Heart Attack

63 3 0
                                    

Hey, another story .. 

I hope you like it. Enjoy Reading.. :>

@glaiimillenas

*Marie POV*

I’m Marie Fernandez, I have a boyfriend named Terrence Cruz. 3 years na kaming live-in, masaya kami pag palagi kaming mag kasama, madalas din kaming nag-bbonding like watching movies and playing billiards. Wala din kaming tinatagong sikreto sa isat-isa open kami pareho.

Nagpacheck-up ako sa doctor dahil sa mga nararamdaman ko lately. Everything change in just a snap nung nalaman ko na may sakit ako sa puso. Hindi ko sinabi yun sa kanya, nilihim ko ang lahat kasi ayaw ko siyang masaktan pag nalaman nya ang tungkol sa sakit ko.

Maraming nagbago simula nung nalaman ko yung sakit ko. Naging cold siya sa akin kasi alam ko na hindi ako makakapagtago ng kung anung sikreto sa kanya. Patago akong umiinom ng mga gamut ko. Hindi din ako makatulog ng maayos kasi nagaalala ako sa sitwasyon naming dalawa, madalas na siyang umuuwi ng lasing, hindi na sya sumasabay sa akin kumain, hindi na kami nakakapag bonding, hindi na din kami nakakapag usap ng maayos at matagal, lahat nagbago simula nung maramdaman nyang may nililihim ako sa kanya.

Mahirap para sa akin ang maglihim sa kanya, ayaw ko lang na masaktan sya kahit alam kong nasasaktan ko na sya sa mga kinikilos ko. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong Makita syang malungkot at maawa dahil sa sitwasyon ko ngayon. Mahirap para sa aming dalawa.

Madalas akong umiiyak pagpapasok sa siya sa trabaho, kasi gusto kong masulit namin yung bawat minutong nabubuhay ako, gusto ko magawa namin yung mga bagay na hindi pa namin nagagawa, gusto ko palagi lang kaming mag-kasama.

Isang araw sinabi ko sa sarili ko na sasabihin ko na sa kanya ang tungkol sa kalagayan ko, masakit pero ito ang tama, ang malaman na nya ang tunay na kalagayan ko. Naghanda ako ng pagkain yung mga paborito naming mga putahe, para pag-uwi nya sasabihin ko na sa kanya ang lahat.

Nagulat sya ng pag-uwi nya ay madaming pagkain ang nakahain at may mga kandila at nakabihis pa ako. Tinanung nya ako kung anung okasyaon pero sinabi ko nalang na wala, na gusto ko lang na makapagusap kami at makapag-bonding. Naupo na sya sa harap ng kinauupuan ko, tahimik lang kaming kumain, hindi ko alam kung paano ko babasagin ang namamagitang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bumuntong hiniga ako, sasabihin ko n asana ang lahat ng biglang sumakit ang dibdibb ko. Nagulat siya at lumapit agad sa akin nakita ko ang sobrang pag-aalala niya, sinabi ko nlang na kunin nya ang gamot ko sa cabinet ko agad naman syang tumayo at kinuha ang gamot at pinainom agad sa akin.

Binuhat nya ako papunta sa silid namin, tahimik lang kami pareho ng hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Unti unti kong sinabi ang lahat sa kanya ang paglilihim ko sa kalagayan ko, patuloy pa din ako sa pagiyak ng maramdaman kong yakapin nya ako at pati sya ay napaluha sa mga rebelasyong sinabi ko. Natatakot ako nung una kung pano ko sasabihin sa kanya pero nag pakatatag ako para sabihin sa kanya ang lahat. Dahil ayaw ko na syang magtaka sa mga kinikilos ko. Inayos nya ang higaan namin at natulog kaming dalawa na magkayakap. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Sana pag gising ko maging maayos na ulit kami.

Kinabukasan, nagising ako ng wala na sya sa tabi ko natakot ako, baka iwanan nya ako, natatakot ako at hindi ko alam na tumutulo na yung mga luha ko, agad akong bumagon at nagulat nalang ako ng Makita ko sya sa kusin a na nagluluto ng agahan para sa amin, napangiti ako bigla at agad na pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Nakita nya ako at agad syang lumapit sa akin at inalalayan ako papuntang lamesa at pinaghain nya ako ng aking kakainin. Natutuwa ako kasi alm ko at narararmdaman ko na mahal nya ako. Nakangiti akong kumakain nun. Pagkatapos naming kumain, agad na syang nagayos para pumasok sa trabaho. Malungkot ako kasi maiiwan na naman akong mga-isa dito sa bahay.

Nag pahinga ako sa aming kwarto nagbasa ng libro, at inaliw ko nalang ang sarili ko sa panonood ng mga palabas.

Hapon na nung magising ako, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Bumagon ako nun at agad na pumunta ng cr pag tayo ko bigla nalang sumakit ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga, nanghihina na ako, kailangan kong makainon ng gamot, naalala ko na ang gamot ko ay nasa cabinet ko, napapagod na ako at unti unti ng nanglalabo ang paningin ko, inabot ko ang lagayan ng gamot ko, pero wala na pala akong gamot hindi pa pala ako nakabili ng gamot ko, inaabot ko yung cp ko para tawagan si Terrence, nakailang tawag na ako pero hindi parin sya sumasagot, nanghigina na ako hindi ko na kaya, pero sinubukan ko pang tawagan sya sumagot naman sya at agad na nag salita, hindi ako makapagsalita ng maayos kasi nahihirapan na ako sa kalagayan ko. Hindi na ako nakapagsalita at nabitawan ko na ang cp ko.

*3rd person POV*

Pauwi na si Terrence ng biglang tumawag si Marie, dito nya lamang nakita na ang daming tawag ni Marie sa kanya, agad nya itong sinagot kinakabahan si Terrence at agad na nag salita, ngunit wala syang maintindihan sa kabilang linya agad syang tumakbo at naghanap ng masasakyan. Pagkauwi sa kanilang bahay nagulat sya ng makita nya si Marie na nakahandusay na sa sahig, agad nya itong binuhat at pumunta sa ospital, nanginginig ang kanyang buong katawan at kinakabahan pero nananatili parin syang matatag para sa kanyang asawa.

Nagdasal sya na sana ay walang mang yaring masama sa kanyang asawa. Hindi sya mapakali at paikot ikot sya sa labas ng operating room, maya maya ay lumabas na ang doctor at agad na sinabi sa kanya ang kalagayan ng kanyang asawa. Kinakabahan sya sa sasabihin ng doctor sa kanya, bumuntong hininga muna ang doctor bago nagsalita.

Napaluha na lamang sya sa sinabi ng doctor na wala na ang kanyang asawa at pati narin ang bata sa sinapupunan nito, nagulat sya dahil hindi nya alam na magkakaroon sila ng anak na matagal na nilang pinangarap, wala na syang nagawa at umiyak ng umiyak at pinag susuntok nya ang pader at nagsisigaw sa labas. Nang mahimasmasan na sya ay pumunta sya sa kanyang asawa na umiiyak. Napakasakit na sa isang iglap ay 2 mahalagang tao ang nawala sa kanya.

Balisa sya at hindi makausap, hanggang sa libing ng kanyang mag-ina, hindi nya man nakita ang bata pero alam nya sa sarili nya namahal na mahal nya ang kanyang mag-ina.

----------The End-----------

 GlaiiMillenas

Heart AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon