Ako si Kylie Mendoza. Working student. Mahirap. Hindi kagandahan. Pero may isang bagay akung maipagmamalaki yun ay ang pagmamahal ko sa Diyos. Kahit hndi ako kagandahan, matalino at mayaman minamahal pa rin ako ng Diyos di tulad ni Adrian Costales. Kahit na anong gawin kung effort, wala pa rin. Hindi worth it, para sa kanya.
Oo, mahal ko si Adrian. Sobra! Pero bakit kaya ganun? Kung kailan mo mahal ang isang tao hindi ka naman niya mahal, sana fair nalang lahat. Ang sakit kasi! Kung gaano mo siya sobrang kamahal, yung sakit na nararamdaman mo sobrang sakit din. Tagos na tagos!
Naging kasintahan ko si Adrian, sweet siya pero alam kung pakitang tao lang. Ni minsan hindi ko naramdaman na mahal niya ako. One time nga nahuli ko siyang kahalikan si Louise, yung famous sa University namen. Maganda, mayaman at matalino. Sino nga ba naman ako kumpara sa kanya. Buong gabi akung umiyak, akala ko kasi mawawala yung sakit hindi pala.
Kahit sobrang sakit, nakipag-hiwalay ako kay Adrian. Then, one night sinundo niya ako sa trabaho, tang ina , perstaym bhe!
Nag usap kami. At eto yung conversation namen...Adrian: ky! Pwede b tayong mag-usap?
Ako: ahm. Busy ako ngayon eh.
Adrian: kahit 5minutes lang ky. Gusto ko lang naman makipagbalikan sa'yo.
Ako: ha?
Adrian: please ky! I'm begging you. Bumalik kna sa akin. I've realized that I love you ( with matching luhod at iyak )Pero hindi na ako kasing tanga ng dati. Umay na ako sa sakit na ginawa niya sa akin, kaya eto nalang ang isinagot ko sa kanya
"I'm so happy that you've realized that you love me. I hope you also realize that i can never be the same not after you used me. Not after the lies you told me. I'll never be the same."
BINABASA MO ANG
Bakit? (One-shot)
Short StoryKailangan bang ako lang ang nagmamahal? Kailangan bang ako lang ang nasasaktan? Bakit?