Chapter 3

5.4K 219 137
                                    

Ikin's POV

"Ano?! Magsalita kayo!"  

nage-echo ang boses ni Sherwin sa buong VIP room.

Kahit na malakas ang sounds sa labas ay dinig pa din ang sigaw ni Sherwin.

Pinagpatuloy ko ang paghithit ng sigarilyo, ang iba naman ay nakayuko lang at walang planong mag-salita.

"Pwedeng wag kang sumigaw? Ang sakit mo sa tenga." sabi ko.

Tumingin ito sa akin ng masama.

"Sige. Sabihin mo at ipaliwanag mo ng maayos yung dapat kong malaman." pinilit nitong kumalma at umupo sa tabi ni RJess.

"Kukunin ko ang anak ni Ailyn." kalmadong sabi ko.

"WHAT?! ANONG KALOKOHAN YAN IKIN!!" sumisigaw na naman sya.

"Anak ko yun. Akin si Miracle,"

Nabigla naman silang lahat sa sinabi ko. Habang napapa-iling lang si Sherwin.

"Teka par, paano ka naman nakasigurado na sayo nga yung bata?" tanong ni Ram.

"Nasa loob pa lang tayo, may suspetsya na ako. Alam nyo naman siguro ang tungkol sa mana ko. Pina.imbestigahan ko na si Miracle nung pinabinyagan sya. Nagpakuha ako ng litrato at video sa private investigator. Nakakuha din ako ng DNA samples nya a week ago."

Alam kong naguguluhan sila.

A week ago, nag punta ako sa eskwelahan ni Mira. Inaya ko syang mag-ice cream.

Tama. Ako nga yun, ako yung kasama nya nun. Sobrang ganda ng batang iyon at matalino pa.

Ramdam ko ang kakaibang tuwa nung kasama at kausap ko sya. Napansin ko din ang dimples nya, katulad ng sa akin. Kaya mas lalong tumindi ang paghihinala ko na akin nga sya.

"At nag match ang DNA namin. Sya nga ang anak ko. Akin sy--"

"So ang ibig mong sabihin kukinin mo sya sa nanay nya para makuha ang mana mo? Dont you think that its a bit selfish?" kwestyon ni Kiko.

"Selfish, indeed. Pero kailangan eh, saka may legal rights ako dahil ako pa din ang ama nya. Kahit sa maling paraan, akin sya."

"That's absurd! Grabe ka naman, Ikin. Maawa ka dun sa tao. Nagawan na natin ng mali yun, tapos gusto mong saktan ulit sya?" halos pasigaw na sabi ni Meng.

"I don't care at all. Wala akong pakialam kung masaktan man--"

*Boogsh

Natigil ako sa pagsasalita ng may kamao na dumapo sa mukha ko. Natumba ako sa kinauupuan ko.

"SERIOUSLY?! Huh? Ganyan ka talaga, Ikin? Baka nakakalimutan mo kung ano sya sa akin? Baka naman nakakalimutan mo lang. Sya ang babaeng papakasalan ko noon, at mahal ko yang babaeng gusto mong saktan ulit!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon