Selfie part 2: OVER (ONE SHOT)

18.4K 411 127
                                    

 

“Ano ba Alvin! Napipikon na ko sayo lagi na lang tayong ganito. Buti pa siguro mag break na lang tayo.” Hindi naman siya sumagot. Tinignan lang niya ko at bumalik sa kanyang ginagawa.

Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ni Alvin mabibilang lang siguro yung mga araw na hindi kami nag-aaway. Masyado siyang seloso na pati mga kaibigan kong lalaki eh pinagseselosan.

“Fine! Wag kang magsalita ganyan ka naman eh.”

Binitawan niya yung hawak niyang ballpen at tumingin sa mga mata ko.

“Anong gusto mong sabihin ko? OK sige break na tayo? Ganun ba yung gusto mo? Alam mo naman Nicole na hanggang pwedeng ayusin aayusin ko eh.”

“Nakakasawa na Alvin. Sawang sawa na ko sa ganitong set-up simpleng bagay pinagseselosan mo na agad.”

“Ganun kita kamahal, ganun ako katakot na mawala ka sakin.”

“Sorry Alvin pero sakal na sakal na ko sayo dahil sa mga ginagawa mong yan mawawala na ko sayo.” Tumalikod na ko para umalis pero hinawakan niya ang braso ko.

“Hindi Nicole, hindi mo pwedeng gawin sakin to.”

“Ginawa ko na.” Inalis ko ang kamay niya sa braso ko, namula yung part na hinawakan niya.

---

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung huling pag-uusap namin ni Alvin. Mahal ko si Alvin pero merong pagkakataon na sobrang nasasakal na ko sa kanya, kailangan din namin mag grow us individuals lalo na ngayon na parehas kaming graduating. Nung unang dalawang linggo ay lagi pa din siyang nagtetext o tumatawag pilit niya pa ding inaayos yung relasyon namin. Pero itong nakaraang linggo ay wala na kong narinig mula sa kanya, nagsawa na din siguro siya kakasuyo sakin.

“Nicole may papakita ako sayo.” Hinahabol niya ang paghinga mukhang tumakbo siya papunta dito.

“Hinga ka muna Carl, gano ba kaimportante yan at nagmamadali ka?”

Oo tama kayo si Carl nga ang kausap ko ngayon, naging magkaibigan na kami ni Carl kahit hiwalay na sila ng pinsan ko, simula kasi nung nalaman kong classmate niya si Alvin eh lagi ko na siyang kinukulit.

“Si Alvin kasi eh.”

“Anong nangyari kay Alvin?” Hindi siya nagsalita inabot lang niya sakin yung phone niya at may nakita akong picture.

Si Alvin at ang PINSAN ko magkasama, magkahawak kamay sa isang mall. Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang yung picture.

“Nakita ko sila kanina sa mall, ang sweet nila sa isa’t isa. Pinicturan ko sila kasi alam kong kailangan mo yan malaman. Kahit wala na kayo ni Alvin alam kong hindi dapat ang pinsan mo ang ipalit niya sayo ng ganun kadali.”

Selfie part 2: OVER (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon