahoy galing sa taas at sa pagkabigla ni Prei ay napaupo siya at di sinadyang tinamaan ang right foot niya. .

" aray ko!! naku ang paa ko. . . .sino ba kasi ang naglalagay ng bwisit na kahoy na yan. "  Prei ( bigla niya naisip ang time )

" naku malapit na ang P.E. time kailangan ko nang bumalik "  Prei

Naglakad si Prei nang papilay-pilay pabalik ng room.

" oh Prei bakit papilay pilay ka diyan? "  Rosseta

" wala lang 'to, naaksidente  lang me dun sa locker room, pero mawawala rin ito. "  Prei

" sigurado ka, baka nakakalimutan mo, may trial mamaya para sa taekwondo competition. "  Nicole

" oo nga Prei, baka di ka makapasok. " Maegan

" ano ba kayo, sabi ko naman ok lang ako. "  Prei

P.E. time na nila, at isa asa mga exercise nila ay ang pagtakbo ng 50m sprint.

" Prei kaya mo pa ba, parang di ok yang paa mo. "  Jane

" oo ok lang ako, kaya ko 'to, ako pa. "  Prei

Turn na ni Prei para tumakbo at halatang nahihirapan siyang tumatakbo. Pero kahit na ganun tumakbo pa rin siya pero sa kalagitnaan ay nadapa siya dahil sa sobrang sakit ng paa niya. Nabigla ang mga kaibigan niya dahil alam nila ang tungkol sa paa niya, pero ang ibang walang alam ay pinagtatawanan lang siya, ngunit sa di inaasahang pagkakataon lumapit kay Prei ang isang lalaki.

 " girls tulungan natin si Prei. "  Rosseta

" oo nga, kawawa naman siya "  Nicole

" but wait diba si Nathan yun? "  Jane

" oo nga no, ano naman ang gagawin niya kay Prei "  Maegan

Nagulat ang lahat sa ginawang pagbuhat ni Nathan kay Prei at syempre nagulat din si Prei.

" Precious, ayos ka lang ba? " tanong ni Nathan habang buhat niya si Prei

" ah oo, teka san mo ba ako dadalhin? " Prei

" san pa ba, edi sa clinic "  at lumapit si Nathan sa teacher para magpaalam

Habang nasa clinic ang dalawa, nakarating na kay Ken ang nangyari kay Precious. . . . .sa totoo kasi siya ang may gawa ng pagkakaaksidente ni Prei.

" hahahahaha, , , , mabuti nga sa kanya, dapat lang yun sa mga ambisyosang gaya niya. "  Ken

" pero bro, diba masyado namang brutal ang ginawa mo, dahil sa nangyari, di na siya makakasali sa taekwondo competition this year. . "  Ben

" so what!,  pakialam ko ba dun. . .basta nakabawi na ako sa kanya, at sa susunod na banggain niya ako, di lang yan ang aabutin niya. "  Ken

" hay naku Ben, wag mo nang pangaralan yan, di naman makikinig yan. "  Ren

" ok sige fine. "  Ben

Precious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon