Prologue

14 1 0
                                    


"Hangang kailan ka aasa?" Yan agad ang bungad ng radyo , pag ka bukas ko ng pintuan sa isang restaurant.

Hangang kailan nga ba? Matatapos pa ba to? Nakakainip rin palang mag antay sa taong alam mong may inaantay na iba!

"Sunny!" Dumating si rain na kanina ko pang inaantay. Mukha siyang masaya parang hindi niya alam na kanina pa ako dito sa restaurant at naiinip na.

"Ohh.. mabuti naman at dumating kapa?" Sarkastiko kong salubong. Pero heto na naman siya, alam na alam nya kung paano mawawala ang pagtatampo ko. Ngumiti siya na kita ang lahat ng ngipin tila nagpapahiwatid na bagong mouthwash at bagong toothbrush.

"Hahaha, sorry na. Eto naman wag ka ngang magtampo! May goodnews pa naman ako sayo! Hindi ko masasabi kung galit ka pa!"

"Okey hindi na ako galit. May pa goodnews, goodnews pang nalalaman!"

"Hahaha, hindi ka na ba talaga galit?"

"Oo nga hindi na nga ako galit!" Natatawa kong sagot!

"Sige na nga! Alam mo ba dudz" Yeah dudz isang hamak lang akong barkada at kaibigan. "Naaalala mo ba si cloudy? Yung first love ko? Yung ka-batch natin?"

"Oo paano ko ba naman yun makakalimutan, e halos araw-araw binibigkas mo pangalan non e"

"Alam mo ba dudz? Napakasaya ko!"

"Oo, halata naman sayong masaya ka e. Pa suspend ka pa talaga no? Ano ba talaga babalita mo?"

"Ikaw talaga, hahaha" Ginulo nya ang magulo kong buhok. "Alam mo kasi, si cloudy, PINAYAGAN NA NYA AKONG MANLIGAW SA KANYA! Kaya ako natagalan kasi na kasalubong ko sya! Hahaha Sunny ang saya-saya ko. Alam mo ba na kahit tatlo na ang naging girlfriend ko siya parin yung mahal na mahal ko? Sunny promise para akong nababakla. Feeling ko siya na talaga ang mapapang asawa ko. Mahal na mahal ko sya sunny." Yun ang mga salitang nagwasak sa puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon