Isang napakagwapong lalaki na nag ngangalang Jared Cruz ang gumala sa isang perya.
Habang pagala-gala sya ay agad syang napansin ng isang manghuhula na ang pangalan ay Aling Lucring. Agad nyang tinawag si Jared upang hulaan.
Tinanggihan ng ilang ulit ni Jared ang manghuhula ngunit mapilit talaga ito. Kaya pumayag nalang ang binata.
"Mag-iingat ka sa mga pwedeng mangyari." sabi ni Aling Lucring
"Ano ba ang ibig nyong sabihin tanda?" sagot naman ni Jared na walang respeto
"dapat ay huwag mo ng paglaruan ang mga damdamin ng mga babae. Matuto ka nang magmahal ng tama at totoo." sabi ni Aling Lucring
"Magmahal ng totoo? Bwahaha anong kabaliwan naman yan? At hindi ko naman kasalanan kung lapit ng lapit sa akin ang mga pesteng mga babae na yun tsaka pwede ba tanda! Wag mo na akong pakialaman sa buhay ko! Di naman totoo yang Hula-hula na yan eh!" sagot ni Jared at sabay kumaripas ng takbo
sinigawan sya ng manghuhula "Balang araw magsisisi ka rin at matutunan mo ang totoong pagmamahal"
ngunit binalewala lng ni Jared ang sinabi nganghuhula.
Nasabi iyon ng manghuhula kay Jared dahil ang binata ay napaka-playboy at pinagsabay-sabay nya ang 11 na mga babae at pinaglalaruan ito. Wala syang siniseryoso ni-isa at wala syang pakialam sa mararamdaman ng mga babae.
