Bianca's POV
Lunes ngayon. First day of school. Magiging second year highschool na ako. Nagising ako 6:00 am. Naligo agad ako. Pagkatapos kong maligo bumaba agad ako para kumain.
"Goodmorning Baby"bati ni mom.
"Goodmorning mom"bati ko.
"Baby kumain kana para hindi ka ma late sa school mo. Pagkatapos mong kumain ipapahatid kita kay manong"sabi ni mama
"Yes mom"
Kumain ako tsaka kinuha yung gamit ko. Hinanap ko si mom para makapag paalam na aalis na ako.
"Mom! Aalis na po ako. Ihahatid na ako ni manong. Bye mom"paalam ko sakanya.
"Cge baby, ingat kayo"
Sumakay agad ako sa sasakyan namin. 6:30 ako umalis ng bahay. Tahimik lang si manong habang nagdidrive. Naninibago ako kay manong. Palagi kasi siyang nag jojoke kapag hinahatid niya ako papuntang school. May problema ata si manong eh.
------After 15 minutes
Nakarating na ako ng school. Nagpaalam na ako kay manong at bumaba na ng sasakyan. Naglakad ako papuntang gym para mag flag ceremony. Eto talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat. Yung tumatayo ako. Nakakapagod kaya mabuti nga mabilis lang yung flag ceremony eh. Pagkatapos ng flag ceremony pumunta agad kami sa classroom namin.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang classroom may naka bangga ako.
"Aray."inangat ko ang ulo ko para makita ko kung sinong naka bangga.
"Ano ba tatanga tanga ka kasi eh. Tsk."sabi niya. Aba ang lakas ng loob niyang magalit. Siya na nga yung naka bangga siya pa yung may ganang magalit.
"Excuse me. Ikaw kaya naka bangga sakin. Lakas ng loob mong magalit ah. Uso namang mag sorry noh."irita kong sabi sa kanya.
"Bakit ako magsosorry? Ikaw kaya yung hindi tumitingin sa dinadaan mo."sabi niya. Aba. Sarap na talagang sapakin nito eh. Kaso malalate nako eh. Bahala siya sa buhay niya. Iniripan ko siya at naglakad ng mabilis.
Pagdating ko sa classroom namin. Wala pa yung teacher namin. Haaaay. Salamat. Ang aga aga nambwisit yumg lalaking yun. Umupo agad ako sa harapan. Wala parin yung guro namin kaya nagpa music muna ako. After 10 minutes dumating narin yung guro namin at may kasamang lalaki.
"Good morning class. We have a new classmate. He's a transferee."sabi ng teacher namin. Pag angat ko ng ulo ko. nakita ko yung lalaking naka bangga sakin kanina. Kaya pala ngayon ko lang siya nakita dito. Bakit dito pa siya nilagay sa section namin?
Narinig ko yung mga babae kong classmates nagbubulungan.
Uy girl, diba siya si Dwayne Jimenez? yung sikat na singer?
Oo nga girl. ang vwapo nga talaga. hindi akaliain na dito siyamag aaral at dito pa siya sa section natin ilalagay.
So, siya pala si Dwayne Jimenez. Sikat na singer pala siya? Ba't hindi ko alam yun? Kung sabagay naman hindi naman ako interesado sa mga ganun eh.
"Okay class. This is Mr. Dwayne Jimenez he will be your classmate for the whole shool year. Okay Mr. Jimenez, you may sit beside Ms. Fuentebella."sabi ng teacher namin.
>>>>fast forward>>>>
Lunch break na. Salamat naman hindi ko makikita yung bwisit na yun kahit one hour lang. Nakaka bwisit eh. Panay ang daldal niya sakin hindi ko siya pinapansin. Pumunta ako sa cafeteria namin. Nakita ko dun yung bestfriend kong si Blair.
"Bes Bianca! I miss you."sabay yakap ng mahigpit sakin. Yinakap ko din siya sign na namimiss ko rin yung bestfriend kong amazona. Umorder kami at kumain habang nag kekwentuhan kung ano ginawa namin buong summer. Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami sa isa't isa na papasok na sa next class namin. Tiningnan ko yung relo ko. 15 minutes pa bago yung next class namin. kaya naglakad ako papuntang room namin.
>>>>fast forward>>>
Uwian na. Salamat naman siran sira na yung araw ko ngayun eh. dahil lang sa bwisit na lalaking yun. Humanda ka bukas sakin Dwayne.