Magical Mystery Ride

154 4 3
                                    


Hello Again!! Dapat talaga Fanfic iuupdate ko pero eto ako ngayon napag desisyonan magsulat sa diary ko, gumawa ako ng Diary kasi gusto ko talagang mailabas lahat lahat ng nararamdaman ko sa pagpa fangirl sa extra ordinary tandem nina Bamboo at Sarah G, ewan ko kung anong pinupunto ko dito haha at kung may naiinspire ba o yun iba walang pakialam, magsusulat ako kasi di ko na kaya minsan sobrang saya, sobrang lungkot o galit kailangan ko ng outlet..

Isang MAGICAL MYSTERY RIDE talaga ang napasukan kong mundo, ang mundo nina Bamboo Manalac at Sarah Geronimo, REEL and Cannot be Real, May FOREVER na si Bamboo at may boyfriend na si Sarah alam naman naming yun ewan ko nga ba sa mga kokaks bakit nakalunok ng ampalaya sa mga shippers ng Ashboo, gusto lang naman naming silang magperform ng magkasama kasi idols naming sila AT MAY CHEMISTRY SILA pati ang mga boses nila, wala naman sinabing magpakasal sila diba? Ang gulo., isang magical mystery ride na dadalhin ka sa ibang dimensyon, minsan masaya, minsan malungkot, MADALAS HOPIA (Kaya nag jojoke ako sa twitter na graduate na ako sa kaka asa kasi masakit na) pero parang magic minsan may mga nangyayaring UNEXPECTED katulad na lang ng SPIELS ng ASHBOO sa ASAP noon March 27 taped on March 20 2016, grabe ang daming nagwala, sumaya at nabuhayan kasi ba naman bukod sa talagang hindi inaasahan ang ganap na yun e masyadong maraming nangyari ng mga nakaraan araw kaya kahit isang maliit na bagay lamang ang 2 mins na spiels na yun para sa AshBoo Fan isang treasure nay un (Aba, bihira lang magsabay ang AshBoo magsalita, hindi na nga nagduduet e masaya na yun magkasama sila sa isang frame haha) NA RAPE ko pa nga ang replay button pagka upload ng OFFCAM SPIELS NA YUN, SERYOSO hindi ko na alam, hindi ko na maintindihan pero NAGSASALITA lang ang ASHBOO, HINDI KUMAKANTA pero Pakshet andun pa rin ang chemistry at KINIKILIG ako, maliit na bagay at kababawan para sa mga kokaks pero who cares? Masaya na kong kahit isang Segundo, minuto o sandali lamang ay nagkasama ulit ang mga idol ko.

Isang Magical Mystery Ride na napaka kumplikado, daming kontrabida kaliwat kanan, pero eto ang landas na napili ko, ang ride na sinakyan ko, maraming nagsasabing sumuko na raw kami, wala naman pag asa, MGA HIBANG, BALIW, ASSUMERA, ILUSYUNADA napakaraming masasakit na salita ang mga narinig at binabato saamin sa ride na ito, pinagdidildilan pa ang katotohanan na alam naman namin. ANG ASHTEAM na PUNO NG BATIKOS at PATULOY NA BINABASH AT HINIHILA PABABA (some popsters pa nga) SANA dumating din ang panahon MAGRESPETUHAN DIN ANG MGA ASHTEAMS ; AshMatt, AshBoo o kung ano pa yan ship basta may Ash yan, REAL man o REEL ang ships na yan magsuportahan na lang, at the end of the day, PARE-PAREHO LANG TAYONG FAN NI SARAH GERONIMO. Grow up people!

Isang magical mystery ride na daig mo pang sumakay ng roller coaster at ferris wheel, sobrang daming emosyon, sobrang saya minsan sobrang lungkot may point pa nga na natatakot ka na, natatakot ka na baka may mangyaring hindi maganda, isang mystery ride na magtuturo saiyo ng napakaraming karanasan na kapupulutan mo ng leksyon, pano makisama, paano maging mapagkumbaba, paano mag bingi bingihan, paano maging matapang. Sabi ko nga EXTRA ORDINARY TANDEM kasi ba naman, eto lang ata ang Ship na walang closeness na naganap bigla na lang pinag-isa ng mga tao unlike sa mga loveteams dyan na kailangan mag holding hands, mag kiss, umarte para magpakilig pero sa AshBoo iba, KILOME KILOMETRO man ang layo, walang paghawak hawak (Minsan lang may yakapan) walang laplapan mas lalong hindi binabayaran para magpakilig pero ayan SA SOBRANG LAKAS NG SPARKS kusang kinikilig ang mga tao, yun iba nga nagiging instant fan na sa tuwing nagpeperform sila ng magkasama not to mention pa ang ganda ng mga boses nilang pinagcombine. Sa sobrang lakas nga ng sparks matatalo na ang meralco sa pagbibigay ng daloy ng kuryente, ganyan ang AshBoo simple lang pero iba. Iba sila eh.

Sabi nga sa kasabihan, CHOOSE YOUR HAPPINESS, ALWAYS CHOOSE WHAT YOUR HEART DICTATES, and sorry pero eto ang dinidikta ng puso at utak ko, ANG MAHALIN SINA BAMBOO MANALAC AT SARAH GERONIMO, I don't want my happiness to be ruin by anybody!

Hindi natin hawak ang hinaharap, Siya lang ang nakakaalam na lahat ng mga mangyayari pa, pero kung may isang bagay man akong hinihiling, hindi na ako nag hahangad ng happy ending, achieved na ako, masaya na ako makitang maging happy ang lahat. Minsan naiisip ko may ending ba to, anong ending kaya ang misteryosong paglalakbay na ito? Ayoko pa matapos, sana wala na lang katapusan kasi ayokong matapos ang bagay na nagpapaligaya satin o saakin pero hindi naman natin hawak ang tadhana, realizations came to me minsan nagmumuni muni ako, tatanda tayo, tatanda ang idols natin, darating ang panahon na pwedeng mawala ang kasikatan kasi may bagong sisibol, kung may isang bagay man akong sigurado ay yun HINDI KO PINAGSISIHAN O PAGSISISIHAN na minsan sa buhay ko ay naging fan ako nina Bamboo Manalac at Sarah Geronimo, hindi man sila ang magkatuluyan, hindi ko makakalimutan na napasaya nila ako, tumanda man sila sila, makalimutan man ng mga tao ang musika at pangalan nila pero hinding hindi ko makakalimutan ang mga sandaling binigay nila saakin, ang mga araw at panahon na pinasaya nila ako dahil sa kanila nakakilala ako ng mga bagong maituturing na kaibigan na nakakaintindi sa pag fangirl ko, ang mga bagay na hindi maintindihan ng pamilya o mga personal na barkada ay naiintindihan ng kapwa fan. HINDI AKO NAGSISISI na naging AshBoo Shipper ako, bakit ba ako magsisisi? Ikaw ba naman magkaroon na idols na TALENTED na MABUBUTING TAO pa, diba, Ang sarap ipagmalaki, Their fame is never get up to their heads, they remain true, simple, appreciative, kind and humble and that's why I love them and I will fight for them until the end.

Kaya sana kayo din AshBooFans, FIGHT FOR WHAT YOUR HEART SAYS, FIGHT UNTIL THE END, WAG NANG PANSININ ANG MGA HATERS, KAPIT LANG. Aja ^_____^V.

I Love You Francisco Gaudencio Lupe Belardo Manalac

I Love You Sarah Asher Tua Geronimo, Always and forever will. No matter what, Thank You for this journey of giving me such happiness, Thank you for this journey of a magical mystery ride.

AN: Inhale, Exhale. Another achieved diary, ewan ba dami kong gustong isulat, dami kong saloobin gustong ilabas, pagpasensyahan nyo na hahaha.. Dun sa walang pakialam, edi wag kayo magbasa sabi ko nga I WRITE TO EXPRESS NOT TO IMPRESS. Pero sa mga nagbabasa at nagta tiyaga sa kabaliwan ko, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!

My AshBoo DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon