Hardest Decision....

376 17 13
                                    

FICKLE HEART

"Hello everyone! Naiinip na ba kayo?" masayang bati ng host sa bar.

"Oo!" sigaw ng mga audience sa right side ng stage

"Kantahan na!" ungot naman ng mga audience sa left side ng stage

"Wooooahhh! Ilabas na ang kakanta!" narinig kong sigaw nilang lahat nang sabay-sabay.

"Ok, let us all give a round of applause to Ms. Candy Faye Panotes, our singer for tonight!" pagpapakilala sa akin ng host habang umaalingawngaw ang palakpakan at hiyawan ng mga tao.

Lumabas ako agad pagkarinig ko ng pangalan ko dala-dala ang gitara at diretsong tinahak ang upuan sa gitna ng stage.

"Ehemm... Hello everyone! Thank you for waiting. The first song that I'm going to sing is actually very dear to me, it is entitled Fickle by Gabe Bondoc," mahinahong sabi ko sa kanila at nagsimula na akong mag strum sa dala-dala kong gitara.

Napansin ko na lahat sila ay natahimik at sa bawat pagbagsak ng pick sa gitara ko parang sabik na sabik silang simulan ko ang pagkanta. And while strumming, hindi ko napigilang sabihin...

"This song is dedicated to someone I love, but because of this fickle heart..." napalitan ng malungkot na aura ang kanina ay nakangiting mga labi ko.

"...everything has changed." Pumikit ako kasabay ng pag-awit ko.

♪♫ I told him I Love him, but I can't remember why, this is a bad bad sign...

The first sentence really broke my heart. Hindi ko na talaga maalala kung paano nagsimula ang lahat. Kung bakit at paano ko siya natutunang mahalin. Kung paano kami nakatagal nang ganito. Kung paanong ang simpleng ngitian lang noon ay nauwi sa isang masayang pag-iibigan. Isang walang katulad na saya at pakiramdan na ngayon---masakit mang sabihin---ay hindi ko na maramdaman. Tama, hindi ko na maramdaman ang nag-uumapaw na damdamin ko noon. Nakakalungkot pero 'yun ang totoo.

♪♫ I can't even hold him, just sitting here as he cries, I'm just a bad bad girl...

Damang-dama ko ang bawat katagang kinakanta ko habang inaalala ang aming nakaraan.

----------------------

"Ano ba?! Bakit nandito ka? Wala ka man lang pasabi sa akin na darating ka. Pwede mo naman sana akong i-text!" galit na galit kong singhal sa kanya.

"Gusto ko lang naman supresahin ka. July 29 ngayon, 'di ba? malungkot na tugon naman niya sa akin. Napakunot ako ng noo at inisip ko kung anong meron sa araw na ito.

"Second Anniversary natin..." parang nabasa niya ang nasa isip ko, marahil dahil na rin sa reaksyon na ipinakita ko. Nakayuko siya at parang maiiyak habang sinasabi ang mga salitang iyon sa garalgal na boses.

Ang totoo nakalimutan ko talaga na Anniversary pala namin ngayon. Naiinis ako ng sobra-sobra. Hindi ko pa rin mawari kung bakit ko naramdaman na nakakasagabal lang siya sa buong araw ko, na instead matuwa ako dahil anniversary namin at nandito siya ngayon sa Manila kung saan ako nagta-trabaho.

"Oh, tapos, kailan ka uuwi sa Bicol? At magkano ang dala-dala mong pera?!" masungit pa rin na tanong ko sa kanya.

"Ito lang dala ko,"malungkot na ipinakita niya sa akin ang isang parisukat na papel na nagkakahalaga ng One Thousand Pesos (1,000) na siyang naging dahilan ng lalo ko pang pagkainis sa kanya.

"Ano yan?!" singhal ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"S-sorry, gusto ko lang naman makasama ka ngayon dahil miss na miss na kita," hindi makatingin na sabi niya sa akin. Nakikita kong at any moment ay iiyak na talaga siya.

FICKLE HEART (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon