kaibigan

32 0 2
                                    

Puso't isipan ko'y nagising, noong nauntog ako sa lugar na madilim.

Doon ko namalayan, takot pala ako sa kamatayan.

At sa panahong iyon aking nalaman, hindi pa pala tapos ang laban.

Kaya ako'y bumangon, salamat sa isa pang pagkakataon.

Salamat sa suporta, galing sa tinatawag na pamilya.

Ang pamilya ay hindi lang pala sa dugo, pwede rin pala sa puso.

Ito'y aking napatunayan, dahil sa pagmamahal ng aking mga kaibigan.

Kaya ito'y aking pahahalagahan, at sila'y aking ipaglalaban.

Kaya ngayon ay okay na ako, salamat sa kanilang mga payo.

Ako'y kanilang pinatawa,  sa panahon na ako'y nagdusa.

Kaya gusto kong makabawi, sana kayo ay ngumiti.

Sana'y magustuhan ninyo, isinulat kong tula ito'y para sa inyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon