Nakaupo ako sa paborito kong upuan, paglingon ko sa tabi ko ay nandun ang lola ko at hawak hawak ko siya sa kamay. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko until I cried very hard........
I woke up!!
It was just a dream. Napakatotoo ng panaginip ko dahil pagkagising ko ay ambigat ng pakiramdam ko at naiiyak ako. Napakahirap kong ibangon ang sarili ko dahil naiiyak parin ako. Hindi ko matiis ung bigat na nararamdaman ko kaya't hindi ko na pinigilan, hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko habang iniisip ko yung panaginip ko. Ang mga iyak na ito ay dahil sa miss na miss ko na ang lola ko at dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil kay Rendo.
"Bangong ka na jan! Gising ka na!!" sigaw ng mama ko. Naliligo palang si Mia nung ginigising ako ni mama kaya may oras pa ako para mag muni muni. Pinapahinahon ko narin ang sarili ko. Hanggang sa bumangon narin ako at naligo. Same routine ako. Pagkatapos maligo ay nagayos na ako ng sarili ko. May oras pa ako para mag make up dahil naliligo pa si mama at medyo matagal siya. At panigurado ay malalate kami sa work.
Naku. Tama nga. Malalate nga talaga kami. 9:10 na ay nasa bahay palang kami.
"Jenny itext mo na si papa mo na sunduin na tayo"
"Oo ma. Natext ko na po."
After 15 minutes..
"Tara na!" sabi ng papa ko. At papunta na kaming lahat sa mga trabaho namin.
Nasa sasakyan palang kami at iniisip ko na kung papaano ko iaapproach si Rendo. Kung ano ba dapat magiging reaction ko pag nakita ko siya.
Bigla siya nagmessage sa fb messenger ko..
Rendo: Andito si Merilyn Padwa.
Me: sinong Merlyn?
Rendo: Tama nga siya. Di mo siya maaalala.
Pakitawagan si Lester. Papahabol ko sana tong client
natin para sa passport.
Me: Parating narin kami.Lalo ko siyang naiisip at pag naiisip ko siya na kasama niya ang girlfriend niya ay nanghihina ako na parang sumisikip ang dibdib ko. Masakit, nasasaktan ako ng sobra na parang gusto ko ng umiyak, sumigaw at magwala sa sobrang sakit pero kailangan kong itago to at bigyan ng mga ngiti ang mga labi ko. Kinailangan kong magpretend na okay lang ako at walang problema dahil ayoko na mahalata mg parents ko kung ano talaga ang pinagdadaanan ko ngayon.
Hindi madali para sa akin to. Dahil pati sa mga kaibigan ko ay ayokong ipakita na nasasaktan ako ng sobra. Kahit alam nila na nasasaktan ako, ayoko ipakita sa mga harap nila na iiyak ako ng dahil kay Rendo dahil kaibigan din nila siya. Ayoko maging unfair sakanya. Kaya ngayon, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat at tama kong gawin. Makikisama nalang ba ako sa girlfriend niya alang alang sa pagkakaibigan namin o hayaan ko ng mahalata niya na ayoko makasama ung girlfriend niya para malaman narin niya ang nararamdaman ko na nasasaktan ako dahil nahulog na ang loob ko sakanya?
Sa kakaisip ko sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko namamalayang malapit na pala kami sa office. Heto na, kailangan ko ng magkunwaring masaya at walang problema. Tumigil na ang sasakyan namin, at binuksan na ni Kuya Noel ang pintuan. Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan. Papasok na sana ako ngunit bumalik ako at inantay ko pa si Mia at kunwari nalang ay kinuha ko yung paper bag na pinahawak ko sakanya.
Palapit na kami sa pinto ng opisina namin.
Pagbukas ko ng pinto...........
Paano nga ba nagumpisa ang lahat??! Magflashback muna tayo...... 😁🤗😂
...............................................Cheers!!!!
"Happy Birthday Cris!"
"Buti nakarating kayo Jenny! Nakakainis yang bf mo ha. Imbis na siya ang sumundo sayo ako pa ang inutusan!"
BINABASA MO ANG
Maybe
RomanceHave you tried falling inlove with your friend? Yung tipong maiinlove ka sa isanng taong least na ineexpect mong mamahalin mo sa buong buhay mo? Falling inlove is the best feeling you will ever feel. But falling inlove with the person you know who's...