Stunned and BetrayedInihinto ni Vanna ang sinasakyang kotse sa harap ng isang condominium building na matatagpuan sa MVC. Buo na ang kaniyang pasya, ngayong gabi niya ibibigay sa kasintahang si Alex ang kaniyang pinakaiingatan.
Oo, kinakabahan siya sa gagawin, but this is it, there's no turning back. Hindi niya lang naman ito gagawin, just for a damn experience, but also because she loves Alex. Matagal niya na itong pinaghintay. Kung ang Aldub nga nakamit na ang tamang panahon nila, pahuhuli pa ba siya?
Nailing siya, ngunit hinayaan niya na lang muna ang kalokohang nasa isip dahil kahit papano'y nakakatulong iyon para mapalis ang kaba na nasa kaniyang dibdib.
Eto na talaga to. Ani niya sa kaniyang sarili. Pumasok na siya sa loob ng building. Alam niya naman na wala ngayon si Alex sa lugar. Nagpaalam ito kanina na may dadaluhang charity event somewhere in Leyte, ngunit sinigurado naman nito sa kanya na makakauwi ito bago mag-alas otso ng gabi.
Just exactly what she needs.
Pumunta siya ngayon doon para ayusin ang condo nito para sa sorpresang ihahanda niya. It will be their first night, so she's planning to make it extra special.
Ang totoo ay wala naman talaga siyang alam sa pagdi-disenyo ng kung ano. Yes, she surely knows the basic, pero tulad nga ng sinabi niya, she wants to make it extra special. Kaya nga naisipan niyang kontakin ang kaniyang bestfriend na si Eliza.
They've been friends for five years now. Nagkakilala sila sa Clementine Special University, kung saan sila sabay na nagtapos. Magaling ito pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa palamuti at disenyo, kaya naman hindi nakakapagtaka na unti-unti na itong nakikilala sa fashion industry. She'd been a really good fashion designer and she's proud of her. Eto lang naman kasi ang matatawag niyang kapatid, since she doesn't have one.
Muli niyang sinipat ang cellphone at napansin na may reply na si Eliz.
Eliz: I'm really sorry bes, pero may show ako ngayon eh.
Oo nga pala, nakalimutan niya, this past few weeks ay nagiging abala na ito. Minsan na nga lang itong nakakadalaw sa apartment niya para makipagkwentuhan. Hindi niya naman ito maaaring pilitin, hindi naman kasi magkatulad ang trabaho nilang dalawa, na kahit nakahiga ka lang at lumalamon ay ayos lang.
Nalaglag ang balikat niya sa nabasa, pero mabilis naman na tumipa. Medyo nahirapan pa siya dahil sa dalang dalawang paper bags na naglalaman ng mga props niya.
Vanna: OK lang. Good luck sa show.
Gusto niya pa sanang magkwento, but since sinabi nitong busy ito, she decided na ipagpaliban na lang muna iyon. She can do it later.
Guess she only have herself.
Pumasok na siya sa loob at nginitian ang nadaanang lady guard. Nangunot pa ang kaniyang noo sa tila gulat na ekspresyon ng babae.
Given na medyo odd ang suot niyang simpleng T-shirt at fitted jeans sa loob ng engrandeng building na iyon, but she knew it too well that she can't be labeled as a total outcast.
Ang isa pang kumuha ng atensyon niya ay ang mga mata nito na tila may gustong sabihin, may gustong iparating, pero hindi niya maintindihan.
Nang makuha ang kailangan ay agad siyang umalis para pumunta sa unit ni Alex. Habang naglalakad ay sinubukan niyang alisin sa dibdib ang kung anong bagabag na dulot ng kanina.
Itinuon niya na lamang ang isip sa Victoria Secret lacy undies na sinadya niyang bilhin kanina, sa pag aakalang magugustuhan iyon ni Alex. Yes, she's that prepared. Sana lang ay tama ang presumption niya at wag naman sana siyang magmukhang tanga kapag sinuot niya na iyon mamaya.
BINABASA MO ANG
T R A P P E D
RomanceIt is a story about a writer who lacks with sexual experience and intimacy. She always has this good plot, pero palaging may kulang. Her story lacks with romance. Gusto niyang baguhin yun, but she really can't do it. Hindi niya ma-internalize, ni...