Ang Prinsipeng Bobo

360 1 0
                                    

Ang Prinsipeng Bobo

May isang hari na galit na galit sa kanyang kaisa-isang anak na prinsipe. Sobra ang galit nito sa anak dahil sa napakabobo nito. "Nakakahiya ka! Ang bobo bobo mo! Kaisa-isang anak pa man din kita! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko kapag nalaman nilang ang tagapagmana ng kaharian ay napakabobo pala?! Paano ko maililipat sa iyo ang responsibilidad ng aking kaharian?! Mabuti pang hindi na lang ako nagkaanak ko gaya mo rin lang!" Ang tuloy-tuloy na sabi ng hari sa anak.

"Mabuti pang umalis ka na rito sa kaharian! Ikaw lang ang sisira sa maganda kong pangalan. Hala sige, umalis ka at huwag ka nang aapak sa aking reyno!" Ang pagtataboy ng ama sa anak na prinsipe.

Walang nagawa ang anak kundi ang sumunod sa utos ng amang hari.

Pagkaraan ng ilang araw, muling nagbalik ang anak na prinsipe. Dahil dito, nagalit muli ang hari. "Hindi ba't sinabi ko sa'yong huwag ka nang tutuntong sa kaharian ko?!"

"Ngunit...ama kong hari, hindi naman po ako nakatuntong. Kitang-kita niyo naman na nakasakay ako sa aking kabayo at hindi nakasayad ang paa ko sa inyong kaharian."

At biglang nahimatay ang hari.

~ Yun lang. xD

[[credits to the authentic owner, slightly changed.]]

Ang Prinsipeng BoboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon