"FIRST MEETING"
BLUE POV
I'm BLUE SHARLOTTE FLORES, sixteen years old. First year senior highschool sa Southern High University. May isang kapatid, siya si Red Sharmae Flores. Ang ultimate crush ko ay si Jung Yong Hwa ng boy-band na CN Blue. Mahilig akong magbasa ng wattpad, magdrawing at makinig ng music mapa-local o international man. I'm a NBSB. Di ako takot magmahal. Bukod sa bawal pa ako sabi ng Mama ko, hindi naman ako nagmamadali kasi naniniwala ako sa soulmate at destiny. Kapag naka-destined kayo para sa isa't isa dapat in the right time and in a right place. Yung wala na kayong masasaktan. At kung magkaka-boyfriend man ako gusto ko makita ko muna sa personal si Yong Hwa, baka kasi single siya at magkaroon ng himala ay ma-notice na nag-eexist ako sa mundo e baka kami pa magkatuluyan. HA! HA! HA!
Haaaaay!
Ano ba tong pinagsasabi ko? Dala siguro to ng pagkainis ko.
KAINIS NAMAN KASI!!! Ang traffic talaga dito sa bayan, plus pa kanina, nahirapan akong makasakay ng trike palabas ng subdivision. Male-late na ako e. First day pa naman ngayon ng second semester. It means kakatapos palang ng one week sem-break namin. Haysssst! Naku naman.
Habang nagwawala na ako kasi bukod sa traffic na nga, ang init-init pa dito sa jeep. Napatingin na lang ako sa relo ko, 6:10 na ng umaga. Malapit na lang naman siguro dito yung SHU.
Kung lakarin ko na lang? Baka paghinintay ko pang umusad to male-late lang talaga ako.
Aaaayst! No choice. Dumungaw muna ako sa bintana ng jeep. Hindi talaga nagalaw.
Sigh. Keri ko to..
Sabay hila ko sa tali para mapahinto yung jeep, kahit nakahinto naman talaga. Para aware lang na bababa na ako.
"Para po manong!" Sabay baba ko sa jeep.
Buti di pa masyado maaraw kaya di mainit at pwede pang lakarin. Ok na rin to, exercise bago pumasok.
**Cinderella by CN Blue**
Wag na kayong magtaka kung bakit yan ang ringtone ng cellphone ko. Adik kasi talaga ako s CN Blue, lalo na kay Fafa Yong Hwa.
"Hello Cassey.."
[Asan kana? Male-late ka na kaya, don't tell me pinagsawaan mo na naman si Yong Hwa hanggang makatulog ka? Puyat ka na naman--]
"Hindi no." Pagpuputol ko kay Cassey. "Malapit na ako. Traffic kasi dito sa bayan e kaya to naglalakad ako."
[Yeah right. Just hurry up, wala pa naman si Harold my honey eh. Tsaka favor pala, pabili ako--]
"Ay putek!" Sigaw ko.
[Hello. Blue? Anong nangyari sayo dyan?]
Omygod! Yung..
Uniform ko..
[Hello Blue?! Ok ka lang dyan?]