Dear God,
Paano ko sila mahihila palapit sayo?--
Ang pagmasdan ang kanilang kaluluwa na sinusunog sa ilalim ng mundo ay ang pinakamasakit na tagpo na nakita ko sa aking panaginip. Dinudurog ang puso ko tuwing naaalala ko ang nakita kong pagpapahirap ng demonyo sa aking pamilya sa impyerno, habang ako'y ligtas sa piling ng Diyos.Panaginip lang ang lahat. May pag-asa pa. Ngunit, paano ko sila malalapit sa Panginoon kung sila mismo ay lumalayo pati na rin sakin? Ano pa ba ang pwede kong gawin para matanggap nila si Hesus sa kanilang buhay?
Patuloy ang pagpatak ng luha ko habang inaalala kung pano nanaman nila ako tinaggihan kagabi.. kung pano nila tinanggihan ang Panginoon.
Kailan ko kaya sila makakasama sa tahanan ng Panginoon? Kailan ko kaya sila makakasamang magpuri sa Kanya? Ang maka-kwentuhan sila tungkol sa mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos para sa ating lahat?
**
Easter Sunday na.Ang pinakamasayang araw para sakin. Ang araw ng pagkabuhay ni Hesus at ang aking pagtanggap sa Kanya bilang aking Panginoon at tagapagligtas. Ngunit, kailan kaya darating ang pinakamasayang easter sunday para sa aming lahat?
Dear God,
Ilang easter sunday pa kaya ang darating bago ko makasama ang pamilya ko sa piling mo?
--Papunta ako ngayon sa kapilya..
Alas-singko ng umaga kasi kami magsisimula ngayon. Sunrise service. Kaya alas-kwatro 'y trenta minutos palang ng madaling araw ay bumyahe na ako. Panatag naman akong bumyahe mag-isa, alam ko kasing kasama ko si Lord. 7minutes lang naman ang layo mula samin kapag nag-tricycle, ang ilang minuto na matitira ay gagamitin ko sa pagtulong kay pastor at sa paglilinis na rin ng simbahan.Sana huling byahe ko na 'to ng nag-iisa. Sana sa susunod na taon, kasama ko na sila.
Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa aking mukha. May pag-asa pa.. hindi ako dapat na malungkot. Alam ko at naniniwala akong walang imposible sa Diyos. Alam kong hindi niya pababayaan ang pamilya ko.
Nagtaka ako nang biglang lumihis ng daan ang tricycle na sinasakyan ko.
"Manong, mali po yung nilikuan mo. Sa kanan po tayo." May paggalang kong sabi sa kanya, iniisip na baka hindi lang niya masyadong kabisado ang daan.
Ngunit tila hindi niya ako narinig kaya inulit ko ang sinabi ko sakanya. Nakaramdam ako ng takot at kaba nang makita ko sa repleksyon ng salamin ang kanyang pagngisi saka niya lalong binilisan ang tricycle.
Dear God,
Huwag mo akong pababayaan ha. Ready naman akong mamatay, alam ko naman kasing ikaw ang una kong makikita sa langit eh. kaso.. ano.. kase, hindi pa ko ready para sa mga taong maiiwan ko sa mundong to. Hindi pa ligtas ang pamilya ko. Wag mo muna akong kukunin.. please.Taimtim lang akong nanalangin..
Alam ko, marami na akong nahikayat na tao para tanggapin ang Diyos sa buhay nila.. pero, paano ang pamilya ko? Hindi naman Niya siguro hahayaang iwan ko ang pamilya ko nang hindi pa tumatanggap sa Kanya, di ba?
May tiwala ako sa Kanya. Alam ko hindi Niya ako pababayaan.
Pero, kung may iba siyang plano para sakin,.. ayos lang. Naniniwala pa rin kasi ako na may magandang dahilan siya sa lahat.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
SpiritualA one shot stories representing.. God and us. Uniquely written by: JoRyx @Faithshionista