Chapter 5: Isang Sulat

14 0 0
                                    


Bea's POV

*6:00 am*

Madilim ang paligid. Yun pala tulog pa ako. Haha. Biglang luminaw ang paligid at nakita ko na nasa isang lugar ako na napaka weird.

Nasa madilim na plain ako. May mga rosas na nagliliyab. Tumingin tingin ako sa paligid. At may nakita akong something na nakatalikod nakacoat siya kaya diko makita kung sino.

Pinagmasdan ko lang siya at biglang humarap siya sakin. May soot pala siyang sumbrero na hindi ko tuloy makita yung mukha niya. Lumapit siya sakin at binigyan ako ng sulat.

Nung kinuha ko yung sulat biglang nagsalita yung tao.

"Basahin mo at gawin mo."

Sabi niya at tumalikod siya at naglakad na palayo sakin. Habang naglalakad siya lalong nasusunog ang mga rosas at nung yung rosas nagsama at naging malaking sunog may nakita akong isang lalaki.

Nakatalikod at humarap sakin... Hindi ko makita yung mukha dahil parang distorted. Hindi ko siya makita. Biglang nagliyab din yung lalaki. May sinigaw ako eh.. Nakalimutan ko kung ano.

Sumigaw ako at bigla akong nagising.

Lumuluha ako nung gumising ako. Bumangon na ako at naglinis na ng sarili ligo ligo ganern. Nung nakabihis na ako nag-ayos ako ng bag ko. Pagkabukas ko ng bag may sulat na naka envelope sa loob at agad kong kinuha.

Napa-isip ako dahil yung sulat na nakita ko sa panaginip ko pati yung sulat na hawak ko ngayon iisa lang sila. Medyo kinabahan ako. Agad kong binuksan yung sulat. Ang una ko agad nakita.

"ILIGTAS MO SIYA!"

"Iligtas?" Tanong ko sa sarili ko. Binuklat ko pa yung sulat at medyo mahaba yung nakasulat kaya nagtiyaga ako at binasa ng malakas.

"Kung sino man ang nagbabasa nito ngayon ibig sabihin nun either patay na ako o minamasdan ko ang nagbabasa nito."

Bigla ako napatingin sa paligid jusko baka may maita akong nakatingin sakin scaryy!!
Ok continue!

"Gustuhin mo man o hindi..... May masamang mangyayari sa isa mo kaibigan. Sa March 10. Sa birthday ni Mark. Mamamatay si Clark."

What? Mamamatay si Clark?

"Hindi ko alam kung ano nangyari sakanya. Pero nung sa oras na namatay siya may kausap siya. Andun ako nung nagyari yun. Hinihintay ko siya sa KekDunalds. At bigla akong nakatanggap ng text kay Clarisse."

------------------------------------------------
*?*! Si Clark naaksidente! Nasagasaan
Siya ng Bus! BILISAN MO DITO
NGAYON NA!!
------------------------------------------------

Yung pangalan hindi malinaw. Pero si Clark mamamatay? Hindi ako makapaniwala. Iniisip ko lang na echos lang toh. Pero may bad vibe na kasama yung sulat eh.

Babasahin ko pa further pero bigla ako tinawag ni Mama para kumain na.

Agad kong binilisan kumain at umalis na ako agad at habang naglalakad ako nilabas ko yung letter at binasa ko.

"Bago mamatay si Clark napansin ko na sobrang tamlay niya parang may nangyari sakanya. Yun pala -"

Naputol yung pagbasa ko ng biglang may kumalabit sakin at hinila ako. Nung hinila ako may dumaan na sasakyan sa kung saan nakatayo ako kanina. Napatingin ako sa likod at may lalaki na shemay ang gwapo!

"Masasagasaan ka sa ginagawa mo. Tingin ka muna sa kalsada habang naglalakad hindi nagbabasa ng kung ano-ano." Sermon sakin nung lalaki. Hindi na ako sumagot at naglakad nalang..... Medyo awkward. Pero soot niya uniform namin. Kaya medyo ano haha.

PAASA (Lovelife or Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon