"Jess, may kilala ka bang Daniel?" Nandito si Dani Lyn sa bahay ngayon. Gagawa kasi kami ng project eh. Woo stress!
"Daniel? Daniel ano? Oh eto kain ka na muna."
"Salamat. Daniel George Bernal? Kinakamusta ka kasi."
"Ah oo. Kilala ko yan."
4 years ago...
"Okay class. Please get your notebook and copy this."
Nako naman. Wala akong gana gumawa ngayon eh. Wag na lang kaya ako kumopya? Mehehe, bad girl.
"Ay nga pala class. Nangangailangan kasi kami ng players ng table tennis. Kung sino interesado magtry-out, pumunta na lang dun sa stage."
"Jess, tara try-out tayo."
Tinatamad nga akong magkikikilos ngayong araw eh. "Ikaw na lang Denise. Tinatamad ako."
"May extra point kung sino man yung kahit magtry lang. Especially sa girls. Kulang na kulang kami ngayon sa babae." Pahabol ni Ma'am.
"Jess! Extra point daw! Tara na bilis!"
Tsk. "Oo na, sayang din yung extra points. Magpaalam ka na kay Ma'am."
I chuckled. May patalon-talon pa ang bruha. Pasalamat siya di ko rin siya matiis.
"Jess! Tara na daw!"
Pagkarating namin sa stage kung saan nagtetraining yung mga varsity. Agad nila kaming sinalubong. Bigla akong nahiya, ang galing nila eh.
Nilapitan kami nung babae. Mukhang tomboy. "Hmm, magtatry out po sana kami."
"Talaga? Sige tara. Ako nga pala si Danica. Tawagin ko lang yung coach namin ah."
Ay taray. May coach pa. Nakakakaba tuloy lalo. Wala akong experience sa ganito. Di bale, trip trip lang naman to.
May lumapit sa amin na lalaki. Singkit siya tsaka moreno. Hindi masyadong katangkaran. "Hi! Ako nga pala si Daniel. Tara tignan na natin yang laruan niyo."
"Tsanggala, pinanindigan talaga niya oh." Sabi ni Danica.
"Shh. Manahimik ka dyan! Maglinis ka dyan." He chuckled.
"Ayos ka ah!" Natatawang sabi ni Danica.
"Eh Kuya, di pa kami marunong eh. Pano yan?" Nagaalalang sabi ni Denise.
"Ok lang yan. Kaya nga kayo magpapractice eh. Ano nga pa lang mga pangalan niyo?"
"Ah kuya, ako si Denise. Siya naman si Jessica. Pagpasensyahan niyo na yan, nahihiya lang yan kaya di nagsasalita." Tignan mo tong babaeng to. Well, di ko naman idedeny.
"Ok lang. Tara Jess? Wag kang mag-alala. Akong bahala sayo." He smiled at me.
After ilang months, finally natuto din ako. Nagenjoy ako maglaro at hindi ko pinagsisihan yung pagtry-out ko. Buti na lang napilit ako ni Denise.
"Jess, painom ako."
"Ano ba yan Kuya Daniel. Wag mo ubusin ah!" Kinuha ko yung tumbler ko then I gave it to him.
"Magrereklamo ka pa ah. Saka wag mo nga akong tawagin na kuya. Nakakatanda sobra eh." Then saka niya ininom yung tubig ko
"Fine. Matanda ka naman talaga eh."
"Ewan ko sayo baboy. Psssss." He handed me my tumbler then back to the game again. Ginawa niya na naman yung sound ng sumisingaw na lobo. Chubby nga ako pero cute naman tss. Ang bully nila sakin.
"Uy! Kasama mo kanina crush mo ah? Yieee, ano nga ulit pangalan nun? Christian ba? Yieee." With matching tusok sa tagiliran ko yan ah.
"Ano ba! Wag mo nga akong tusukin! atsaka wag ka ngang maingay andyan siya eh."
He chuckled. Sobrang saya niya, pansin ko lang. "Pinapasingaw nga kita eh para pumayat ka na."
Aba. "Grabe ka sakin! Wag ka ng iinom ng tubig sakin ah!"
"Eto naman! Joke lang eh. Di na mabiro. Laro na lang tayo oh."
"Ang matalo lulusot sa ilalim ng table. Ano? Game?" Agad na siyang pumwesto sa kabilang side ng table.
"Game!"
Dumating yung araw ng laban namin. Sobrang nakakakaba. First time ko kasi eh. Nakakahiya kung matatalo ako. Nakakakaba Lalo yung di pa kami kumpleto! Haynako Daniel, ikaw na lang hinihintay.
"Kumpleto na ba tayo?" Dumating na pala si Ma'am Janet.
"Hindi pa Ma'am, wala pa po si Daniel eh." Sagot ni Danica.
"Puntahan niyo na nga, malelate tayo eh. Tara na hintayin na lang natin siya sa kanto."
Dumating kami sa kanto pero wala pa rin sila. Palihim ako tumitingin sa likod namin baka kasi sabihin nila crush ko na si Daniel, magalit pa sakin si Belle. Kaso wala pa rin sila.
"Oh ayan na si Danica." Sabi ni Denise.
"Oh asan na si Daniel?" Tanong ni Ma'am Janet.
"Nako Ma'am, di na po siya makakasama. May sakit po kasi sabi ng mama niya."
"Sinasabi ko na nga ba. Masyado niyo kasing sinagad yung training kahapon eh. Osya, tara na."
Present...
"Ayun, huling usap na namin yung bago kami lumaban."
"Ah, kaya pala kilala ka niya. Kinakamusta ka niya. Anong gusto mong sabihin ko?"
"Ikaw na bahala. Pano mo siya nakilala?" Kumuha na rin ako ng kinakain niya. Kainggit eh.
"Sa plug. May nag plug daw ng number ko eh, dun niya daw nakuha."
"Plug? Plug mo nga rin number ko para may katext na rin ako."
She chuckled. "Sige mamaya, gawin na muna natin tong project."
"Jess, thank you sa pakain ah?" Natatawang sabi niya habang nagaayos ng gamit.
"Wala yun. Tara, hatid na kita. Wag mo kalimutan iplug ako ah?"
"Tapos na kanina pa. Tignan mo na lang mamaya."
"Ay loka ka, kaya pala pindot ka ng pindot sa cellphone mo kanina." Kinuha ko yung phone ko then ayun nga nakita ko yung plug niya. Naflattered naman ako, ang pretty ko daw. Eto gusto ko pag nagpapaplug ako eh. I chuckled.
Someone tap my arm. "Oy tara na. Mamaya na yan. Uuwi na ako girl."
"Ay sorry Dani, tara hatid na kita." Then we left.
Pagkauwi ko, I immediately grab my phone to see if someone texted me. Medyo ineexpect ko na magtetext siya since katext niya si Dani. I have to confirm something, bigla ko kasing naalala.
*1 new message received*
From: 092512345xx
Baboy
BINABASA MO ANG
His perfect plan
Любовные романыCan you wait until His perfect and beautiful plan for you? For the both of you?