Prologue

260 32 7
                                    


"Maaari mo bang ikwento sa amin ang buong pangyayari?" Tanong ng pulis sa isang dalagang napapalibutan nila.

Matalim na tumingin ang babae sa nagtanong na pulis bago tuluyang nagsalita.

"Wala akong matandaan." sabi niito sabay tumingin ulit sa kawalan.

"Napakaimposible naman. Ikaw lang ang tanging nakaligtas! Hindi kaya ay may kinalaman ka rito?" Napakunot na at napataas na ang boses ng nagtatanong na pulis.

Yumuko lamang ang babae at malalim itong lumunok.

Napasapo sa noo ang pulis. Lahat ng nakapaligid sa babae ay nawawalan na ng pag-asa dahil sa tigas nitong hindi magsalita.

"Inspector Perez, Ako na lang ho ang magtatanong." Tinapik ng doctor ang balikat ng pulis. Nagbigay daan naman ito kaagad.

Umupo ang doctor sa harap ng dalaga at muling tinanong.

"Hija, tinatanong ka namin. Ano ba talaga ang nangyari?"

Ilang segundong katahimikan ang naghari sa loob ng interrogation room.

"Hija?"

Unti unting iniangat nito ang kanyang mukha at nagsimulang tumulo ang mga luha nito.

"Wala ho. Wala ho akong maalala. Nagsasabi ako ng totoo." Sagot ng dalaga habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Para ba itong nagmamakaawa at nangungusap ang mga mata nito.

"Sa tingin ko ay nagkaroon ng matinding trauma ang bata. Maaaring nagkaroon siya ng Psychogenic Amnesia." Paliwanag ng doctor sa mga pulis.

Ngunit, hindi kumbinsido si Inspector Perez dahil sa mga ilang ebidensyang kanyang natagpuan. Maya maya ay inilabas nito ang isang bag at binagsak sa harapan ng dalaga.

"Hindi ba sayong gamit yan?!"

Tumayo ang doctor at lumapit sa inspector upang pakalmahin ito. "Inspector, kumalma ka. Lalong makakasama sa kanya 'yan."

Nabigla ang dalaga sa nakita. Mga patay na paro paru.

Napansin ng mga tao sa loob ng interrogation room na mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Kung kanina ay umiiyak, ngayon naman ay unti unting kumurba ang mga labi nito at nagsimulang humalakhak.

Bigla itong tumayo na siyang kinatakot ng lahat.

"Hahahahahahaha! Ang talino mo inspector! Hahahaha! Pero, tanga ka pa rin. Oo, Ako nga ang pumatay sa kanila! At kayo na ang susunod! Hahahahahahaha!"

Kinuha niya ang mga patay na paro paru at inihagis ito sa mga pulis.

Humahalakhak, sumisigaw tapos ay maya maya ay sisigaw na naman. Para ba itong nasapian ng kung ano. Mabilis siyang lumapit sa inspector at sinakal ito. Pinipigilan naman siya ng ibang mga pulis. Nahirapan ang mga pulis na alisin ang kamay nito sa leeg ng inspector. Nanlilisik na ang mga mata nito at nanlalaban.

Nakaisip ng paraan ang doctor. Agad nitong kinuha ang injection sa bag at tinusok sa dalaga. Tinusukan ito ng pampatulog. Ilang segundo pa ay unti unting nanghina ito at nakabitaw na sa leeg ng inspector.

"Doc, ano ba talagang nangyayari sa kanya?" tanong ng inspector habang hinahaplos ang nasakal na leeg.

"Hindi ko pa alam sa ngayon. Kailangan natin siyang obserbahan dahil hindi ito pangkaraniwan."

Malalim na napaisip ang Inspector ang sinabi ng Doctor. Hanggang sa may maalala itong isang bagay na maaaring makatulong sa kanila.

Isang Diary na puro bakas ng paro paru.

------

IntrovertButterflyy

Butterfly Persona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon