Iniisip ko noon, ako na ata ang pinakamalas na tao. First, may nakita akong isang mahangin at walang modong tao. Pangalawa, first section ako. Ayaw ko sa first section kasi andun este nandito na lahat, maarte, mga feelingera mga taong ayaw ko makasalamuha and of course ang pressure. Third, classmate ko si Mr. Mahangin at hindi lang basta classmate, seatmate ko siya.
Dahil wala na akong magawa, kinasanayan ko na ang araw araw na pambubwisit ni Mr. Caballero. Yes, I don't call him by his first name. At sa bawat araw na dumadaan ay palala ng palala ang pang aasar niya.
One day, habang papunta ako sa field para sa pactice ng banda, (drum and lyre) bigla nya akong kinausap.
"Jhenn pwede ba tayong mag usap?" seryoso nyang pagkasabi.
"Bakit? Ahm. May practice pa kasi kami ee."
"After your practice. Orchidarium. I'll wait for you." at pagkatapos nun ay umalis na siya agad.
Almost 7 pm na natapos ang practice namin. Out of curiousity ee pumunta pa rin ako sa orchidarium. Pagdating ko dun ee laking gulat ko nang makita ko siya.
