Prologue

34 1 0
                                    


Prologue


"STEPHANIE !"


Lumingon ako sa pintuan ng library at nakita ko si Xandra sa itsura nito, mukha itong tumakbo ng ilang kilometro pawis na pawis ito at hinihingal. 


Inilipat ko ang tingin ko sa librarian na mukhang kanina pa siya tinitignan sumenyas ito na bawal mag ingay , tumingin ito kay xandra at itinuro ang nakapaskil sa gilid ng pintuan na OBSERVE SILENCE . Lumapit si Xandra sa librarian at nag sorry bago siya naglakad papunta sa akin .


" Kanina pa kita hinahanap you' re not answering your phone " sabi nito na nakataas ang isang kilay.


" Xandra, nasa library ako bawal ang maingay at isa pa nakasilent ang phone ko " sagot ko .


Kumuha ako ng libro at dumiretso sa upuan ko kanina malapit sa bintana . Sumunod si Xandra saka umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.


" Hindi mo sinasagot yung tawag ko hinahanap ka kasi nung president ng student council " Sinara ko yung librong bInabasa ko at tumingin kay Xandra .


" Anong sinabi mo ?" tanong ko ulit sa kanya.


" Sinabi ko na hindi ko alam kung nasaan ka , sabihin ko na lang daw sayo na pumunta ka sa room 414 ng 4 :30 may meeting yata kayo ?" sagot niya .


 Pumikit ako at sumandal sa upuan ang dami kong kailangan gawin . Ilang araw na akong kulang sa tulog wala na din sa oras ang pagkain ko hindi ko na makilala ang sarili ko tuwing titingin ako sa salamin.


" Bakit kasi sumama ka pa sa student council ayan tuloy hindi ka na nawawalan ng gagawin. Hindi ka na nakakasama sa amin give yourself a break Steph " nakasimangot na sabi ni xandra.


Hindi naman ako nagsisisi na sumama sa student council alam ko na sa umpisa pa lang na madami talagang kailangan gawin. 


Nung una nakakaya ko pang pagsabayin lahat pero ngayon pakiramdam ko konti na lang bibigay na yung katawan ko. Nagkasabay sabay kasi yung mga deadline ng kailangan kong gawin 


Nagkaroon din kami ng meeting sa iba ko pang club na sinalihan. First week pagkatapos ng unang araw ng pasukan kailangan bawat isa sa amin may kahit isang club man lang na sinalihan sa sobrang saya ko siguro nung araw na yun kaya dalawang club ang sinalihan ko. Tumakbo din ako bilang secretary sa student council .


Two months na lang graduation na kaya ang daming kailangan gawing mga project at assignment may reporting pa ako sa tatlong subject at ako pa ang na assign na leader.


 Napa buntong-hininga na lang ako .


" kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang " nakangiting sabi ni xandra


 "Thanks , mabuti ka pa wala ng masyadong gagawin " nakasimangot kong sabi sa kanya.


His LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon