DHA: 6

40 2 0
                                    

Eighn's Pov

Nilibot ng mata ko ang buong classroom, masyadong magulo.. masyadong Madaming nakatago.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok na ang MAGs. Nagtaka ako kasi pinaghiwa-hiwalay na sila ng section diba? Pero, ang balita ko.. ilang araw din daw silang hindi pumasok at Ung Aerianne daw ay may sakit. Tss. baka sakit-sakitan lang?

Umupo sila sa pinaka dulo, nakahilera sila doon. Napansin ko na si Aerianne ay may balot sa ulo at naka Mask. anong pag iinarte nanaman ba to?

Pumasok na ung teacher namin, As usual. walang bumati sakaniya at nagsulat siya sa Blackboard. Ngunit napahinto ang lahat sa pag iingay ng ilapag niya ang kamay niya sa Mesa ng sobrang lakas at...

"We will be having a Camping on the Other building of DHA. 5 araw kayo doon. Malayo ito sa Dorm niyo pero Kabila lang ito ng building ng DHA. Tutal, last year niyo naman na dito. Let's just enjoy your last year on the Camping." pagkasabi niya nun, nagulat ako ng biglang nabigla sila Nicky. Bigla namang napa smirk ang teacher nming nasa harap.

Bakit... parang may mali?

Heirsey's Pov

Nabigla kami sa Snbi ng teacher namin. Camping? sa Kabilang building? hindi kaya't... hindi, hindi maaari.

Biglang nag bell hudyat na Lunch na. Nagsilabasan kami sabay sabay ng mga MAGs.

"A-attend kyo sa Camping?" tanong ni Keanu. "Oo naman. Huling year na natin dito eh. So aattend ako." Sabi naman ni Leo. tss, parang nakalimutan na nila ung nangyari ah?

Umupo kami pagkatapos naming umorder. Tahimik lang lahat ng babae. Miski si Aerianne ay tahimik lang din. Napatingin ako sa dumaan, Si Eighn. Sabagay wala naman siyang alam kung ano ang baho ng school na to.

"Si Clarenze, Hindi ko na ata siya nakikita?" pamungad ni Deniel na sinang ayunan naman ng iba. Oo nga, asan na ba yun?

"Simula ng dumalaw tayo kay Aerianne. hindi na natin siya nakita. Why don't we try na Puntahan siya sa bahay nila?" Sabi naman ni Jaycee.

"Kahit papano pala may utak ka Jaycee." Sabi naman ni Meigh na parang nang-aasar. tss. magsisimula nanaman ung away niyan eh.

"Hindi na kayo bata pa para umasta ng ganyan. Para kayong tanga." Sabi ni Nicky na ikinatahimik ng Dalawa. Hay, si nicky Lang pala makakapagpatahimik sa Dalawang ito.

"Tama yung idea mo Jaycee. bisitahin nalang natin siya mamaya." Pang sasang ayon ko. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain, Napakatahimik ng buong Cafeteria. Malamang alam na nila na Ayaw namin ng Maingay.

Meigh's Pov

Nakasakay kami ngayon sa Van. Hindi ko alam pero Kinakabahan ako sa padating na Camping. idunno why, I just felt something bad.

"Kanina ka pa tahimik." Sabi ni Nicky na walang ekspresyon ang muka. Ganyan naman lagi yan, hindi palangiti. Well, alam ko naman kung anong reason. "Hehe. Wala to nics." Sabi ko, mukang nakumbinsi siya kaya naman sinukbit niya ang headset sa tenga niya. Tinignan na namin kanina si Clarenze sa dorm pero wala siya kaya naisip namin na sa Bahay nalang niya.

"Im not excited about that Shit camping." narinig kong sabi ni Cer john kaya napalingon naman ako sakanilang dalawa ni Aerianne. ngumiti si Aerianne at sinabing "Let's just enjoy that days. Okay?" sabi ni Aerianne habang hinahawakan ang muka ni Cer John.

"Just promise me na hindi mo kami iiwan, okay?" Sabi ni Cer john at kiniss si Aerianne sa noo. Ng nod naman si Aerianne sakaniya at ngumiti. How sweet. Ako kaya? Kelan kaya ako magkaka Lovelife?

After 30Minutes. Bumaba na kami sa Sasakyan at naglakad papunta sa Bahay ni Clarenze. He's the only child kaya naman lahat ng luho niya nasusunod. Paulit ulit kaming nag doodoorbell pero walang sumasagot kaya naisipan naming buksan ang gate, At bukas nga ito.

"Syet, kanina pa tayo naghihintay. bukas naman pala." Sabi ni Deniel. Nagsipasukan na kami Ngunit napansin kong nakatayo pa din si Nicky dun sa gate at may tinitignan na parang mali.

"Nics? anu ginagawa mo jan? tara na." Sabi ko sakaniya, mukang ngulat naman sya sa presensya ko at sinabing "H---ha? Osige mauna ka na." Sabi niya.

Ang weird ah?

Nicky's Pov

Nagsipasukan na silang lahat doon, ngunit nakapansin ako ng isang bakal at may bahid ng dugo dito pati sa Sahig na kinalalatyan nito.

"Parang may mali." bulong ko sa sarili ko, punyemas. Kinikilabutan ako, Hinawakan ko ang Bakal at Tinignan ito ng maigi. Syet lang. nakakakilabot ah.

"Guys wala si Clarenze dito!" narinig kong sigaw ni Joiz. kung wala si Clarenze dto sa bahay na ito. Asan siya?

"Hindi, sana mali ung hinala ko."

Dream High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon