Chapter II. WALLS AND BARRIERS

49 7 1
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Sorry guys hindi ko na mapagpapatuloy pa ang story na ito.....

....gamit ang Third Person Point of View! XD Mas madali talaga pag First Person point of view eh. Pasensya na di ko napanindigan! Hahaha. Di kinaya ng powers ko.

Shawols and Exo Stans! Malapit na ang Kpop Republic! Waaaah! Gusto ko na ulit makita ang EXO! Kaya lang kumusta ipon ko? KONTI LANG! XD

Comment naman kayo oh! :D

***

"But we never believed there'd be anyone who would accept our twisted ways. That's why we'll stay locked up tight in our own private world and throw away the key, so no one can ever hurt us."

- The Hitachiin Brothers (Ouran High School Host Club)

***

---

Chapter II. WALLS AND BARRIERS

[Point of View: Luhan]

Pagkabukas ko ng pinto ng Principal's Office, bumungad sa akin ang isang lalaki na naka-suit. Ngumiti siya at ngumiti rin naman ako sa kanya pero pagkatapos noon ay wala na akong ibang magawa kung hindi ang mag-bow na lang at magsimula ng maglakad papunta sa aking P.E class. Bababa na sana ako ng hagdan nang bigla akong tawagin nung lalakeng nakasalubong ko.

"Mr. you," tawag niya, habang hindi pa rin niya inaalis ang ngiti sa mga labi niya. Para sa akin mabait ang taong ito at mukhang kagalang-galang talaga.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong niya sa akin. Napaisip ako bigla. Sa tanang buhay ko ngayon ko pa lang nakita ang taong ito kaya bakit niya itinanong sa akin yun? Hindi ko naman siya nakasalubong kanina pagdating ko sa Wolf Academy. Sino kaya siya? Paano kung... bahagi siya ng nakaraan ko? Paano kung alam niya kung ano ang pinanggalingan ko? O kaya ay y koneksiyon siya sa mga naghahanap sa akin? Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba pero sinubukan kong kumalma muna dahil baka mali lang ako nang iniisip kasi masyado akong paranoid. Pero paano kung tama ang kutob ko?

"Nagkita na po ba tayo dati?" tanong ko siya pabalik, habang pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na ang taong kaharap ko ngayon ay walang alam tungkol sa akin.

"Hindi pa. Hahahahahaha." tinawanan niya ako nang tinawanan hanggang sa hindi na niya kaya at napaupo siya sa sahig habang hawak ang kanyang tiyan. Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa pangyayaring ito. 

"Bakit hindi ka tumatawa?" tanong niya habang nakanguso pa ito na parang batang nagtatampo. Natawa ako sa isipan ko dahil alam kong matanda na siya para umarte na parang isang maliit na bata.

"May nakakatawa 'ho ba?" magalang kong tanong habang kinakamot ang ulo ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit siya tumatawa at kung bakit kinakailangan ko ring makitawa sa kanya. Mukhang na-misinterpret niya ang sinabi ko dahil biglang lumungkot ang ekspresiyon ng mukha niya. Hinagkan niya ang kanyang mga tuhod at nagsukob. Para talaga siya batang maliit. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o magpapanggap na lang na hindi ko siya nakikita at dumiretso na lang sa aking P.E subject.

"Gusto lang namang patawanin ng principal ang bagong lipat na estudyante eh...kaya lang nganga yung joke ko." malungkot na sabi nito. Teka. Principal?! Siya ang principal ng Wolf Academy?

++

Pagkatapos ng mahabang pagsuyo kay Mr. Byun, napapayag ko rin siyang tumayo na mula sa sahig kanina. Para sumigla na siya ay napilitan akong gawan siya ng maliit na pabor. At iyon ay iabot sa anak niya ang mga eyeliner na nakita ko kanina sa mesa ni Sir Matt. Pero ang nakakatawa nito ay ni hindi man lang niya sinabi sa akin kung ano ang pangalan ng anak niya at kung ano ba ang itsura nito. Nakakatawa talaga si principal. Akala ko pa naman noong una ay pinahahalagahan niya ang reputasyon niya pero kalog pala siya. He looked strict at first but he's unexpectedly funny. Hindi mo nga talaga malalaman ang ugali ng isang tao sa isang tingin lang.

We Were OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon