Update 1

14 0 0
                                    

Hi guys. So eto yung update 1.

***

*Work work work work work work see me do the work wooorkk work work wooorkkk*

Nagising ako at pinatay ang alarm. Jusko.. Anong oras naaa?

Tumingin ako sa paligid, nasa apartment pa rin ako. Walang nagbago pero may nakita akong dalawang babae na nagaayos sa loob.

"Excuse me?" Sabi ko sa kanila.

Humarap sila sakin at nagulat ako kung sino sila.

"Gising ka na pala! Hi Sharlene!" Sambit niya sakin habang nakangiti.

"What the fuck Jam and Faye?!"

Tumayo ako at lumapit para yakapin silang dalawa.

"I miss you girlsss!" Sabi ko at lalong hinigpitan ang yakap.

"We missed you too Sharlene." Tugon sakin ni Jam.

Nagkalas na kami sa isa't isa at si Faye naman ang nagsalita.

"Anyway Sharlene, we are here because Tita said dapat ka naming samahan. Dala na namin tong ibang gamit mo kasi sinabi mong may naiwan ka."

"And besides boring din dun sa Bulacan, kaya we are also going to your school para sabayan ka sa pag e-enroll." Sumunod si Jam.

"Hm.. Ang saya naman. Akala ko talaga mawawala na kayo at di ko na kayo makakasama. Im so excited."

Sobrang natuwa ako ng malaman kong nandito na ulit sila kasama ko. Well, hindi naman sa hindi ko kayang mag isa. Masaya kasi kapag kasama ko sila e.

"Well its because of your mom." Sabi ni Faye.

"Tara kain muna tayo, mamaya pang ala una ang enroll." Sabi ko sa kanila at tumayo na rin ako.

Hinalo ko na ulit ang batter ng pancakes bago ito ilagay sa mainit na pan.

"So, kamusta pala si David?" Rinig kong tanong ni Jam sakin.

"Hm he's doing good sa Paris. Nakasama na rin niya doon sila Tito Vincent doon at nakuha na niya yung trabo na naghihintay sa kanya."

We are talking about David, which is my cousin. Boyfriend ni Jam.

"Malaki din tong apartment mo ha? Feeling ko nga kahit one month ka lang nawala sa Bulacan, parang ilang taon kami nawalan ng kaibigan." Sabi naman sakin ni Faye.

"Oo nga madam Sharlene Grace Marquez. Nung nawala ka wala na kami kasama humanap ng pogi, pero okay lang yon nandito naman kami, at for sure mas maraming gwapo dito sa syudad! Hahaha!" Sambit ni Jam saka kami tumawang tatlo.

"Hay nako, isusumbong talaga kita kay kuya David! Hahaha." Sagot ko pagkatapos namin magtawanan.

Ng matapos ko iluto ang mga pancakes, nagtungo ako sa ref para kumuha ng yougart, milk, tubig, at nutella.

Nilapag ko lahat sa lamesa ang mga pagkain saka kami kumain. Malamang, syempre kakainin namin yun alangan namang titigan lang namin?

Panakip-butas.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon