Part 1

316 5 0
                                    

Ayan nanaman.

Mula paa hanggang ulo.

"Sige! Tingin pa! Natalbugan ko na ba yang kagandahan niyo?!" Sabay irap sa kanila.

Makatingin naman kasi. Akala mo na kung kriminal ka.

"Kayo! Nasesexyhan ba kayo?! Tusukin ko yang mga mata niyo jan eh." tinuro-turo ko sila.

Ako? Oo. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa akong "Campus' Sexy Bitch", tawag nila sa akin e. Down-to-earth ako, for you to know. Pero sila?

Well, down-to-hell.

Kinakaaway ko na lang halos lahat. Sinusungitan ko, sinisigawan ko kahit wala namang kasalanan.

Wala lang. Para sa'kin, nasisiyahan ako sa mga ganyan.

Sige, tawagin niyo na lang akong demonyo.

Pero, may dahilan lahat ng 'to.

Nakakapagtaka nga.

Kasi, sa kabila ng pagkabitch ko,

may mga kaibigan pa rin ako.

Si Jae, ang malanding bakla kong kaibigan na laging nanjan para ipagtanggol ako. Lagi nga ba?

(Author's Note: Jae is pronounced as 'Jahy')

Si Yen na playgirl.

At si Gio,

ang GUY BEST FRIEND ko.

Nakakapagtaka, hindi ba?

Natiis pa nila itong ugali kong ito.

Well, bago ko makalimutan, ako nga pala si Ellem Delos Santos. "LM" nalang para shortcut. Para kung sakaling crush niyo ako at ako lagi ang iniisip niyo na pati ba naman sa school niyo, may balak kayong punuin ng pangalan ko ang back page ng notebook niyo, LM na lang ang isulat niyo, okay?

Sikat nga ako, hindi dahil sa appearance kong ito.

Kundi, dahil sa pagkabitch ko.

Kapag hindi ko kasama ang mga kaibigan ko, loner ako.

Tahimik lang ako, hindi nagsasalita.

Pero, hindi alam ng iba na 'pag ako nakaaway,

halos magunaw ang mundo.

MUNDONG KADEMONYOHAN.

The Sexy Bitch and The HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon